Chapter 55 DANIEL SEBASTIAN POV HINDI AKO UMALIS SA HOSPITAL dahil gusto kung makita ang asawa ko. Hindi ako uuwe hangga't hindi ko siya nakikita. Inantay kung umalis ang mga kasama niya at mag-isa lang siya. Nagtago lang ako para isipin nilang umalis na ako. Makalipas ng ilang oras ay nakita kung lumabas na ang mga kasama ni Lyka pero hindi ko alam kung sino ang kasama niya sa loob ng kwarto. Pero binalewala ko lang iyon saka mabilis na pumunta doon at hinawakan ang doorknob ng pintuan. Napangiti ako dahil hindi siya nakalock. Narinig ko kanina ay ihahatid lang ng ate niya ang mga magulang at kuya nito kaya kailangan ko makita ang asawa ko. Nang mabuksan ko ang pintuan ng kwarto ay nakita ko agad si Lyka habang nakahiga sa kama at may swero pa ang isang kamay niya. Nagulat pa ito n

