Chapter 39 LYKA SARMIENTO POV PAGDATING SA TAAS AY PUMASOK kami sa loob ng kwarto ko habang hawak hawak ko ang kamay niya. Napangiti ako dahil ang linis ng kwarto ko. Palagi parin pinapalinis ni mama ang kwarto ko para kapag umuwe ako dito ay may matutulugan ako kahit pasulpot-sulpot ako sa bahay. Pumunta ako sa kama at sumunod 'din ang binata. Dito kami unang nagsama ni Daniel bago kami lumipat ng ibang bahay. Siguro mga isang linggo lang dahil malalaman ng mga magulang ko ang pinaggagawa niya. " Thank you, baby." Napalingon ako sa binata ng marinig ang sinabi niya. " Para saan?" Kunot nuo kung tanong sa kanya habang nagtataka. " Hindi mo sinabi na babaero ako." " Sa tingin mo ba kapag sinabi ko 'yun nandito ka parin? Hindi kana makakaakyat dito kapag sinabi ko 'yun. At yare ka sa

