KABANATA TATLOMPO'T PITO

2388 Words

May mga gabing kahit may patrol, kahit may ilaw sa labas, kahit nakasarado ang pinto at gate, hindi pa rin “safe” ang pakiramdam. Parang may naiwang marka sa hangin. Parang may bahid ng kamay ng ibang tao sa mismong katahimikan. At matapos nilang galawin ang gate, hindi na simpleng paranoia ang kaba ni Selena. Naging reflex na. Kinabukasan, hindi siya bumangon nang maayos. Hindi siya nakaupo sa mesa para kumain, hindi siya nagbukas ng TV. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, yakap ang tuhod, at ang mata niya nakatapat sa pintuan na parang inaantay niyang gumalaw ulit ang kahoy. Si Lola naman, pilit na normal, nagluluto ng lugaw, nagsasabi ng “kain na,” pero sa bawat tunog sa labas, napapatingin din siya sa bintana, nahihinto ang sandok. Umupo ako sa pagitan nila, hindi nagsasalita agad. Kasi s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD