“What?! Fvck!” sigaw ko sa kabiglaanan. “Miss Anai!” Biglang naging istrikto ang ekspresyon sa mukha ni. Dr. Robles, ang Guidance Counselor namin. Ganunpaman, hindi ako natigil sa pagmumura sa salitang Ingles at Tagalog. Napailing-iling na lamang ito habang kinakagat ang pang-ibabang labi. “You need to come to my office,” utos nito. “After betraying me? NO!” galit kong sabi sa kanya at tumalikod na. Hindi ko pinansin ang makailang beses niyang pagtawag sa pangalan ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa nararamdaman. Gusto kong makapatay ng tao. O makasakal man lang. “Hey fren! What’s happening to you?” maarteng bati sa akin ni Keri habang sumisipsip sa kabibili lang na milk tea. Kabuntot niya sina Shane at Felina na pareho ring may hawak ng ganoong inumin. “I’m DEAD! As in!”

