Nangunot nang bahagya ang noo ni Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. nang buong tapang kong sinabi sa pagmumukha niya mismo na gusto ko siya. Taas-noo pa ako no’n. Siguro sa nakakita sa akin nang mga oras na iyon, iisiping ang lakas ng kompyansa ko sa sarili. Ang hindi nila alam kumakalabog din ang dibdib ko sa kaba at sa takot na rin. Mayroon akong excitement na naramdaman dahil ramdam kong may something kami ni Professor Masungit. Feeling ko nga iyon ang dahilan kung bakit nagsusungit-sungitan siya sa akin. Para itago ang HD niya! Takot din ako siyempre. Sino ba naman ang hindi? Kahit na malakas ang kutob kong pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa, nandoon pa rin ang pangamba kong hindi niya susunggaban ang binigay kong oportunidad. Suplado ang damuhong ito, eh. A

