Naramdaman kong medyo nag-stiffen ang hinahawakan kong parte ng baywang ni Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. nang mapag-alamang si Professor Flores pa talaga ang nakahuli sa aming dalawang nagtutukaan. Hinarang pa niya ang katawan sa harapan ko para siguro takpan sana ang pagmumukha ko para hindi makita ng matanda, pero too late the hero na. Nakilala na ako ng huklubang propesor. Gusto kong bumunghalit ng tawa sa nakita kong ekspresyon sa mukha ni Tanders dahil daig pa nito ang nakasaksi ng magkapatong na couple. Ang arte! Akala mo naman kung sinong banal. I made a mental note to research his background. Lagot talaga itong matandang ito sa akin. But for now, I have to act the part. Kailangan mapangatawanan ko ang pagiging biktima sa kanyang mga mata. “Professor Fl

