Chapter 41 LYKA SARMIENTO POV ANG SABI NG DOKTOR NA tumingin kay ate ay maayus na daw ang kalagayan ng ate ko. Mabuti na lang ay nai-dala agad siya sa hospital kundi ay pwede daw ikamatay ng ate ko. Over dose daw kung bakit gano'n ang nangyare sa ate ko. Nakahinga na ako ng maluwang sa nalaman. At naidala na siya sa isang kwarto doon dahil hindi pa siya makakauwe sa bahay. Natawagan ko ang iba kung kapatid pati ang panganay ni ate Laura pero hindi sila mama at papa. Mamaya kasi ay kung mapaano sila kapag nalaman nila ang nangyari kay ate Laura. Mahal na mahal kami ng mga magulang namin kaya ayaw nilang nasasaktan kami. Mabuti na lang talaga ay matino na si Daniel. " Ma." Napalingon kami sa may pintuan ng marinig namin ang boses ng anak ni ate na si Jonas. Napatayo agad habang inaala

