Chapter 27 DANIEL SEBASTIAN POV SA BAHAY NI ANTHONY AKO dumeretso habang nagtatagis ang bagang ko. Naiinis kasi ako kay Lyka dahil palagi na lang siya nagdududa sakin at nag-iisip ng kung ano ano. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa mga pinaggagawa ko dati. Pero sinusubukan ko naman para makabawe ako sa kanya. Pero ang hirap pala kunin ang tiwala ng dalaga kaya naiinis ako at naaasar. " Mainit ata ang ulo mo, bud?" Napalingon ako kay Anthony ng marinig ko ang boses niya at tinapik ang balikat ko. Ngumisi naman ako sabay tungga ng alak mula sa baso. " Medyo badtrip lang, bud." Wika ko. " Bakit naman? Anong nangyare?" Usisa niya sakin habang nakatingin. Huminga naman ako ng malalim saka tumingin sa mga panananim. " Nainis lang kay Lyka. Hindi ko alam kung bakit. Niyaya ko lang si

