Chapter seventeen

2064 Words
Chapter seventeen Dashiele's  Hawak-hawak niya ang isang bimpo na may lamang yelo na nakatapat sa pisngi niya habang nagmamaneho pauwi sa condo niya. Kagagaling lang niya sa eskwelahan matapos ang insidente ng paghaharap nila ni Drix. Napapiksi pa siya ng mapadiin ang pagkakatapal niya ng yelo sa pasa at sugat niya. "Gago talaga." Tukoy niya kay Drix. Halos mag-iisang taon na ang alitan nilang dalawa at sa tuwina ay sa away at g**o nauuwi ang pagkikita nila. Dahil iyon kay Cindy na girlfriend pala ni Drix noon. Nakilala niya sa isang party si Cindy at dahil wala naman itong ibang kasama ay siya ang naging companion nito sa buong duration ng party. They both drink and dance together until they both ended up in his bed. Akala niya ay tulad din ito ng ibang babaeng nakakasama niya sa kama na alam ang policy niya dahil sa umpisa pa lang ay sinasabi na niya sa mga ito na walang silang mahihita sa kaniya pagkatapos ng mangyayari sa kanila. Pero hinabol-habol siya ni Cindy at nagulat pa siya ng malamang schoolmate pa pala niya ito at ang masama pa ay girlfriend ito ni Drix na kilala din sa eskwelahan dahil sa pagiging anak mayaman. "What a wasteful day." Bulong niya sa sarili. Ilang minuto na siyang nag da-drive ng mapansin niya ang isang babae na nakatayo sa gilid ng daan. Tila kabababa lang nito sa taxi na kaaandar pa lang din. Nanlalaki ang mga mata na dagli niyang naapakan ang preno ng makilala ang suot ng babae. Ito yung hinahabol niya kanina na napagkamalan niyang si Apple. Ipinarada niya sa gilid ang sasakyan niya at saka niya hinanap ang babae. Pumasok din siya sa convenient store na nag-iisang lugar lang duon na maaaring puntahan nito. Pagpasok sa loob ay puro estudyante lang galing sa iba't-ibang eskwelahan ang naabutan niyang mga nakatambay at namimili duon. Hindi na rin niya namataan pa ang babae. "Imposible namang lumusot sa pader iyon." Napakamot na lang siya sa batok at saka muling itinapal sa pisngi ang bitbit pa ding bimpo. "E-excuse me. P-pwede po bang makipagkilala." Dalawang tila high school student ang humarang sa kanya paglabas niya. Nag tutulakan pa ang mga ito kung sino ang mag sasalita. "I'm Dashiele ." Iyon lang ang sinabi niya at saka nagmamadaling iniwan na ang dalawa. Narinig pa niya at tili ng mga ito. "Mga kabataan nga naman." Pagdating sa unit ay agad siyang sumalampak sa couch niya at saka nahiga. Nananakit pa din ang katawan at mukha niya dahil kay Drix pero mas ramdam niya ang pangungulila niya ngayon. Ilang taon na din siyang tila lumulutang sa kawalan at nahihirapan na siya. Maging ang puso niya. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone niya at akmang tatawagan sana si Skye ng hindi sinasadyang mapindot niya ang shortcut ng gallery niya at humantad sa screen ang mukha ni Apple. Nakangiti ito sa larawan habang tinatangay ng hangin ang buhok nito. It was taken two years ago. Sa resort kung saan niya pinaasa lang pala ang dalaga. Pinilit niyang tatagan ang dibdib niya dahil anumang oras ay ramdam niyang bibigay siya dahil sa sobrang lungkot. Ilang taon din siyang binagabag dahil sa nangyari. Hindi naman niya kagustuhan ang lahat. Sadyang napaglaruan lang sila ng tadhana. The day after he came in Manila ay pinuntahan siya ng Daddy niya kasama ng mommy niya. Walang pagsidlan ang puso niyang araw na iyon dahil ilang taon din niyang inasam na makasama ang ina. Ngunit kaakibat niyon ang balitang yayanig sa buong pagkatao niya. Naapektuhan daw ng sobra ang kumpanyang hinahawakan ni mommy sa ibang bansa dahil sa economic crisis at ayon din dito ay ang kumpanya na lang ang nagsisilbing ala-ala ng lolo at lola niya. Maging siya ay alam na nagmula sa wala ang lolo niya kaya nagsumikap itong maitayo talaga ang kumpanya gamit ang dugo't pawis nito. Hindi rin magawang makatulong ni daddy dahil sa nakakalulang presyo ng pera ang kakailanganin para maibangong muli iyon. Masakit din para sa kaniya ang malaman na halos malimas na pala ang kumpanya pero isa sa mga kaibigan ni daddy ang nangako na tutulong dito. Kahaya ng kasabihan ay wala na talagang libre sa panahong ito dahil ang naging kabayaran niyon ay ang pagpapaksal niya sa anak na babae nito. At magaganap iyon sa oras na makatapos na ang babae sa ibang bansa. Wala siyang nagawa. Ilang gabi din siyang umiyak at tiniis ang sakit ng paghihiwalay nila ng babaeng pinangakuan niya ng pagmamahal. Pinilit niyang kalimutan na lang si Apple dahil wala pa man ay naka tali na siya sa ibang babae. At hindi iyon dito. Tinikis din niya ang sarili na huwag umuwi sa hometown nila para lang makalimutan na si Apple. Pero dumarating pa din ang time na gustong-gusto na niyang makita ito kaya maging sa social media ay tinitingnan niya ang mga nangyayari dito. Ngunit nauuwi lang sa wala ang lahat dahil lahat ng account nito ay wala na at mukhang tinanggal na din ng dalaga. "How have you been all this time?" Kausap pa niya sa dalaga na nasa larawan. Idinikit niya sa dibdib ang cellphone niya at saka pumikit. Gusto niyang matulog na ito ang laman ng isip. Lahat ng memories na meron sila ay maingat niyang itinatago sa kaibuturan ng puso niya. Sa ganuong paraan ay mabawasan ng kaunti ang paghihirap niya. Drix's NGALI-NGALING sinipa niya ang basurahan na nadaanan niya bago siya sumakay at pinaandar ang sasakyan niya. Kahit kailan ay hindi na talaga niya naangasan ang Dashiele na iyon. Hindi naman niya talaga minahal si Cindy pero ng habol-habulin nito noon si Dashiele kahit sila pa ay malaking dagok para sa ego niya. Tila natapakan din ang p*********i niya kaya walang araw na sa tuwing magkikita sila ng lalaki ay hindi nag-iinit ang ulo niya dito. Dahil nasa gitna siya ng pag-iisip ay hindi niya namalayan ang isang babae na papatawid sa kalsada kaya dagli niyang inapakan ang preno ng sasakyan niya. Tila din lumundag ang puso niya dahil sa sobrang kaba at nerbiyos. Nanlalaki ang mga mata na sinulyapan niya ang babae na nanlalaki lang din ang mga mata habang nakatitig sa saaakyan niya. He sighed in relief ng makitang safe ito at walang galis man lang. Ngali-ngaling bulyawan niya ang babae dahil sa katangahan kung hindi lang din naunang nagalit ang babae sa kaniya. Paglabas niya ng sasakyanz ay isang sampal ang sinalubong nito. "How dare you! You almost killed me a while ago. You stupid! Paano ka ba nagka lisensiya kung tatanga-tanga ka?" Napakagat labi siya dahil hindi pa nawawala ang sakit ng mga pasa at sugat niya sa mukha na gawa ni Dashiele kaya nadoble na lalo ang galit niya. "Ikaw, akala mo ba ikinatalino mo ang pagtawid na lang bigla-bigla?" "Kung hindi ka ba naman kasi tanga ay nag dahan-dahan ka man lang sana kahit papano.'' Namumula ang magkabilang pisngi ng babae dahil sag alit. Napangisi na lang siya ng mapansin ang hitsura nito. "Maganda ka sana kung hindi ka lang bungangera. Sa susunod na magpapakamatay ka ay huwag mong pipiliin ang sasakyan ko. From now on ay tandaan mo na ang plate number ko dahil kapag nadaanan na naman kita dito o nakita ulit kita ay paniguradong patay ka na talaga sa akin. Understand?" "W-what?! Ang kapal ng mukha mo. ikaw pa ang may ganang mang threat?" Tinalikuran na lang niya ang babae at saka bumalik sa loob ng saakyan niya. Iniwan na din niya ang babae na galit na galit sa kaniya. Isang beses pa niyang sinulyapan ito bago niya pinasibad ang sasakyan. Kinabukasan ay sinalubong kaagad siya ng tanong ng tropa niya tungkol sa mga pasa at sugat sa mukha niya. Nang malaman ng mga ito ang nangyari ay tinawanan lang siya ng mga ito. Mga herodes talaga. "Kahit kailan ay hindi mo na maibabalik pa ang ego na natapakan ni Dashiele sa iyo pare kaya tantanan mo na yung tao." "Eh, kung ikaw ang hindi ko tantanan?" banta ko dito. Agad namang natahimik si Mike. "Akala ko ba ay titigilan mo na si Dashiele ? Eh, mas lalo lang sumisikat iyon dahil sa mga pinag gagawa ninyong dalawa." Ani ni Rob habang inihahagis sa ere ang bola ng tennis. "Hindi ko mapigilan lalo na sa tuwing makikita ko yung pagmumukha niya. Kating-kati na talaga akong warakin ang mukhang iyon." "Ano namang mapapala mo? Wala na din naman na kayo ni Cindy hindi ba? Hindi mo pa din ititigil iyang galit mo." "Hindi lang kasi talaga ako madaling makalimot sa mga pagkakautang sa akin ng iba." "Gaano ba kalaki ang utang sa iyo nun? Tingnan mo nga iyang sarili mo. Dinamay mo pa pati si Paolo." Tukoy ni Rob sa kasama niyang bumugbog kay Dashiele kahapon. "Mas malaki pa sa pagkatao ng lintik na iyon. Tang-ina talaga! Pag naaalala ko ang gagong iyon ay kumukulo ang dugo ko!" Ang inis na kanina pa niya nararamdaman ay agad na naglaho ng masulyapan niya sa gate ang babaeng naka suot ng chef gown habang may bitbit na mga prutas at nagmamadaling mag lakad. Dahil kasalukuyan silang tatlong magkakabarkada nakatambay sa sasakyan nila na malapit sa gate ay tanaw na tanaw mo ang mga papasok. Napangisi pa siya ng makilala ang babae. "Akalain mo nga naman at schoolmate pa pala kita." Hinablot ko kay Rob ang bolang kanina pa nito pinag lalaruan at saka ibinato sa babae. Swerte namang tinamaan ang balikat nito at dahil marahil sa sobrang gulat ay nabitiwan nito ang mga prutas na naka supot. Nagkalat sa daan ang lahat ng iyon. "Why the hell did you do that?" Maang na tanong sa kaniya ni Rob habang naka tingin din sa babae na aligaga sa pag lingon sa paligid. "She deserves that. Binalaan ko na siya na kapag nagkita pa kami ay malilintikan siya sa akin." "Pare! Anong trip na naman ito? Babae iyan tandaan mo." Paalala pa nito sa kaniya na ipinag kibit balikat lang niya. Matapos damputin ng babae ang lahat ng prutas ay hinanap naman nito kung saan nagmula ang bola na nasa kanang kamay nito. Para hindi na ito mahirapan pa sa paghahanap ay kinawayan na niya ito. Saglit lang napakunot noo ang babae at ng ma recognized siguro siya ay saka lang ito nagmartsa papunta sa kaniya. "Iyo ba ito?" Tanong nito sa kaniya habang hawak-hawak ang bola. At may kalmadong tono. "Yup. Isosoli mo ba? Thank you nam—" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng ihampas nito sa braso niya ang supot ng mga prutas nito. At sa totoo lang ay masakit iyon dahil may pinya iyon. "Masarap ba? Alam mo ba kung gaano mo pineperwisyo ang buhay ko?! Kagabi lang ay muntik mo na akong mapatay gamit ang letseng sasakyan na iyan. At ngayon naman ay inaantala mo ang pagpasok ko." Narinig pa ni Drix na napasinghap sila Mike at Rob dahil sa ginawa ng babae sa kanya at sa narinig. "Ang tapang mo din, eh nuh? Hindi mo ba ako kilala?" "Bakit, ikaw ba ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito para kilalanin pa kita? Bwisit ka!" "Hindi nga siguro ako anak ng may-ari ng eskwelahang ito pero ako lang naman ang apo ng isa sa mga stockholder ng eskwelahang ito at puwede kitang ipatalsik dito anytime na gustuhin ko." Napangisi pa siya ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae. "Hindi ako tanga para maniwala sa iyo. Sinong siraulo ang maniniwalang apo ka ng isang kilalang tao kung iyang ugali mo ay daig pa ang mga taga iskwater area. You look like nothing so don't make me laugh." Iyon lang at tinalikuran na din siya nito. Naiwan naman siyang nag ngingitngit sa inis at gulat sa sinabi nito. Habang panay tawanan naman ang naririnig niya kina Mike at Rob. "That girl is absolutely amazing." "Akalain mo iyon? Nasupalpal ka ng babae for the first time Drix. At mukhang hindi siya aware sa gandang lalaki mo." "SHUT UP!!" sa isip niya ay gumagawa na siya ng plano para sa babaeng iyon. "That girl must be blind." Sagot niya kay Rob. "At walang sino man ang pwedeng gumawa sa akin ng ganun. Magbabayad iyang babaeng iyan." "Mukhang may kapalit na kaagad si Dashiele sa puso mo, ah?" Pang-aasar pa ni Mike. "f**k you!"m Imbes na manahimik ay nagtawanan lang ulit ang dalawa. Ginagaya pa nito ang huling sinabi ng babae na tila ba nakakatuwa iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD