Chapter 40 LYKA SARMIENTO POV BUMABA NA KAMI SA KUSINA at nakita na namin doon ang mga magulang ko habang hinaantay kami. Nakita kung napakaraming pagkain sa mesa at halos puro paborito ko pa. " Wow, ang dami naman mama. May okasyon po ba?" Masayang kung tanong kay mama sabay lapit dito at niyakap ito. " Syempre, dumating ang bunso kung anak kaya kailangan kung magluto ng mga paborito niya dahil buntis ka." Saad nito kaya napangiti ako. Napaka-sweet na mama talaga ang ina ko. Nilulutuan niya talaga kaming magkakapatid kapag umuuwe kami sa bahay. Para tuloy may okasyon ngayun kahit wala naman. " Maupo na kayo para makakain na kayo." Utos pa ni mama kaya naupo na kami ng binata habang inalalayan ako ng aking asawa. Makalipas ng ilang sandali ay masaya at magana kaming kumakain ng tan

