Yumi's Point of View
The day started like any other.
Pasado alas-nuwebe ng umaga, abala na ang paligid ng university. The usual noise of students—some chatting, others running to their next class—filled the halls. Ako naman, bitbit ang accounting book at laptop, papunta sa lecture class ko sa third floor ng Commerce Building. Masakit na ang balikat ko sa bigat ng gamit pero sanay na rin.
Hindi ako dapat malate, lalo na't Lecture 3 ngayon sa Intermediate Accounting, isa sa pinakamabigat naming subjects. Pasado 9:25 AM nang makapasok ako sa classroom, sakto lang bago magsimula ang klase.
Pumwesto ako sa usual spot ko sa ikalawang row mula sa harap. Kahit hindi ako mahilig mag-recite, gusto ko lang marinig nang maayos ang lecture. Pinindot ko ang ballpen ko at binuksan ang notebook habang nagsimula nang magdiscuss si Prof. Verano.
"Okay, class, open your books to Chapter 4. We'll start with long-term liabilities and bonds payable. Mahaba-haba 'to so focus tayo, ha."
Nagsimula ang lecture. May PowerPoint, pero mas gusto ko pa ring mag-sulat ng notes kaysa umasa sa slides. Habang nagdidiscuss si Ma'am, paminsan-minsan akong tumitingin sa laptop screen para sabayan ng file copy ang sinusulat ko.
Tatlong oras ang lecture pero parang kalahating araw na ang lumipas. Puno ng computations, theories, at journal entries. After ng short quiz sa dulo ng klase, finally, nakahinga rin ako nang maluwag.
12:35 PM.
Nag-check ako agad ng phone. May message si Trina.
Trina: "Yums, huwag ka nang pumasok mamaya. Closed ang salon ngayong gabi. Walang gaanong client at sabi ni Ate Lynn, magpapalinis lang daw ng gamit. Bukas na lang daw balik."
Napakunot noo ako. Salon... gabi? Bigla kong naisip.
"Oo nga pala," I thought. "May mga salon bang bukas ng gabi?" Napangiti ako nang kaunti. Hindi ko alam kung kailan naging normal ang ganitong schedule pero since most of our clients were professionals or working women, they'd prefer pampering themselves after work—kaya naging common na sa amin ang salon schedule from 3 PM hanggang 9 PM.
Ngayon, wala akong work.
Naglakad ako pababa ng building, hawak pa rin ang phone. Iniisip ko kung anong gagawin ko buong hapon. Maaga pa para umuwi sa dorm at wala rin akong ibang activity. Hindi ko na kailangan mag-review today—tapusin ko na lang mamayang gabi.
Habang pababa ako sa main hallway, may bigla akong nakasalubong.
"Yumi?"
Pamilyar ang boses. Paglingon ko, it's him.
Craulo.
Nakasuot siya ng black hoodie at jeans, backpack slung over one shoulder. Amoy ko agad ang pabango niya—matapang pero nakakakalmang scent.
"Uy, 'di ka pa uuwi?" tanong niya.
"Wala akong pasok sa salon ngayon. Sinabihan ako ni Trina na closed daw muna. Ikaw, tapos ka na rin?"
"Yup. Major subjects lang schedule ko ngayong sem. So Tuesday, Thursday, Friday lang ako may pasok. Pero 'pag Tuesday, diretso 'to ng sunod-sunod hanggang 1. Gutom na nga ako, eh."
Napangiti ako. "Eh 'di kumain ka na."
"Tara. Samahan mo ako. Libre kita."
Nagdalawang-isip ako sandali pero gutom na rin naman ako. Kaya tumango na lang ako.
We walked to a nearby diner—'yung favorite naming tambayan noon pa. Tahimik doon, may aircon, at hindi matao. Perfect place para sa hindi planadong kwentuhan.
Umorder kami. Fried chicken and rice sa akin, pork chop kay Craulo. Habang kumakain, nagsimula ang usapan.
"Third year ka na pala," sabi ko. "Puro majors na, huh?"
He nodded habang ngumunguya. "Oo. May Structural Analysis, Geotechnical Engineering, tapos may Engineering Economics pa. Walang pahinga. Halos wala na rin akong social life."
"Eh bakit ka pa rin may time sa'kin?" tanong ko, half-joking, half-serious.
"Ewan ko. Gusto lang kita makita," he said, eyes not leaving mine.
May saglit na katahimikan.
"Pero seryoso, Yumi," dagdag niya. "Nakakapagod. Pero kailangan. May expectations kasi. Gusto ko rin makatapos nang maaga. Ayoko ring umasa sa tatay ko forever."
Napayuko ako. Same boat kami, in a way.
"Pareho tayo," sagot ko. "Pero ako, hindi para sa kanila. Para sa sarili ko. Kasi wala na silang pake sa akin."
Tumingin siya sa'kin. "'Yung tatay mo?"
I nodded slowly. "Oo. Mula nung namatay si Mama... wala na. As in wala. Para akong multo sa bahay namin. Hindi ko alam kung nasaktan siya sa pagkamatay ni Mama o sa pagkatao ko."
He stayed quiet. Listening.
"I tried so hard, Craulo. Pero walang nagbago. Kaya ako lumuwas. Sinugal ko na lang lahat. And now, I'm just surviving. One exam at a time. One shift sa salon. One night alone sa dorm."
Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling umiyak. Parang naubos na rin siguro.
He reached for my hand across the table.
"Yumi, kahit hindi mo sabihin, I know you're strong. Hindi lahat kayang gawin 'yung ginagawa mo."
Napatitig ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi siya agad nagsalita. But he didn't let go of my hand.
We stayed there for a while, just holding each other's gaze. Tapos bigla siyang ngumiti ng kaunti. "Anong gagawin mo mamaya?"
"Wala. Tulog. Aral. Siguro Netflix."
"Pwede akong dumaan?" tanong niya. Mahinahon. Walang pilit. Pero may bigat ang tanong.
Hindi ako agad sumagot.
Pero sa puso ko, alam ko na ang sagot.
At doon nagtapos ang hapon namin.