Sa isang medyo hindi naman masyadong kilalang restaurant niya ako dinala.
At nakakatuwang kaming dalawa lang ang nandito. At kung hindi pa nga yata naisipan ni Grayson na dito mag stay ay wala pa silang magiging customer siguro.
Marahil ay dahil na 2nd floor ito ng isang commercial building. Tapos ay wala din namang catchy na signage sa labas kaya siguro, wala halos kumakain dito.
"O diba we're safe here? Baka naman magdahilan kana naman na kesyo baka may makakitang marites sa iyo?" natatawang bulong pa niya habang inisa-isa ang menu.
I smirked at him. Bago din bahgyang umirap sa kanya.
"Now tell me Mr. Grayson. Ano pa ang pagkakaiba ko sa other unfaithful woman. Habang kasama ko ang isang batang lalake sa lugar na ito huh?" napapailing na sabi ko.
Sandali naman niyang ibinaba ang menu at hinarap ako.
"Sabihin na nating may malaking pagkakaiba? Dahil nandito tayo dahil hindi para mag cheat sa hubby mo. Or sabihin nalang nating, we're here as a friend. At nandito ako para makinig lang sa lahat ng sentiments mo sa buhay. A shock absorber a pwedeng gawing smooth ang sa tingin kong rough na path mo." he said.
"Oo nga naman, sa dinami-dami ng pwede kong maging kaibigan sa school sa iyo pa talaga Mr. Grayson. At thank you sa napaka dami mong oras sa akin, tama ba?" sarcastic na sabi ko.
Napangiti siya. "Well, my pleasure Ms. Lane. As always nandito lang ako for you ok." sabi pa niya bago muling kinuha ang menu.
"Correction Mr. Grayson. Mrs. Lane Dela Cerna. At hindi Miss Lane, dahil una ay may asawa na ako at pangalawa ay may anak ding babae na halos pwede mo na nga maging dyowa, tama?" napapailing na sabi ko.
Muli naman siyang tumitig sa akin.
"And what's the point Mrs. Dela Cerna?" napapailing na tanong niya.
"Well, sabihin na nating may tanong ako sa isip ko na hindi ko masagot-sagot." sabi ko, tsaka ko kinuha ang menu upang muling humanap ng pwede kong ma-order.
"Na ako lang ang pwedeng makasagot tama?" prangkang tugon niya.
Napaangat naman ang aking mukha. At lakas loob na hinarap siya.
"Yes, only you Grayson. Please tell me now please. Ayoko na kasing mag-isip pa, nakakadagdag lang kasi sa napakadami kong isipin." patuloy ko.
Tinawag niya ang waiter.
Siya na din naman ang nag order para sa akin ng lumapit na ito sa amin.
"Dalawang San Mig Light lang bro, isang sizzling buttered corn at samahan mo na din sizzling dinakdakan." sabi niya sa waiter.
"That's all sir?"
"Yes, yan lang muna." tugon niya.
Tsaka niya ako muling hinarap matapos makaalis ng waiter.
Napahinga ako ng malalim at napahawak sa sintido ko.
"At ano sa tingin mo ginagawa mo Grayson? Hindi mo man lang iginalang ang teacher uniform na suot ko?" Alma ko sa kanya.
Napataas naman ang kamay niya.
"Relax, its just a beer in can, ano kaba? At wag mong sabihing malalasing kana sa isang lata ng beer? Ang bilis mong mag rant huh." napapailing na sabi niya.
Hindi naman ako kumibo at bahagya pang napasilip mula sa glass wall. At tama medyo madilim na din sa labas.
"So, kailangan mo pa ng beer para lang makapag confide sa akin ganon ba?" Napapailing na sabi ko.
"Nope, mas masarap lang uminom habang nag-uusap. Isa pa ay hindi naman na tayo mga bata pa." sabi niya.
"Ok, ok. Pero isang can lang huh? Tapos ay uuwi na ko Grayson."
Napangiti naman siya.
"Sure, at ihahatid na din kita." sabi niya.
"Talaga ba? At paninindigan naba natin ang pagiging unfaithful wife ko?" sarcastic na sabi ko.
"Tulad ng sabi ko, walang masama sa ginagawa natin. Sumasama lang ito kung bibigyan ng malisya ng iba." kalmadong sabi niya.
"At hanggang kailan mo naman kayang paniwalain ang sarili mong wala tayong ginagawang masama huh?" I said.
Hindi na siya nakasagot pa ng dumating ang waiter at dala na nito ang lahat ng order namin.
Siya na din ang nagbukas ng beer para sa akin.
"Pwede ko nabang sagutin ang tanong mo bago ko ito inumin huh?" Tila nanunuksong sabi niya.
"Yes please..."
Ibinaba niya ang beer at hinarap ako.
"Ayoko ng dagdagan pa ang isipin mo Lane, at tama din naman lahat ng iniisip at sinasabi mo. Na bakit nga ba ako nagtityagang samahan ka kung wala lang diba?"
Tumingin naman ako sa kanya at nakaramdam din ng bahagyang kaba.
"Obviously ay gusto naman talaga kita Lane, at matagal na. At umaasa din akong balang araw ay mapapansin mo din ako at bibigyan din naman ng atensiyon na tulad ng ibinibigay ko sa iyo." Sabi niya.
Huminga lang ako ng malalim at agad ding napahawak sa sintido ko. Pero aaminin kong hindi naman ako nagulat na.
Dahil bilang babae, ay alam na alam ko naman ang lahat ng ibig sabihin nito. At ayoko ding mag playing virgin o inosente kaya na magugulat pa kapag sinabi niyang gusto niya ako.
"Ibaling mo nalang yan sa iba Grayson. Tanga kaba... Bakit ako?" Prangkang sagot ko.
"Yes, kung katangahang gustuhin ka ay tanga nga siguro ako Lane."
Ininum ko ang isang can ng beer. At halos naubos ko ito.
"Sorry pero ayaw ko sa tanga, Grayson. Uuwi nako." Sabi ko tsaka ko dinampot ang bag ko at tumayo.
Mabilis naman niyang nahawakan ang braso ko.
"Please kahit sandali nalang please."
Hindi ako natinag at nanatiling hindi tumitingin sa kanya.
"Ano pa dahilan ko para mag stay dito Grayson? At sa tingin ko ay ito na huli nating pag-uusap. Dahil sa susunod pumunta sa klase ko ay itataboy talaga kita!" galit na sabi ko.
"Nakikiusap ako. Hindi naman ako umaasang babalikan mo din ang nararamdaman ko para sa iyo. Masaya na akong nakakasama ka. At hindi naman talaga ako umaasa ng kahit ano mula sa iyo."
Hindi ako kumibo.
Pero muli naman akong naupo.
Siguro ay ayoko pa din namang mapahiya siya.
Isa pa ay naniniwala naman ako sa lahat ng sinasabi niya. Na kahit kailan ay hindi naman siya magiging treat sa relasyon namin ng asawa ko.
Isa pa ang kailangan ko siya. Dahil natatakot ako isang araw ay wala na ang kaibigan ko.
Ang kaisa-isang taong nakakaunawa at nakaka-intindi sa tunay na sentimyento ko sa buhay.
"Ok Grayson, pero 15 minutes lang tapos ihatid mo na ako please."
Sumilay naman ang ngiti sa labi niya.
"Promise Ma'am Lane. 15 minutes lang..."