Yumi's Point of View
Nagising ako sa unang ring ng alarm ko. 7:45 AM.
Napairap ako at agad kong pinatay ang alarm sa phone. Parang binabayo pa rin ng antok ang ulo ko, pero alam kong kailangan ko nang bumangon. 4:30 AM ako nakatulog kanina. Siguro kulang-kulang tatlong oras pa lang ang tulog ko.
Bumangon ako nang dahan-dahan. Ang bedsheet ko, gusot na gusot. Ramdam ko pa rin sa balat ko ang lagkit ng mga nangyari kagabi. Bumuntong-hininga ako. Napatingin sa kisame.
"Hay, Yumi... ano bang pinaggagawa mo kagabi?" bulong ko sa sarili ko, napangiti nang bahagya.
Hindi ko na nga rin nagawa ang plano ko kagabi na mag-aral sana para sa quiz namin sa Advanced Financial Accounting. Dalawang chapters pa naman 'yun. Pero heto ako ngayon, may ilang oras na lang para maghabol.
Pagbaba ko ng kama, diretso akong pumunta sa mini sink ng dorm at naghugas ng mukha. Malamig ang tubig. Nakakapagpagising kahit papaano.
Nang matapos, bumalik ako sa study table. Binuksan ko ang laptop ko. Inilatag ang mga libro at notes.
Pero bago ako tuluyang makapag-focus, may isang bagay na gumugulo sa isip ko. Rules.
Hindi ko pa pala nasasabi sainyo na kasama sa kasunduan namin ni Craulo na bawal kaming makipagtalik sa iba.
Kasama iyon sa pinagusapan namin noong nagsimula ang ganito sa amin. Walang commitment. Walang label. Pero may respeto at honesty. Kung sino man sa amin ang unang mahulog o makahanap ng seryosong gusto niyang makasama, kailangang maging honest. Hindi kami pwedeng magpatuloy na parang walang nangyayari.
At higit sa lahat, bawal makipagtalik sa iba habang may "deal" kami. Hindi dahil sa possessiveness, kundi dahil sa health. Hindi namin gustong magkasakitan.
Bilang mga kabataan ngayon, dapat alam din namin ang mga ganitong bagay. Hindi uso ang pabayaan ang sarili.
Kaya lagi kong sinisigurado na may laging open conversation kami tungkol dito. Hindi ako nahihiya. Hindi rin naman siya.
Nitong mga nakaraang buwan, mas lalo akong naging aware sa issue ng HIV sa bansa. Grabe na ang balita.
Nabasa ko nga kamakailan sa isang article:
"In the Philippines, the situation regarding HIV/AIDS is alarming, with 148,831 confirmed cases as of early 2025. The Department of Health (DOH) reported an average of 56 new cases daily, prompting discussions about declaring a national public health emergency. Notably, there has been a 500% increase in HIV cases among young Filipinos aged 15-25. The rise in cases is predominantly affecting young males, with a 50% increase in new daily cases compared to the previous year. The DOH is actively seeking measures to address this growing health crisis."
Nakakaalarma talaga. 500% increase sa kabataan. Isipin mo 'yun teh.
Lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko na kung may kasunduan kami ni Craulo, hindi lang siya dapat sweet moments sa kama. Dapat may mature conversation rin. Kaya may isang beses, kinausap ko siya.
"Craulo," sabi ko sa kanya noon habang naglalakad kami pauwi. "Tayo, alam nating casual lang 'to. Pero please, huwag na huwag kang makikipag-do sa iba habang meron pa tayong kasunduan. For your safety. For mine rin."
Tumango siya agad. "Oo naman. Hindi rin ako kampante kung gano'n. At kung sakali, I'll be honest. Ayoko rin na magkasakit tayo pareho."
"Same here," sagot ko. "Dapat nagpapacheck din lagi. Magpapa-test kung kailangan."
At mula noon, naging routine na namin to be open about our health status.
Ako man, bilang isang trans woman, mas doble ingat ako. Alam ko kasi na may stigma pa rin sa community namin, at madalas kaming vulnerable.
Minsan naiisip ko, sana mas marami pang kabataan ang maging aware. Ang pagtaas ng cases ng HIV sa bansa, hindi lang 'yan basta numero. Totoong tao ang apektado. Totoong buhay ang nasisira.
Kaya sa mga makakabasa nito: please, protect yourselves. Be honest sa partners niyo. Magpacheck. Gumamit ng protection kung kailangan. And most of all, huwag matakot magtanong sa tamang tao—doctor, counselor, health professional. Hindi 'yung sa internet lang basta-basta.
Mura lang naman ang rapid test sa mga testing centers, minsan nga libre pa. Walang mawawala. Mas mabuting sigurado ka.
Napabuntong-hininga ulit ako habang binabasa ang notes ko. Tinapik ko ang sarili ko.
"Focus ka muna, Yumi," sabi ko. "Marami ka pang kailangang aralin."
Pero sa isang sulok ng utak ko, hindi ko pa rin maalis ang ngiti. Kasi kahit papaano, nararamdaman kong unti-unti, nagiging mas mature kami ni Craulo sa ganitong aspeto.
At doon ko mas na-appreciate kung bakit mahalaga ang trust sa kahit anong klaseng relasyon, kahit walang label.
Habang pinipilit kong intindihin ang mga formulas sa harap ko, napansin kong palipat-lipat ng tingin ang mga mata ko. Minsan sa libro, minsan sa phone. Minsan sa bintana pa nga.
At sa isang iglap, ibang topic na naman ang gumugulo sa isip ko.
Siguro kailangan ko na rin maging honest sa inyo.
Simula pa noong bata pa ako, gustong-gusto ko talagang magka-boyfriend.
Hindi ko rin alam kung bakit gano'n, pero siguro malaking factor na rin ang mga napapanood ko noon sa TV. Kung anong klaseng mga rom-com ang naabutan ko, kung paanong pinapakita roon na masaya ka kapag may "someone" kang inaabangan. Yung may magtetext sayo ng "Good morning" at may magyayaya sayo mag-coffee date. Nakakainggit, 'di ba?
Minsan nga, kahit mga bida sa teleserye na sobrang toxic na ng love life, parang gusto ko pa ring maranasan. Ano bang meron sa kilig na 'yan at gusto ko rin mapunta sa ganyang sitwasyon?
Pero kung iisipin ko rin, baka may mas malalim pang ugat ito.
Kasi growing up, to be honest, hindi kami ganoon ka-close ng Papa ko. Hindi ko naramdaman 'yung father-daughter bond na sinasabi ng iba. Minsan nga, naiinggit ako sa mga kaibigan ko kapag ikinukuwento nila na sinasama sila ng Papa nila sa mall o kaya sa amusement park. Ako? Madalas kaming magkita sa bahay pero parang may manipis na salamin sa pagitan naming dalawa. Hindi ko masabi kung bakit gano'n, pero gano'n talaga.
At kahit ganoon ang relasyon namin ng Papa ko ay hindi pa rin naman ako kinulang sa pagmamahal. Grabe magmahal ang Mama ko. Siya nga 'yung dahilan kung bakit ako lumaki na matatag, kung bakit natuto akong lumaban at tanggapin kung sino ako. Pero kahit gaano kabuo ng puso ko sa pagmamahal ni Mama, iba rin talaga 'pag naramdaman mo 'yung pagmamahal at care mula sa isang ama.
Siguro kaya rin ako naghahanap noon pa ng male validation. Na baka, sa ibang lalaki ko maramdaman 'yung klase ng atensyon at pagmamahal na hindi ko nakuha kay Papa.
Hindi ko sinasabing tama ito, pero ito ang totoo sa akin.
Kaya rin marahil, kapag may mga lalaking nagpapakita sa akin ng care, like si Craulo — madali akong naaapektuhan. Madali akong ma-excite. Pero ngayon, at least mas conscious na ako. Mas aware sa boundaries at sa sarili kong worth. At mas natututo akong hindi lang umasa sa panandaliang kilig.
Bumalik ako sa libro ko. "Focus, Yumi," sabi ko ulit sa sarili.
Pagkatapos ng halos dalawang oras ng pag-aaral, mabilis akong nag-ayos at lumarga na papuntang campus. Medyo groggy pa rin pero determined akong bawiin ang pagkapuyat ko.
Pagdating ko sa classroom, andun na halos lahat ng kaklase ko. Naka-ready na para sa quiz. May kaba sa dibdib ko pero bahagyang lumuwag ang pakiramdam ko nang maalala kong inaral ko na ito kahit papaano. Sana hindi ako atakihin ng short-term memory loss ko.
Nang matapos ang quiz, nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko aakalaing magagawa ko 'yun nang maayos. Oo mga bes, lumabas naman mga clinutch kong i-review kanina haha!
Lumipas ang ilang oras, lumabas na rin ang results.
Nagulat ako. Top score ako sa section!
Napangiti ako habang tinititigan ang papel ko.
Kapag kayo ay pumasok sa ganitong sitwasyon, dapat huwag itong maging dahilan para bumagsak kayo sa exams niyo. Tingnan niyo ako, oh.
Look at my score, haha! Hindi porket nag Netflix and chill ka kagabi, Netflix and fail ka na bukas. Kaya push niyo pa rin ang acads!
Napangisi ako habang binabalik ang papel sa bag. At sa loob-loob ko, natutunan ko rin na hindi porket may kilig sa buhay mo, dapat pabayaan mo na ang ibang bagay. Balance is key, mga besh.
At doon, muling umikot ang mundo ko sa mga bagay na mas dapat kong unahin.
Pero syempre... ibang usapan na naman pag nag-text si Craulo mamaya.