CHAPTER SEVEN

2582 Words

Magulo ang classroom namin sa Math in the Modern World nang dumating ako. May nag-eensayo ng sayaw. May naggigitara at kantahan. May nagtsi-tsismisan. Siyempre, ka-grupo ko ang maiingay sa lahat. Sila ang mga tsismosang sinasabi ko. Nang makita nila akong pumasok sabay-sabay silang nagtilian ng, “Yolanda!” “Kumusta ang ting***? I mean ang meeting n`yo?” sunud-sunod na tanong ni Keri, may himig pagbibiro. Nakangisi pa ang talipandas. Pinektos ko ang kukote niya nang makalapit ako. Napahiyaw siya sa sakit. Sinimangutan ko. Alam ko kasing mas lamang ang pag-iinarte niya kaysa sa katotohanan. “Ang dinig namin, kasama si Prof Maurr sa committee! Tama ba? Kasama siya?” may kilig sa tinig ni Shane. Na sinulsulan pa ng dalawang freshies na nakikianib din sa amin. Pinamaywangan ko sil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD