Chapter 28 LYKA SARMIENTO POV HINDI PA AKO MAKATULOG dahil inaantay ko si Daniel. Alas dose na ng gabi ngunit wala pa siya. Nag-aalala na ako dahil baka anong nangyare sa kanya. Nag-away kasi kami kanina kaya nag-aalala ako. Hindi naman kasi dapat ako nag-aalala sa kanya dahil wala naman kaming relasyon. Pero hindi ako makatulog sa sinabi niya kanina kaya hanggang ngayun ay hindi parin ako makatulog at nandito ako sa loob ng kwarto habang nag-aalala sa binata. Sabi niya kasi kanina ay gusto niya ako. Hindi siya nakainom no'n kaya hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi. Atsaka bakit naman niya ako magugustuhan diba? Diba gusto niya lang ay 'yung puro babae lang at maging binata siya habang buhay. Bakit ngayon ay gusto na niya ako? Kaya ba nitong mga nakaraan araw ay parang ang

