Chapter seven

1993 Words
Chapter seven Apple's DAHIL sabado at walang klase kaya maaga pa lang ay nililibot na ni Apple ang buong subdivision sakay ng favorite color blue green na bike niya. Ito ang palagi niyang ginagawa mula ng araw na tawagin siyang baboy ni Dashiele nuon. He used to tease her baboy when she was in elementary. Totoo namang chubby siya nuon, pero baby fats lang daw iyon sabi ng ate niya at mawawala din kalaunan. Kaso naging determinado siya na matanggal kaagad iyon kaya kada umaga ay nag ba-bike siya at medyo nag lielow sa pagkain. Makalipas lang ang ilang taon ay totoong nawala na ang bakas ng pagiging mataba niya pero hindi na niya itinigil yung nakasanayan niyang pag ba-bike kada umaga. Pagdaan niya sa basketball court ng subdivision ay namataan niyang naglalaro duon sila Larx, Micro, at Dash. They are all wearing the same jersey shirt and short. Lalagpasan na niya sana ang tatlo kung hindi lang siya tinawag ni Dashiele. Her heart starts to summersalt when she saw him walking closer to her. Bakit ba may mga taong sadyang hindi natatanggal ang taglay na kagwapuhan kahit pa naliligo na sa pawis at wala na sa ayos ang buhok? Parang may kung anong pwersa ang humahatak sa kaniya para takbuhin ng yakap ito pero pinigilan lang niya ang sarili lalo na at ng maalala niya ang ginawa nito. Agad ang pagbangon na naman ng lungkot sa puso niya. "Good morning." Ani nito sa malamyos na tono. Bakit ba ang ganda ng boses nito? Buong-buo at lalaking-lalaki. "Same to you." Hindi pa rin makatingin ng diretso dito na sagot niya. "Are you trying to avoid me, Apple? Napapansin ko din na napapadalas ang pagsama-sama mo kay Suzura." "Why am I going to avoid you, Dash? At ano bang pakialam mo kung palagi mo kaming nakikitang magkasama ni Kenji He's a friend and I like his company." Tila gusto niyang ipagsigawan sa harap nito na wala naman itong narinig na kahit na ano sa kanya sa tuwing lumalapit ito sa kapatid niya. Kahit ang sakit-sakit na. "What's going on between the two of you?" "What's wrong with you? Kung ano man ang mayroon kami ay hindi ka na involve pa dun. Mabait si Kenji kaya madali ko siyang nakapalagayn ng loob, hindi kagaya ng iba diyan. " Naiinis na tinitigan niya ito at para lang mabasa ang hinanakit na nakabalatay sa mga mata ng binata. Bigla siyang natigilan at natahimik. "Just answer my question, Apple. " "Why? So what kung malapit na kami ni Kenji? Just keep your nose out of my life, Dashiele." "I can't." Puno ng diin na bigkas nito. Parang gustong mapaurong ni Apple ng makita ang madilim na expression ni Dash. He never saw him like this before. "M-mauuna na ako." Pero bago pa niya mai-pedal ang bike na gamit niya ay nahawakan na kaagad ng binata ang unahan niyon dahilan para hindi pa din siya makalayo dito at makulong naman sa bisig nito. She used to dream to be with his arms like this. Parang gusto na lang niyang pumikit at pahintuin ang oras kung kaya lang niya. "Just avoid him, Apple fruit. P-please?" Why?" She murmured. "Please." Iyon lang at tinalikuran na siya ni Dash. Naiwan siyang nakatitig pa rin sa papalayong bulto nito na puna ng pag-asam at pagdududa din ang puso. "Paniniwalaan ko ba kung ano ang ibinubulong ng puso ko o papakinggan ko na ang utak ko na nagsasabing hindi ako, at si ate lang naman talaga ang kailangan mo?" She whispered in the thin air, wishing that he could hear it and give an instant answer to her question. "MAY problema ba, Apple?" Tanong sa kaniya ng kapatid na si Grapes ng mapasukan siya nitong nakahiga pa rin sa kama niya kahit ala's diyes na ng umaga. "Wala." Puno ng lambong na sagot niya dito. "Really? Eh, bakit iba ang nakikita ko?" Tinanihan siya ng kapatid sa kama at saka hinimas ang mahaba niyang buhok. "May nagugustuhan ka na bang boy, ate?" Dahil nakatalikod si Apple ay hindi niya napansin ang biglang pagkagulat na rumehistro sa mukha ng kapatid niya. "B-bakit mo naman natanong iyan?" "Wala naman. Ano bang tipo mo sa lalaki." "Ahmmm... Yung simple lang pero may dating. Hindi gaano popular pero matalino. Kagaya din dapat siya ni daddy na mapag mahal at tapat. Bakit ba iyang mga bagay na iyan ang naisipan mong itanong? May nagugustuhan ka na bang lalaki?" Gusto niyang harapin ang kapatid at direktang sabihin dito na, oo meron na at si Dashiele nga iyon.. Pero ayaw niyang isipin nito na nang-aagaw siya ng pag-aari na ng iba. "Wala pa." "Totoo ba iyan? Eh, bakit ang tamlay mo ata ngayon?" "Wala naman, tinatamad lang siguro talaga ako ngayong araw." "May dinaramdam ka ba?" Puno ng concern na tanong nito sa kanya. "Are you really leaving us? Bakit mas gusto mong sa ibang bansa mag-aral?" She just blurted it out of the blue. Umikot sa harapan niya ang ate niya at saka naupo sa lapag para lang magkaharap silang dalawa. "You're still young to understand that not everything in this world will stay. Minsan may mga bagay talaga na kailangan mong pagsumikapang maabot para matupad ang pangarap mo kahit ibig sabihin pa nun ay kailangan mong magsakripisyo. Kagaya ko, kakayanin kong malayo sa inyo, lalo na sa iyo para matupad ko ang pangarap ko. But that doesn't mean that I don't love you anymore." "Will you miss me?" "Yeah, nakakalungkot isipin na maraming mahahalagang bagay ang mangyayari sa iyo na hindi ko masasaksihan kasi wala ako sa tabi mo." "I'm going to miss you too, ate." "Pag nasa ibang bansa na ako alagaan mo sila mommy at daddy. Huwag mo silang bibigyan ng sakit ng ulo." "I swear." "Very good. Now, come and get up. Mag-aalala si mommy kapag hindi ka pa bumangon diyan." Natapos ang buong isang araw niya na hindi nakakasalubong o nakikita man lang si Dashiele. Hindi din niya maintindihan kung bakit kahit wala na itong ginagawa para masaktan siya ay patuloy pa din siyang nasasaktan. Kinagabihan ay papasok na sana siya ng kuwarto niya para matulog ng madaanan niya ang kuwarto ni Grapes. Hindi masyadong naka sara iyon kaya nasisilip niya ang ate niya habang may kausap sa telepono. Pero bigla siyang napahinto ng maulinigan ang sinabi ng kapatid sa kabilang linya. "You really don't love me anymore? But how come na patuloy mo pa ring ginugulo ang buhay ko? Akala ko ba masaya ka na sa iba? Pero bakit pinaparamdam mo pa din sa akin na kahit papano ay mahalaga pa rin ako sa iyo?" Puno ng pait na sabi nito. Kahit hindi niya alam ang nangyayari ay nasasaktan siya para sa kapatid niya. Naisip din niya na hindi kaya at si Dashiele ang kausap nito? She heard a long pause before uli ito nagsalita. "In time ay makakalimutan din kita. And I swear to God, na uuwi ako sa bansang ito na hindi na maaalala na may isang Reeve na nanakit sa akin. Good bye, and I wish you all the best." Padabog na ibinagsak nito sa cradle and telepono at saka dumapa sa kama. Napasandal na lang si Apple sa pader dahil sa pangalang narinig. Who the hell is, REEVE? Naging mag boyfriend and girlfriend ba ang mga ito ng hindi niya nalalaman o kahit ng parents nila? How about Dashiele? Alam din ba nito ang tungkol sa lalaking iyon? O kagaya niya ay wala rin itong ideya. Patakbo niyang tinungo ang kwarto niya at saka tinawagan si Dashiele para tanungin ito. At kapag nalaman niya kung sino ang Reeve na iyon ay paluluhain niya ito ng dugo dahil sa ginawa niya sa kapatid. He should pay for what he did. Wala itong karapatang saktan ang kapatid niya! After a few ring Dashiele finally answered her call. "Yes, hello?" He said in sleepy voice. Pero hindi pa rin iyon naka bawas sa ganda ng boses nito. Hell, but she found it so sexy. At kailan pa niya natutunan ang salitang SEXY??!!! "Who is Reeve?" Walang paliguy-ligoy na tanong niya dito. "Oh, hi! Na miss mo ba ako Apple my fruit kaya napatawag ka? Dapat tinext mo na lang ako para napuntahan kita diyan sa inyo." Puno ng siglang sabi nito. "Who is Reeve?" Ulit niya sa tanong kanina. "I missed you too, my sweet little fruit." It is too obvious that he is avoiding to answer her questions! "Dashiele! For pete's sake. Just aswer my question." "Call me sweetheart first, wala na atang libre sa panahon na ito ngayon." "So it means na alam mo ang tungkol sa lalaking nanakit kay ate?" Galit niyang usal sa kausap. I am starting to hate him too if he say 'yes'. Because that will only mean he didn't protect my sister too well. "Secret." "And you didn't do anything about that?" It hurst! Yung nasasaktan si Grapes ngayon ay masakit na din sa parte niya. Hindi niya napag handana ang bagay na ito kaya tila siya naninibago sa nararamdamang sakit sa dibdib. Napa buntong hininga si Dashiele at tila hirap na hirap na sagutin ang tanong ko. "Secret." Iyon lang bukod tanging naisasagot nito palagi. "Siguro natuwa ka pa nga, because finally ay malilipat na ulit sa iyo ang attention niya. Well, FYI kahit anong gawin mo ay friend lang ang magiging tingin sa iyo ni ate. Because obviously, she's so in love with this Reeve guy." Naiinis na saad niya sa binata. Ngunit natigilan din siya kapag kuwan. What she said was too much. Dash didn't deserve that. "Call me sweetheart, first." "And why would I do that?" "Because it's so obvious that you're really curious with Reeve. At FYI too, I know a lot about this guy." He said while mimicking her voice. "My gosh! Okay fine! Just tell me about him na s-sweetheart..." Long pause... Then she herad him groan in a way na tila kinikilig. "Ughh... So good to hear that, eargasm. One more time pa nga." "In your dreams. Now, sabihin mo na ang nalalaman mo." "Just one more time. Please..." "Wala bang tumatawag ng sweetheart sa iyo at parang gutom na gutom ka sa word na iyan?" "I just wanted to know how does it feel to be called sweetheart coming from you." Apple lost for any words when she heard that. Tila siya binuhusan ng gasoline at ready na ulit patakbuhin. Parang gusto niyang ibagsak ang telepono at magtitili sa kilig. Pero ng maisip na malamang ay broken hearted pa ito sa ate niya at tila nakikita siya nito bilang rebound ay sapat na para maupos na nanaman siya na parang sigarilyo. "It's not fair." Bulong niya. "Really?" Tila nahihiwagaan naman nitong tanongn sa kabilang linya. "Do you know about their relationship from the first place?" "Yeah." He aid in husky voice. "But why didn't you tell me?" Nang hihinanakit na tanong niya. Even ate Grapes didn't spill anything. "Because it was a secret relationship and no one bound to know about it, even me or you." "How come you know about it?" Hamon niya sa kausap. "I saw them kissing on the rooftop. Hindi ko rin dapat malaman ang bagay na iyon kung hindi ko lang sila nahuli." Napamulagat siya sa narinig. "What did you feel when you saw them kissing?" "I was shocked, of course. But that's it." "Malamang na nasaktan ka masyado dahil sa tinagal-tagal mo ng nanliligaw kay ate ay hindi pa rin ikaw ang pinili niya sa huli." Parang nadudurog ang puso niya para dito. Nasasaktan siyang isipin na nasasaktan ito. "H-huh? But I am not courting your sister." Tila gulat naman na sabi nito. "Huwag ka ng magkaila pa. I know you, alam kong si ate lang ang babaeng minahal mo mula pa noon, even uncle Recca thought na kayo ang bagay para sa isa't-isa. Then, did not happen. I'm so sorry Dashiele." "What are you talking about, Apple?" "I-I'm so sorry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD