Chapter 4

1123 Words
MOMMY LANE'S POV St. James Academy- "That's all for today. Ok class dismissed..." Mabilis na nagtayuan ang mga students ko. At masaya naman silang lumabas ng classrooms habang masasaya ding nag-uusap. Finally ay tapos na sila sa klase ko. "Bye Ma'am, see you ulit tomorrow." Sabi pa ni Olivia na isa sa mga top student ko. "Ok Miss Perez. Thank you." tugon ko. Pagtapos ay huminga ako malalim bago tuluyang tinanggal ang eyeglasses ko. At agad ding napahawak ako sa aking sintido. Habang nakatukod naman ang mga siko ko sa aking mesa. Ito na ang huling class ko for today. Ngunit pakiramdam ko ay ayaw ko pang tumayo upang mag-ayos pauwi. Na kung maaari lang sana ang isang class pa, at siguro ay ikakatuwa ko ito, dahil ma extend pa ang aking oras. I SIGNED. "Mukhang na stress ng husto ng Math Teacher kong maganda huh." Napapailing bati sa akin ni Grayson, matapos niyang maupo sa mismong table ko. "Yeah as always, uwian na naman..." Napapailing na sabi ko pa. He is Mr. Grayson Dela Cuesta. Isa siyang PE Instructor. 25 years old at certified single. Mas matanda ako sa kanya ng almost 10 years. Anak siya ng isamg kilalang negosyante sa aming lugar. Kaya naman masasabing ang pagtatrabaho niya ay isang libangan lang or must say na kaya niyang mabuhay ng maayos kahit matulog lang siya sa bahay maghapon. BFF ko siya, tama, ang lalakeng beshy ko. At hingahan din ng sama ng loob sa bahay kapag masyado na akong toxic. Tulad ngayon. Almost 1 year na din kaming ganito. At dahil din dito ay kumportable na kami sa isa't-isa. Well, sinusulit ko lang naman ang time habang single pa siya. Dahil alam ko namang kapag nagka girlfriend na siya ay hindi na ganito. At handa naman ako doon. "Look at yourself Madame. Para kang intsik na naluki sa nekosyo." Biro pa niya tsaka siya tumawa. "Hay ewan ko sa iyo Mr. Grayson. Isa ka pa e." Sabi ko pa hanang patuloy lang na nakayuko at nakapikit. At nga dalawang kamay ko ay humihimas pa din sa akin sentido. Muli siyang tumawa. "At talagang idinamay pa ako uh. Ang sama mo kaya sa akin. Ako nga itong concern sa napaka ganda kong Best diba?" Patuloy pa niya. Huminga ako ng malalim. "Kung mang-iinis ka ay sorry dahil wala akong masyadong baong pasensya today." Napapailing na sabi ko. "Grabe siya ohh. Ang mabuti pa kumain nalang tayo. Since ayaw mo pang umuwi diba? Tsaka baka gutom lang yan Best." masayang sabi pa niya. Sandali akong natigilan at napaangat ang mukha sa kanya. "Wala nga akong pera diba? Tapos, gastos na naman yang iniisip mo noh." I rolled my eyes at muling bumalik sa pwesto ko. "No worries... Sagot ko." Kampanteng sabi niya. "Ayoko pa din, di porket anak mayaman ka ay lagi nalang ganito, and besides... Wala akong gana. Gusto ko ganito lang muna ako ok." Sabi ko. Huminga pa siya ng malalim. "Ok sige dito tayo. Hanggang maggabi, sasamahan kita dito." "Bahala ka, pero sinasabi ko sa iyo na wala kang mapapala." Napapailing na sabi ko pa. "Ok lang." Sabi niya. Umayos ako ng upo at hinarap siya. "Ok sige, pero pwede bang umayos ka ng upo mo. Mamaya mo ay makakita sa iyong co-teacher ko at ano nalang isipin nila diba " sita ko pa sa kanya bago ko siya inirapan. "Talaga naman oh, ang Best ko na maganda pa din kahit nagsusungit." Mabilis naman siyang tumayo at hinila ang isang arm chair at ipinuwesto ito sa harapan ko at tsaka naupo dito. "Ok kana naba niyan Ma'am Lane?" Nakangiting tanong pa niya. "Much better Grayson." Mabilis naman siyang umayos ng upo at itinukod pa ang dalawang siko sa desk ko. "Nakabukas na po ang ear ko, Ma'am Lane. Handa na akong makinig sa mga sentiments mo." Sabi pa niya. Huminga ako ng malalim. "At ano naman sasabihin ko?" "Anything, basta makakaluwag diyan sa dibdib mo." Patuloy niya. Bahagya akong nag smirked sa kanya. "Bestfriend nga kita Mr. Grayson Dela Cuesta. Kilalang kilala mo na ako." Napapailing na sabi ko. Napangiti siya. Sapat upang lumabas ang natural na dimples niya sa magkabilang pisngi. At pati din naman ang mapuputi nitong ngipin na binagayan ng mapulang labi. "Matagal na Best. Isang taon na nga to be exact " sabi pa niya. Tumitig naman siya sa akin. Ako ang hindi tumagal at ibinababa ko ang paningin ko. "Now tell me, what is your problem Ma'am Lane? Alam kong Math Teacher ka at knowing na magaling ka sa problem solving. Pero kailangan mo pa din ako, somehow." Muli akong huminga ng malalim. "Naiinis kasi ako Grayson." Simula ko. "Sa asawa mo ba o sa anak mong si Reese?" Pananantiya niya. "Actually both." Rektang sagot ko. Sandali naman siyang natigilan at agad din namang umayos. "Grabe yan huh, at mainis ka talaga sa dalawa mong ka-pamilya? Dati ay sa anak mo lang na si Reese ka naiinis at ngayon ay pati na ang pinaka mamahal mong asawa huh... At ano pala nagawa niya? Maari ko bang malaman Best, if you don't mind." Tanong pa niya habang nakakatitig lang siya sa akin. I sighed "I hate my mind, and also I hate this feeling Grayson. Alam mo yung ganon? Yung feeling na nagkakampihan sila para kalabanin ka? Yung ganon... Ughhh hirap i-explain e, basta." Magulong sabi ko. Napatawa naman siya. "Tingnan mo. Even ikaw ay may issues. Baka naman nagkakamali ka lng mg iniisip. Bakit kasi hindi mo siya kausapin ng magkaintindihan kayo." Relaxed na sabi niya. Napailing ako... "I don't know, pero I still believe with my instincts." Sabi ko. "Yeah yeah. The so called woman / mother instinct.... Alam mo, wag ka masyado nagpapaniwala sa instincts mo. Mas mabuting kausapin mo siya ng derekta. Huwag puro hinala ok." Hindi naman ako nakakibo. At muli lang napayuko. . Kasunod ng katahikan sa aming dalawa Siguro ay tinatantiya niya ako... . . . Hanggang sa nagulat nalang ako ng ilahad niya ang kamay niya sa akin. "Ang mabuti pa Best, huwag tayo rito. Lets find some place na makakapag usap tayo. Kung ayaw mo naman ay ihahatid nalang kita." Wala na akong nagawa kundi tumayo at ayusin ang sarili. Tama naman siya. Hindi ito ang lugar para mag-usap kaming dalawa ng tulad nito. Dahil baka dumating ang araw ay laman na kami ng usapan ng mga marites dito sa school. . . . Sumakay ako sa kotse niya. Ito ang unang pagkakataong pumayag akong magpahatid sa kanya. Kahit kay tagal na niyang ini insist ito. "Oh saan mo gusto Best? Bago kita ihatid?" Tanong pa niya. "Bahala ka Grayson, malaki kana para mag decision with your own." Napangiti naman siya at ini start na ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD