Chapter eighteen

1173 Words
Chapter eighteen Drix's Katatapos lang ng klase niya ng araw na iyon pero imbes na tumambay muna o umuwi ay mas pinili niyang abangan ang babaeng nagpahiya sa kaniya kanina. Alam niyang HRM ito dahil sa suot kanina kaya lahat ng lumalabas sa HRM building ay sinusuyod niya ng tingin. Hindi naman siya nangalay sa pag-aantay dahil maya-maya pa ay namataan na niya ang babae na naglalakad palabas. Kasalukuyan nitong tinatanggal ang pagkakatali ng buhok kaya hindi nito napansin ang prisensya niya. Nang mapadaan na ito sa tapat niya ay inakbayan niya ito at saka mahigpit na hinawakan para hindi makawala sa kaniya. "Huwag kang gagawa ng eksena kung ayaw mong madagdagan na naman ang atraso mo sa akin." He said in firm voice. "Gago ka ba? Anong eksena ang pinagsasabi mo? Ngayon pa lang dahil sa ginagawa mong pag-akbay sa akin ay isang malaking eksena na ang nasimulan mo." Nang sulyapan niya ang paligid ay tama nga ito dahil lahat ng mga mata ng estudyanteng daanan nila ay sa kanila nakatingin. "Wala eh, ang gwapo ko kasi." "Ano na naman bang problema mong lintik ka? Hindi ka na nakakatuwa kaya tantanan mo na ako." Sinubukan pa nitong ilayo ang sarili sa kaniya pero dagli niya itong pinigilan. "Hep! Hep! Just stay still. Nalimutan mo na ba kaagad ang atraso mo?" "Atraso? If I still remember ay ikaw ang may atraso sa akin at hindi ako. At baka nakakalimutan mo din na muntik na akong mamatay ng dahil sa iyo at manlate sa subject ko ng dahil ulutsa iyo?" Sasagutin niya sana ang patutsada nito sa kaniya ng dalawang babae ang humarang sa dinadaanan nila. Mga naka suot din ito ng chef uniform kaya malamang na kaklase ito nitong babae.ng akbay-akbay niya. Napa buntong hininga siya dahil sa pagka bagot at inip. Bakas ang pagtataka at pagtatanong sa mukha ng dalawang babae. Kunot noo naman niyang pinasadahan ng tingin ang mga ito dahil naka harang sila sa daanan. Gusto niyang mainis dahil may plano pa siyang dapat gawin kaso naaantala dahil dito sa dalawa. "Is he your boyfriend, Apple?" Tanong ng babaeng medyo chubby habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Hind—" Bago pa makapagsalita ang babaeng kaakbay ko na Apple pala ang pangalan ay tinakpan na niya kaagad ang bibig nito gamit ang kamay. At saka siya ang sumagot para dito. "Yes. I'm her boyfriend. Bakit, may angal ka ba?" Napa ngisi siya ng malala dahil sa nangyari. Kapag siniswerte nga naman siya. Hindi naman na pala siya mahihirapan asarin ito. Kusa ng lumalapit ang mga ideya sa kaniya. Agad namang nanlaki ang mga mata ng dalawang babae at saka tila hindi makapaniwala namang tiningnan din siya ni Apple. Masama ang tingin na tinitigan lang siya nito. Hindi man lang pumalag o nag wala. Mabuti naman para mas mapadali ang bagay na ito sa kaniya, pero baka gusto din niya kaya wala man lang reaksiyon na mababakas dito. "Anong nakakabigla sa sinabi ko?" "T-totoo?" Ani naman ng medyo payat. "Ayaw mo? Baka gusto mo pa kaming dalawa ipa-lie detector test?" He said in a sarcastic tone. "Maniwala na lang kayo dahil nagsasabi ako ng totoo." "H-hindi naman. Sige mauuna na kami sa iyo. Ingat ka na lang, Apple." Hinatak na ng medyo chubby yung kasama nito at saka nag sipulasan. Napakunot noo siya dahil sa tono ng dalawa. Na tila ba ganuon ka delikado ang ma associate sa kaniya. Gusto sana niyang habulin yung dalawang babae sa inis ngunit natigilan siya dahil sa katabi. Agad na kinagat ni Apple ang kamay niya kaya nabitawan niya ito. "Anong katangahan na naman ang sinabi mo sa dalawang iyon? Bobo ka ba o sadyang hindi ka lang familiar sa salitang 'hindi' kaya imbes na iyon ang isagot mo kanina ay iba ang lumabas diyan sa bibig mo? Napaka tanga nito." "Pasalamat ka nga dahil ipinakilala pa kitang girlfriend ko." He smirked. He is starting to enjoy this show. "P-pasalamat? Ano bang binabalak mo at talagang inabangan mo pa ako dito. Hindi ka pa ba tapos sa akin? Gusto mo ulit mahampas ng pinya?" "Not yet. At dahil girlfriend na kita ay hindi na kita tatantanan. Palagi mo na akong makikita kahit saan." Dahil maraming nakatingin sa kanilang dalawa ay marami din ang nakarinig sa sinabi niya. Ilang mga kababaihan din ang sinulayapan ng matalim si Apple. Malakas na bulungan ang nangyari at lahat sila ay gulat na gulat dahil kaklase pa pala nila ang magiging next girlfriend niya. Most of them are surprised while the others just simply shook their head. I even heard one of them mentioning Cindy's name. Nangasim ang mukha niya dahil duon. Tila naman lalo lang nalito si Apple sa mga narinig at saka siya muling binalingan. "And who the hell is Cindy? Another partner in crime mo? Mga baliw kayo." "Makikilala mo din siya. Maghintay ka lang." Maya-maya pa ay tinawagan na siya ni Rob dahil kanina pa siya hinihintay ng mga ito. May lakad silang tatlo at siya na lang ang kulang. "So, paano mauuna na ako, girlfriend! By the way, I'm Drix Sandiejos and your name must be Apple, right? Ingat na lang my fruit." Kinawayan pa niya ito bago siya naglakad papalayo. Dashiele's  NAKARATING na kaagad sa pandinig niya na may bago na namang girlfriend si Drix. Akalain mo nga naman at mukhang medyo maiibsan na ang pagbabangayan nilang dalawa. Akala niya ay hindi na ito mag hahanap pa ng kapalit ni Cindy at kaya palagi siyang pinag-iinitan nito ay dahil hindi ito maka move-one sa dating girlfriend. It seems that he already get into his senses finally. Sinipa niya yung upuan ni Skye para makuha ang atensiyon nito na kasalukuyang nakikipag harutan na naman sa isa sa mga kaklase nilang babae. Napailing siya ng maalala ang huling sinabi nito na stick to one na ito sa babae. Hindi pa rin nagbabago babaero pa din ito. "Did you hear the news? May bago na namang paluluhain si Drix." Pareho sila ni Skye natawa sa sinabi niya. "Mukhang balik na ulit siya sa dating gawi niya bilang heart breaker." "Na inspired ata sa akin, eh." "Gago!" Nag kunwa naman itong tila nag-iisip maya-maya. "Pero sino naman kaya yun?" "Pakialam ko? Siguraduhin lang niya na kapag nakita ako nun ay hindi siya ipagpapalit ulit sa akin." I closed my biology book and put it on my bag. "Tsura mo, pre. Sinong bebot ang hindi mabibighani sa iyo, eh mukhang sa magnet ka ipinaglihi ng nanay mo. Mantakin mo at bagay na bagay pa sa iyo iyang uniporme mong kasing puti ng budhi mo. Para kang mataimtim na santo." "Sabagay. Pero sana ay matahimik na talaga siya at tantanan na niya ako." "Sana nga." "Bakit bigla ka nga palang na wala kahapon? Lintik ka talaga tumakas, ang lupit! Hindi man lang kita nasulyapan habang binubugbog ako nung dalawa." "May date ako kahapon, pre'. Diyahe naman kung magkaka bangas ako dahil lang sa tarantadong Drix na iyon." "Date? Dun sa kasama mo?" "Nope. Sa isa pa. hahaha" "Walanghiya ka talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD