Chapter twenty one
Drix's
MALAPIT na sila sa work na tinuturo ni Apple ng kibuin siya ng dalaga.
"Sino yung kaaway mo kanina?" medyo matamlay na tanong nito.
Biglang usbong ng inis sa kaniya ng maalala muli yung gagong Dashiele na yun. "Dashiele Quinatania, girlfriend snatcher, tarantado, gunggong, siraulo, at higit sa lahat ay mas gwapo ako."
"You hate him?" Malamyos na tanong nito.
"Freshmen ka nga lang pala. Wala ka bang naririnig na bulong-bulungan about us? I can'tstand the sight of him. Masyado ng malaki ang away sa pagitan naming dalawa para magawa pang maayos."
"Wala. I'm too busy to care. Bukod pa duon ay wala akong kilala sa eskwelahang ito. My father chose this school for me because he said someone I know is in here. Pero wala akong kilala, wala akong maalala." Malungkot nitong saad.
I got curious with 'maalala' part but ai chose to disregard it. "So, you really don't know him, huh?" That's odd. Akala niya ay lahat na ng babae ay kilala ito. May isa pa palang natitirang matino. Which is a good thing.
Mas lalo tuloy siyang napangisi. Parang tanga na ngiting-ngiti lang siya hanggang sa marating na nila yung convineint store. "You really work here?" Medyo namamanghang tanong niya sa dalaga.
Apple looks like well off. Hindi ito ang klase ng babae na iisipin mong naghihirap. She have class and finesse. But man, she do work here. Nag-alala siya para sa kaligtasan nito sa ganitong klase ng lugar.
"Yeah. Thank's for the ride. Bumalik ka na ng school para makahabol ka pa sa subjects mo." Nang makababa na ito sa likuran niya ay pinanuod pa nito ang pag aayos niya ng sarili at sa nagusot na damit.
Natuwa naman siya na hinihintay pa nito ang pag-alis niya bago pumasok sa convinince atore. "Nah, I rather go home. Mukhang nahawa na ko sa katamaran dahil sa iyo. Wala na akong ganang pasukan yung mga subjects ko today. Bukas na lang ako babawi."
"Okay, oo nga pala. Thank you sa paghahatid mo sa akin dito. Kahit mukha kang spoiled brat na rich kid at bully, medyo mabait ka naman pala. Hindi lang halata." Seryoso nitong kumento na tila ba hindi ito naglalait.
Napa taas ang gilid ng labi niya sa narinig. Kakaiba talaga itong babaeng ito. "Isama mo na din ang kagwapuhan ko, medyo nakaka hurt ka na talaga. Minsan hindi ako sure kung ang compliment ba sa iyo ay kabaligtaran ang ibig sabihin nito."
Bigla na lang itong ngumiti at saka tumalikod para iwanan na siya. Naiwan naman siyang naka nganga lang habang inaalala kung gaano ito kaganda habang naka ngiti ng ganun. It's his first time to saw her smiling at him like that. At sa totoo lang, para siyang pinana ni kupido.
Nang makapasok na ito sa loob ng store ay nagsimula na siyang maglakad pabalik ng school. At sa buong buhay niya, ngayon lang ata tumalon ng ganito ang puso niya. "My kind of girl." He muttered to himself.
Dashiele's
MAY SURPRISE quiz at halos hindi siya makapag focus habang nagsasagot. Maghapon siyang aburido at naiinis dahil sa may-ari ng sapatos na nasa tabi ng bag niya. Tawa naman ng tawa si Skye kanina habang kinukwento niya ang nangyari.
Second subject na pumasok ito at base sa kuwento niya pag dating na pag dating ay kung kaninong party na naman ang dinaluhan nito. Skye is hopeless.
Pagkatapos ng quiz ay mas lalo siyang nainis dahil hindi siya ang highest this time. He decided to go home instead. Wala na din naman na siyang gagawin pa. Napa ismid pa siya ng mamataan ang barkada ni Drix na tila nagkakasiyahan habang nagkukwentuhan. Namataan niya ang mga ito na naka tambay sa mga benches na nakakalat sa hallways. Pero wala ata si Drix, that's new. He is always with his friends, siguro ay kasama nito ang gurlfriend ngayon.
I smirked with that thought. Minsan kaya nasasaktan masiyado ito ay dahil ibinibigay niya ng buo ang pagmamahal. Walang antitira kaya sa huli siya ang kawawa.
Then it hit him. The girl he loved.
Nadaanan pa niya si Cindy ng papunta na siya sa pinag paparadahan ng kotse niya. Agad itong humarang sa dinaraanan niya at saka pumulupot sa braso niya. Napangisi na lang siya ng maalala muli ang sinapit kay Drix ng dahil dito. Pero yung ngisi niya ay nauwi sa inis ng hindi pa rin nito bitawan ang braso niya.
Ipiniksi niya ang kamay at lumayo sa dalaga. The last time he let hinself to be associated with her, nakilala niya si Drix. And that man is a bad news. He never let me have a peaceful days here at school.
"How's your class?" Pa cute na tanong nito habang marahang kinikiskis sa braso niya ang naglalakihang dibdib nito ng muling abutin ang braso niya.
Ang tatag talaga.
"Fine." Sagot niya sa pinapaos na tono. Para hindi nito mahalata ang namumuong inis.
"Then, do you want it to celebrate with me?" Medyo hinihingal na sabi nito.
Marahan muna siyang umiling at saka kagat labi na itnuro ang isa pang babae na naka upo sa hood ng kotse niya na tila hinihintay siya. "May nag hihintay sa akin. Maybe next time Cindy o kaya ay si Drix ang ayain mo."
Napa simangot ito ng banggitin niya ang pangalan ni Drix. "He surely rot in hell right now with his new girl. I can't believe it!"
"Uh, the petite one." Naalala niya yung sapatos.
"Duh! She's not even beautiful!"
Napa kibit balikat lang siya dahil hindi pa naman niya nabibistuhan ang mukha ng girlfriend nito dahil magkayakap ang dalawa kanina. Nagpaalam na siya kay Cindy at saka naman nilapitan ang babaeng nasa kotse niya. Habang papalapit ng papalapit ay unti-unti niyang namumukaan ang babae.
"L-Lexie?" Gulat na gulat na ani niya sa babae na nginisihan lang siya at saka tumayo.
"Long time no see, Dash."
"What are you doing here?"
Imbes na sagutin siya ay niyakap lang siya nito ng mahigpit at saka siya hialikan sa labi. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya hindi niya agad nailayo ang babae sa kaniya.m
"How's my fiance' ?" She said while grinning from ear to ear.