bc

Las Cosas Series #3: Meadows and Melancholy

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
humorous
small town
lonely
like
intro-logo
Blurb

Sa ilang taong pagbebenta ni Beth ng kakanin akala niya ay nalibot na niya ang buong baranggay nila. Akala niya nakita na niya ang mukha ng bawat isang tao roon. Akala niya nakasalamuha na niya ang salbahe sa pinakasalbahe... Ngunit nagkakamali siya nang makilala niya ang may pinaka komplikadong ugali sa buong Las Cosas na si Adonis Leon.

Dati, tatlong bagay lang ang makakapagsaya kay Beth; iyon ay ang makita ang puro gilagid na ngiti ng kanyang Lolo Tatty, ang pagpapastol ng baka nila na si Browny, at ang makita na maging masaya muli ang kanyang ama. Ngunit bakit biglang napunan yata ang listahan niya? Bakit nasama ang supladong si Adonis sa nakakapagbigay saya sa kaniya... at sa kaniyang puso?

chap-preview
Free preview
Prologo
Humikab ako at sandaling napatulala sa labas. Kay ganda naman talagang pagmasdan ng aming hardin na puno ng bulaklak dahil kay Lolo Tatty. Isang malawak na palayan naman ang nasa harap ng bahay namin kaya napaka presko ng tanawin. Kaya laging maganda ang gising ko dahil ang ganda din ng view ko, eh. Tumilaok ang aming manok. Papungas-pungas akong tumayo at pinusod ang buhok. Kailangan ko ng kumayod. Kinuha ko ang maliit na baldeng lagayan ng biscuit. Pero hindi biscuit ang laman nito, kung hindi, patuka ng manok. "Magandang umaga, Ruby, Emerald, at Sapphire! Rise and shine!" masigla kong bati sa aming mga inahing manok na nakakalat sa aming bakuran at tumutuka sa lupa. Halatang gutom na ang mga ito. Natigil sa pagtuka sa lupa si Emerald at ang kaniyang mga bilog na mata na tila luluwa na ay tumingin sa akin. Tinuro ko ito at pinanliitan ng mata. "Ang fresh mo ngayon, Emy ha!" kausap ko sa aming manok. Dumampot ako ng patuka at sinaboy sa lupa. Nagsitukaan naman ang tatlo naming inahin sa inihanda ko sa kanila. Masaya ko silang pinagmasdan. Yumuko ako at magaan kong hinaplos ang ulo ni Ruby. "Eat well my precious gems. Doon muna ako kina Piolo, ha." Tumayo ako at nagpunta naman sa mga manok panabong ni tatay. "Wow, Piolo. Ang gwapo mo!" Lumapit ako sa paboritong manok ni tatay. Napaatras ako nang tumilaok ito at humaba ang leeg. Ang lapit lang ng tuka nito sa mukha ko. Kitang kita ko ang loob ng bibig nito. Tinakpan ko ang ilong. "Hmph! Hindi ka na naman nagtoothbrush kagabi, Piolo 'no?" paratang ko rito. Naglagay na rin ako ng patuka sa lagayan nito ng pagkain at nilagyan ng tubig ang isa pang lagayan. Mabilis kong tinapos ang pagbibigay ng patuka sa mga manok dahil ipapastol ko pa ang baka namin na si Browny. Sandali muna akong nagsaing para pagbalik ko ay magluluto nalang ako ng ulam. Naghanda na rin ako ang termos at basong mayroon nang kape at asukal, at saka pandesal para kay Lolo Tatty. Nasa kabilang kusina iyon. Mayroong kusina rito sa loob ng bahay pero meron din sa likod na nakahiwalay sa bahay namin. Doon si lolo nagluluto ng kakanin. Ayaw niya kasing nagpapaistorbo kapag nagluluto. Sigurado namang pagbalik ko ay tapos na 'yon at ilalako ko na ang paninda. Hila-hila ko si Browny papuntang parang na ilang minutong lalakarin mula sa amin. Malayo sa kabahayan at napakalawak nitong kaparangan sa amin. May bangin din sa hindi kalayuan. Ang bangin na iyan ay sakop na ng barangay Dos Pordos. Partikular na sakop ng mga Turizo ang lupa. Katulad ng nakasanayan ay nakita ko na naman ang babaeng palaging tumatambay sa ibabaw ng bangin kasama ang kaniyang kulay abuhing kabayo. Kada dating ko ay siya ring pag-alis niya. Parang hinihintay lang niyang masilayan ang bukang liwayway pagkatapos ay sasakay na siya sa kaniyang kabayo at hahayo na paalis. Kapag nasisilayan ko siyang nakasakay sa kaniyang kabayo ay parang isang rebeldeng prinsesa ang nakikita ko. Binalingan ko ang baka namin. "O, Browny magpakabusog ka diyan ha. Tapos huwag kang pasaway. Huwag mong aawayin ang kambing nila Aling Tabsy." Tiningnan ko ang kambing nila Aling Tabsy na nasa hindi kalayuan. Busy ito sa pagnguya ngunit nang dumako ang tingin nito sa akin ay bigla itong pumalahaw. Napangiwi ako at tiningnan nalang ulit si Browny. "Babalikan kita rito mamaya." "Moo..." iyan lang ang sagot ni Browny at pinagpapapak na ang mga d**o sa paanan niya. Pagbalik ko ay naabutan ko ang pagdating ng mga magsasaka na handa nang magtanim para sa buong maghapon. "Magandang umaga po!" nakangiting bati ko sa kanila. Ang iba ay nag-aayos ng gamit sa may kubo at ang iba naman ay lumusong na sa putikan. "Magandang umaga, Betchay!" bati pabalik ni Mang Purito at iwinagayway pa sa ere ang kaniyang sumbrero. "Magandang umaga, Betchay!" bati din sa akin nila Aling Gen at Empy. Habang binubuksan ang hanggang hita naming kahoy na tarangkahan ay napapakunot ang noo ko dahil sa maingay na stereo sa loob ng bahay. Naka-play ang kanta ng Spice Girls na Wannabe. Sa loob ay naabutan si Lolo Tatty na mas fresh pa sa mga manok namin. Halatang bagong paligo si lolo na gumigiling. Mapula ang labi ang mga pisngi nito na parang sinampal ng kabayo. Nakasuot si Lolo Tatty ng hot pink na croptop, mini skirt, itim na knee sock, choker, hoop earrings, at...cat ears? Ngayon ko lang nakita 'tong hikaw niya na 'to. Bagong bili na naman siguro 'to. Sa totoo lang, si lolo ang pinagkakamalang Kendall Jenner dito sa Katimko, Las Cosas. Siya din ang fashion icon ng karamihan dito sa amin, at mainit na tsaa ng mga Marites. Sa sobrang hot ni Lolo Tatty ko di mapigilan ng mga tsismosa dito na hindi siya pag-usapan. Nakita ko sa gilid ang mga kakanin na nakalagay na sa bilao at handa na para ilako. Sumipol ako. "Witwew! Sexy naman ng Lolo Tatty ko!" pagkuha ko sa atensiyon ni lolo. Umikot ito pagtawag ko at malapad na ngumiti nang makita ako. Tumambad sa akin ang gilagid nito na may iilan nalang na ngipin. Wala na sa harap, sa magkabilang gilid nalang ito mayroong ngipin. Kung iisipin parang isang siglong taon na bampira si Lolo Tatty. "Apo kong maganda! Gowd murning!" Lumapit si lolo sa akin at maarteng nakipagbeso. "Gosh, Lowk at you. Ang hazard mo nang tingnan, apo ko." Ngumiwi si lolo at itinaas ang dulo ng buhok ko. Sumimangot ako. "Porket mas fresh pa kayo sa mga bulaklak sa labas eh lalaitin niyo na ako? At baka 'haggard' po ang ibig niyong sabihin, lo," ani ko at naglakad papuntang kusina. Sinilip ko ang sinaing at nakitang malapit na iyong maluto. "Ay naku! Wateyver, pareho lang 'yon!" maarteng sigaw ni lolo mula sa sala. Nagluto na ako ng ulam namin pang-agahan habang si lolo ay bibong sumasayaw sa sala. Kahit sisenta anyos na yan si Lolo Tatty ay may asim pa yan! Kita mo naman sa pananamit niya kanina. Tabla pa ako sa pagiging bagets. Paborito ni lolo Tatty ang Spice Girls, si Baby Spice naman ang pinakagusto niya sa mga miyembro. Puno ang kwarto niya ng posters ng mga ito. Bakla na talaga si Lolo Tatty noon pa man daw pero nakapabuntis siya, iyon si lola. Aksidente lang daw ang nangyari isang gabi noon sa bayle. "One night stand" lang, ika pa nga ni lolo Tatty. Tapos... si tatay ang naging resulta no'n. Pagkatapos manganak ni lola ay umalis daw ito at nagpunta sa Visayas. Inako naman ni lolo si tatay at binuhay mag-isa. Sa kasamaang palad, nangyari sa panglawang pagkakataon ang pang-iiwan. Iniwan kami ni nanay noong limang taong gulang palang ako. Natakot si nanay dahil hindi daw niya kayang mabuhay sa hirap dahil magsasaka lang si tatay. Kaya heto kami ngayon. Kami lang ni Lolo Tatty at Tatay ang magkasama sa buhay. Speaking of tatay... Narinig ko ang kalampag sa sala. Pinatay ko muna ang apoy sa kahoy at itinabi ito at luto na ang ulam bago nagounta para tingnan kung ano ang nangyayari. "Harhar ka, Manuel ha. Ke aga-aga e, naglalasing ka na naman!" Naabutan kong patuloy sa paggiling si lolo sa harap ng stereo pero ipinaikot ang matang pinagsasabihan si tatay. Naroon at nakasandal ang ama ko sa pinto ng bahay at laylay ang katawan. Napabuntong-hininga ko itong nilapitan at itinayo. Inagak ko ito ipinaupo sa kawayan naming upuan. "Naglalasing ka na naman, tay," dismayado kong saad. Iwinasiwas ni tatay ang kamay sa ere at binuksan ang mga mata. Parang inaantok niyang itinukod ang kamay sa upuan at inayos ang sarili sa pagkakaupo. "Hindi ako lasing, nak. Nakainom lang ng kaunti. Parang ganito o." Ipinorma niya ang daliri na parang tuka ni Piolo. Nabaling ang inaantok na mga mata ni tatay kay lolo tatty na kinekembot ang bewang sa kanta ng Spice Girls. "Ang ganda ng outfit mo, pang," komplimento ni tatay kay Lolo Tatty. "I knowing right," maarteng tugon ni lolo at umaktong nagflip hair, kahit walang buhok. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Pikon kasin 'tong si lolo Tatty kay tatay dahil sa pagiging lasenggo nito. Pero kahit ganito si tatay hindi naman nagiging bayolente. Talagang heartbroken lang si tatay dahil sa pang-iiwan ni nanay sa amin hanggang ngayon. Hindi daw niya kayang mag move-on. Minsan nga sumasakit na ang ulo ko sa dalawang 'to, pero kadalasan ay naaaliw ako sa kanila. Tumayo ako at namewang. "Tsk. Hali na kayo at kumain na tayo ng agahan, tay, lo. Maglalako pa ako nitong mga kakanin at pupunta pa sa palengke mamaya," ani ko at nauna na sa kusina. Narinig ko si lolo na pinagsasabihan na naman si tatay. "O, Manuel! Kita mo 'yang anak mo! Siya na kumakayod ng sobra para sa atin, eh ikaw itong malakas at dapat na nagtatrabaho!" Sunod kong narinig ay ang pagmamartsa ni lolo papunta rito sa kusina. "Pang naman..." ungot ni tatay. Nakayakap ito ngayon kay lolo at halatang naglalambing sa ama niya. Mabait na tao si tatay, sadyang lasinggero lang. Kahit laging pinuputakan 'yan ni lolo kada uwi niya na lasing siya, dinadala niya lang sa paglalambing si lolo. "Huwag ka na magalit, papang ko na maganda," pambobola ni tatay kay lolo. Inilagay ko ang plato na may ulam sa lamesa. "Tse!" Inikutan lang si tatay ng mata ni lolo, pero kita naman ang ngiti sa labi ni lolo. Ang mag-amang 'to talaga. Syempre hindi pwedeng hindi ako makisali kaya niyakap ko rin ng mahigpit si lolo Tatty. "Group huggg!" Nagtawan kami ni tatay habang si lolo naman ay nagrereklamo at hindi na raw makahinga. Sa mga ganito ka simpleng tagpo ko nahahanap ang kasiyahan na nagbibigay ng kakaibang kontento sa puso ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook