Chapter 54 DANIEL SEBASTIAN POV HINDI KO MAKONTAK SI Lyka at parang nakapatay ang cellphone niya. Hindi naman iyon nagpapatay ng cellphone at palagi niya sinasagot ang tawag ko sa tuwing tumatawag ako. Kaya nagtataka ako ngayun kung bakit hindi ko siya makontak. Naisipan kung puntahan na siya sa bahay nila Anthony at baka lowbat ang cellphone ng asawa ko. Mamimili sana kami ngayun para sa damit ng anak namin ngunit may naging problema sa site kaya na pospone muna. Pagdating sa lugar nila Anthony ay mabilis akong bumaba sa kotse saka patakbong pumunta sa taas. Miss na miss kona kasi agad ang aking asawa kahit magkasama naman kami palagi sa bahay. Pagdating sa taas ay kumatok ako sa pintuan at bumukas agad iyon ngunit ang masamang mukha ni Maris ang sumalubong sakin dahilan para magtaka

