Chapter 52 LYKA SARMIENTO POV NAGYAYA SI MARIS SA MALL dahil nabobored na daw siya sa bahay nila at wala si Anthony sa bahay. Nasa bukid ito dahil may problema ata doon. Hindi rin kami makapamili ngayun ni Daniel dahil may inaasikaso siya ngayun. Kaya naman nasa bahay ako ngayun ni Maris. Patungo na kami sa mall habang kasama ang mga bata. May kasama namang yaya si Maris para alagaan ang isang anak nito. Si Maris na rin ang nag-drive ng kotse dahil 'di kona kayang magmaneho. " Shopping tayo ah? Tapos bili na rin tayo ng gamit ni baby." Saad ni Maris na may ngiti sa labi. " Kami na lang ni Daniel. Baka magtampo 'yun kapag namili na tayo." Ani ko sa kanya dahilan para mapasimangot ito. " Sabagay, ganyan 'din ang asawa ko eh. Kailangan kasama siya kapag may bibilhin kami gamit ng mga b

