“Sir? Ano po ang plano n`yong gawin sa akin? Huwag naman po, sir! Ang bata-bata ko pa po at gusto ko pa pong makatapos ng pag-aaral!” drama ako agad kay Prof. Maurr pagpasok ko sa faculty room ng Math Department. Ang totoo niyan kabado akong excited na hindi maintindihan at dinadaan ko lang sa biro-biro. Hindi kasi ako komportableng makipag-usap sa kanyang mag-isa. Namamasa lahat ng parte ng katawan ko lalo na ang kili-kili. “Stop daydreaming, Ms. Anai,” parang tinatamad na sagot ni Sir Maurr. He did not even look up. Nagta-type siya sa laptop niya habang sinasabi iyon. Sisilipin ko sana kung ano ang tinitipa pero bigla niyang itiniklop ito at hinarap ako. Seryoso ang koya. Umakyat ang pintig ng puso ko sa lalamunan. Naririnig kaya niya ang dagundong nito? Nakakainis! I would h

