Papasok ako ng canteen sa gusali ng Institute of Accounts, Business and Finance o kilala sa pangalang IABF sa campus nang mamataan ko sa hindi kalayuan si Propesor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Nakatingin siya sa akin! Diyos na Mahabagin! Sinisilihan ang singit ko! Hindi ko tuloy alam kung saan susuot. Paano kasi pakiramdam ko tila hinuhubaran niya ako sa tingin. I never felt so uncomfortable! Charaught! “Eula, hoy!” sigaw sa akin ng pamilyar na boses. Si Felina. Parang tinapik niya lang ang balikat ko pero pakiramdam ko’y sinalya ako ng maligno at muntik na akong ma-off balance. Tinulak ko rin siya pero kahit na binuhos ko na roon ang lakas ay parang tinapik lang siya ng langaw. “Ano ba!” asik ko sa kanya. Sa boses ko siya tila nagulat. Muntik na niyang maapakan ang m

