CHAPTER XXV DEAN Pagdating nila sa bahay ni Marjorie dumoble ang bilis ng t***k ng puso ni Dean. This house is familiar. It’s grander than his. Marami na ring naipundar si Marjorie mula pa noong mga araw na siya ay nag-aartista at syempre because of her work sa mga talent niya at kasama na roon si Dean. “Ako na’ng kakausap sa kaniya,” sabi ni Dean. Nilakasan niya ang loob. Tumango naman sina Gio at Frida sa binata. Pinangunahan sila ni Dean. Hindi na nila ipinasok ang sasakyan dahil wala naman silang balak magtagal. Nakilala naman agad si Dean ng guard sa bahay kaya pinapasok din sila. Natanaw nila si Marjorie na nasa garden. May kausap sa telepono. This is her usual state. Maraming kausap at maraming kwento. Ma-PR kung baga. “Marjorie,” wika ni Dean. Nagulat ang manager

