Chapter 3

1020 Words
Tulad ng inaasahan ko ay nag hysterical ng sobra si Mommy sa narinig. Halos himatayin siya sa sobra sobrang galit niya para sa akin. Habang ako naman ay iyak lang ng iyak habang sinasalo lahat ng masasakit na salitang pinawawalan niya para sa akin. Lumabas ang pagiging Chinese niya kung paano ba magalit at magtatalak na tila unlimited. As in walang kapaguran. Isang kasumpa-sumpang pangyayari sa buhay ko na wala naman aming choice kundi ipagtapat talaga sa kanila. "Humanda ka sa Daddy mo pagdating niya Reese!!" sabi pa bago siya tuluyang pumasok ng room niya at nag lock ng pinto... Natakot ako ng sobra kay Daddy dahil sa banta ni Mommy. Isa pa ay hindi ko pa naman talaga huli ang kiliti niya. In short, hindi ko naman alam paano siya lambingin. Ngunit malayo sa inaasahan ko ang nangyari. Tinanggap ng maluwag sa puso ni Daddy ang nangyari sa akin. Ang sabi pa nga niya... "Walang kang kasanalan Baby, nagmahal ka lang naman. Tanga siya dahil pinakawalan niya ang napakagandang Prinsesang kagaya mo. Kaya naman dumito ka lang, bilang Daddy mo ay kaya kitang protektahan at buhayin..." Bagay na sobrang na-touched ako. Napayakap nga ako sana kanya at umiyak talaga ng sobra. Dahil tama Daddy ko siya. At walang makakagalaw sa akin kapag kasama ko siya... Sa ngayon ay pansamantala akong huminto sa pag-aaral. Dahil ayaw din naman niya na makita pa ako ng mga classmates ko sa ganitong kalagayan ko. At ngayon nga ay nasa 2nd trimester na ako ng aking pagbubuntis. At medyo lumalaki na din naman ang umbok sa aking tiyan. Habang si Mommy naman ay hindi ako masyadong kinikibo ay si Daddy naman ang nagpuno nito sa akin. "Dito ka muna mag stay sa bahay Baby. Huwag ka munang lalabas tulad ng bilin ng Mommy ok." Ang palaging bilin pa niya sa tuwing aalis siya. Aaminin kong nakaka bored sa bahay. At nakakalabas lamang ako dito kapag may pre-natal checkup ako para sa baby ko. At sa paraang patakas pa. At walang makakakita sa akin. At tulad ng inaasahan ay si Daddy lang naman ang nakakasama ko pagdating sa mga ganitong bagay. Dahil maging ang mga kaibigan ko ay walang idea kung bakit nga ba ako biglang nag drop sa school. Ang sabi ko lang ay may personal akong problema at hindi ko na idinetalye pa. . . . "Oh kumusta naman ang aking Prinsesa?" Masiglang bati pa niya ng abutan niya akong nagluluto ng tortang talong sa kusina. "Ok naman ako Deh, sigurado gutom kana niyan. At malamang sa alamang ay hindi kana naman ng mirienda tama ba?" Napapailing na tugon ko pa habang patuloy lang ako sa aking ginagawa. Tama, ginagawa niya ito para sa akin. Dahil gaya nga ng nasabi ko dati ay hindi naman kami mayaman. Dahil si Daddy ay minimum wage earner lamang. A halos si Mommy lang nagpapasok ng pera sa bahay na inilalaan lang naman sa mga monthly bills namin. Isang bagay na madalas naman nilang pag awayang mag-asawa kahit dati pa. Ang issue sa pera. Kaya naman kung hindi talaga titipirin ay hindi ito magkakasya sa pang-araw araw naming pamumuhay. Dumagdag pa na ngayon ay buntis ako. At kailangan naming makaipon para sa panganganak ko. "Masyado kasing masarap yung pinapabaon mo sa akin. Kaya naman napaparami talaga lunch ko. Sarap mo kaya magluto." Katwiran pa niya habang ngayon ay humihigop siya ng kape na siya din naman ang nagtimpla. Napatawa nalang ako... "Luhh, at binola naman ako ng Daddy ko. At paano naman sasarap ang luto ko sa fried meatloaf ha. Iisa lang naman kaya lasa non noh. Kapag naprito na." Napangiti siya at napakamot sa ulo niya. "Basta masarap siya. Dahil ang Prinsesa ko yata ang naghanda non." "Oo na Daddy, kasi nga palagi mong sinasabi na may magic ang kamay ko. Hayy ewan ko lang huh. Samantalang si Mommy naman ay halos ayaw kainin ang mga niluluto ko." Himig pagtatampo ko pang sabi sa kanya. He sighed. "Nagtatampo lang sa iyo yon kaya ganon. Hayaan mo lilipas din yon. Lalo na kapag nailabas mo na ang munting anghel diyan sa tiyan mo, ay sigurado akong sobrang matutuwa yon. Imagine magiging lola na siya diba?" Sabi pa niya habang pilit na pinapasaya ang sarili. "Sana nga Daddy..." malungkot na tugon ko pa. "Sige nga muna maligo muna ako, at nagmumukha akong alalay mo lang kapag ganito ayos ko. Masyado ka kasing maganda." Tumatawang sabi niya bago kinuha ang towel na nakasampay lang muna sa isang silya. "Sa iyo kaya ako nagmana noh, kaya naman kung maganda ako. Dahil yon napaka gwapo ng Daddy ko. At sobrang cool pa." Tinugon naman niya ako ng matamis na ngiti. "Paano ka naman magmamana sa akin e mukha kang koreanang hilaw diyan lalo na yung mga mata. mo. Samantalang ako e kay laki-laki ng mata ko. Pero singkit din daw ako dati sabi ng Nanay ko." Napatingin ako sa kanya. "Really ba Daddy? Seryoso?" "Oo kaya lang nagulat daw ako bigla ng ipanganak, kaya ayan malaki na siya palagi. Di na bumalik sa dati." Natawa ako. "Weehh corny mo kaya." "Pero natawa ka diba." Tuluyan na nga may na-unlocked sa samahan namin ni Daddy. At ito ang ibang version niya sa akin. His Daddy skills version 2.0 na sobrang gusto ko talaga. "Dumating naba ang Mommy mo?" "Nope Dad. Lam mo naman yon always busy." Tugon ko pa. Napansin ko naman ang pagbuntong hininga niya. Nakaramdam ako ng guilt dahil dito. Dahil simula kasi ng mangyari ito sa akin ay naging malamig na talaga si Mommy. At maging kay Daddy ay ganon na din siya. Marahil ay nasa healing process pa siya ng pagtanggap sa trahedyang dinulot ko. Dahil sobrang daming pangarap niya para sa akin. Pero aaminin kong nami miss ko siya ng sobra. As in yung dating siya. Ang Mommy ko na sobrang sweet sa at palagi kong kakwentuhan kapag nasa bahay siya. She always make time for me kahit busy naman siya sa mga lesson plans niya. Na malayong malayo na sa ngayon. But I still believe na babalik din naman ang lahat sa dati. Sana lang talaga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD