Chapter six
Apple's
MAKALIPAS ang sampung minuto ay nakarating na din sila ni Kenji sa lugar na gusto nitong pagdalhan sa kanya. Inilibot ni Apple ang paningin sa buong lugar. Pagkapasok ng sasakyan ni Kenji sa loob ng gate ay isang napaka luwag na hardin ang sasalubong sa iyo at apat na palapag ng malaking kabahayan.
Pulos mga batang naglalaro sa paligid ang makikita mo kahit saan. Napakunot noo siya habang sinusundan ng basa ang naka display na pangalan ng buong lugar. "Divine Angel Orphanage?"
"Bahay ampunan ito, come on Apple ipapakilala kita sa mga bata na nandidito. Tiyak mag-eenjoy ka na kasama sila."
Pagbaba nila ng sasakyan ay agad na nagtakbuhan ang mga batang hindi nalalayo ang edad sa apat hanggang labing dalawa kay Kenji na tila matagal ng magkakakilala ang mga ito. Lahat sila ay puno ng kaligayahan ang mga nasa mukha habang nakatunghay sa binata at sinasalubong ng yakap ito.
"Bakit ang tagal mong hindi bumalik, kuya Kenji?" tanong ng isang batang babae na nasa pitong taong-gulang siguro ang edad. May hawak pa itong Barbie doll na tila niluma na ng panahon.
"Busy kasi ako Angela, but don't worry, palagi ko na kayong dadalawin dito once na matapos na yung graduation namin."
"Yeheeyyy..!!" They all cheer in unison.
"By the way, ito nga pala si ate Apple. Be nice to her, okay? Hindi lang maganda ito, mabait din, kaya huwag kayong mailang sa kanya."
"Girlfriend mo ba siya?" Dagling tanong naman ng batang babae din na mukang anim na taong gulang pa lang at katabi ni Angela.
"Ahmmm... Not yet." Puno ng kahulugan na sagot ni Kenji na ikinangiwi naman niya.
"Sabi mo ako ang girlfriend mo?" Naka labing sagot naman nito.
"Ohh... Oo nga pala, siyempre naman ikaw pa din ang best girlfriend ever ko, Monday." Nginitian nito ang batang babae at saka ginulo ang buhok.
Tila naniniguradong tnaong naman nito. "Talaga?"
"Opo." He said with assurance on his tone.
Napapangiti na lang siya habang pinapanuod ang pagkukulitan ng mga bata kasama ni Kenji. Nagulat pa nga siya ng may babaeng tumabi sa kanya. Ng tingnan niya ito ay agad niyang nahulaan na ito siguro ang taga pamahala ng bahay ampunan. She looks like a nun because of her vail in the head.
"Kaibigan ka ba ni Kenji, hija?" she said in a soft voice.
"Ay, opo." Naka ngiting sagot niya na puno ng paggalang.
"Alam mo bang napaka swerte naming lahat dito dahil totoong maawain at matulungin ang batang iyan." Tila proud na proud nitong sinundan ng tingin si Kenji.
"T-talaga po? Mukha naman pong mabait si Kenji." That's true. Sinundan pa niya ng tanaw ang pakikipag habulan nito sa mga bata habang may bitbit na bola na tila pinag-aagawan ng lahat.
Hindi pa niya ganuon kakilala si Kenji ngunit may side nito ang nakakapamangha sa kaniya.
"Isa ang pamilya niya sa donors namin na nagbibigay sa amin ng pondo para patuloy na makapag-aral at may makain ang mga batang iyan until may dumating upang ampunin sila."
"Talaga po? Mukang mayaman talaga ang pamilya nila."
"Malapit sa mga bata si Kenji, at natutuwa ako na may isinama siyang kaibigan sa lugar na ito. Akala ko tuloy dati na patuloy pa din niyang ikinukulong ang sarili sa pag-iisa."
"Ho?" Talaga? Hindi naman halata na naging aloof din pala sa tao ang isang ito na napaka friendly at charming sa iba.
Fresh pa sa ala-ala niya ang pagigiging makulit at madaldal ni Kenji.
"Ang pagkakamali ng mga magulang ay isang malaking kaapektuhan sa mga anak. Hindi man ipahalata ni Kenji ay alam kong nahirapan siyang maka cope-up sa pag-iisa mula ng manirahan sa Japan ang mga magulang niya."
"Nasabi nga po niya na hindi sila magkakasama. Ang hirap po siguro nun, hindi ko maimagine lalo na at nakikita ko kung gaano kamahal ng mga magulang ko ang isa't-isa. At hindi pa kami nagkaka hiwalay kailanman."
"Then you're so fortunate to have a family like yours."."
Nginitian niya ang kunento nito. "Opo."
"Ako nga pala si Eliza, ang head ng foundation na ito."
"Ako naman po si Shey Arden but you can call me Apple for short, friend po ako ni Kenji sa school."
"Friend pala akala ko girlfriend." Matamis na ngumiti ito at saka napailing. "Sanay pagpalain pa kayo ng Panginoon at magtagal ng pagkakaibigan ninyo."
"T-thank you po."
Ibinalik na niya ang pansin kay Kenji na kinakawayan siya na parang sinasabi na lumapit siya at makipag laro din sa mga ito. Nginitian muna niya si Madam Eliza at saka nakihalubilo sa mga bata na tinanggap naman siya ng buong puso.
"KAMUSTA?" tanong sa kanya ni Kenji habang papauwi sila sakay pa rin ng sasakyan nito.
Katatapos lang nila bisitahin yunng charity at sa unang pagkakataon ay natuwa siya gn lubos dahil sa mga bata. Pero mas nakakatuwa na may isang kagaya nito ang patuloy na nahihilig sa pagtulong.
"Nakakapagod pala makipag laro sa mga bubwit." Natatawang sagot niya habang inaalala ang mga naganap kanina.
"Sobra, pero nag enjoy ka naman ba? Sana naman natanggal ko yung pagkabagot mo kanina."
"Oo naman. Mukha ba akong nababagot pa din? Balik tayo next time. Pero this time maghahanda na ako ng pasalubong para sa kanila."
"Ang bait mo naman." Tila nangangasar na sabi nito habang sinisiko pa ang braso niya.
"Tse!" natawa na lang silang pareho.
Ng marating nila ang bahay ay agad na siyang nagpaalam kay Kenji at nagpasalamat dahil sa kabaitan nito. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ng binata ay saka pa lang siya pumasok sa loob ng bahay nila. Pero agad siyang naharang ng mommy niya na kanina pa pala nakaabang sa entrada ng pintuan. Nakataas ang dalawang kilay nito at tila hianahabol pa ng tingin ang nakaalis ng sasakyan.
"Saan ka galing, Apple?" Curious na tanong nito habang sumusulyap sa orasan na nagsasaad na alasais na ng gabi. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Phannie.
"S-sa bahay ampunan po."
"Huh? Eh, sino yung ka date mo? Hindi mo man lang pinapasok yung naghatid sa iyo, baby. Bad iyon." Nakangiting sabi nito.
"Mommy! Friend lang kami ni Kenji, huh? Baka kung ano pa isipin mo. Baka makarating pa kay daddy paniguradong pagagalitan ako nun."
"Si mommy pa ba? Teka, ano namang ginawa ninyo sa bahay ampunan?" Iankay siya ng ina papaupo sa sofa sa receiving area ng bahay nila.
"Nakipag laro po kami sa mga bata tapos nakipag kuwentuhan. Naku Mommy, next time ibibili ko sila ng mga story books."
"Ows? Dinala ka niya sa bahay ampuna para paglaruin kasama ng mga bata?"
"He just wanted to take away my boredom kaya niya ako dinala dun. Grabe mommy, nakakaawa yung mga bata dun na may iba't-ibang version ng story kung paano sila napunta sa lugar na iyon.''
"And who is this Kenji that you're talking about?"
"A fourth year student, ka batch siya nila ate at Dashiele."
"Kilala ba siya ng ate mo?"
"I think so. But don't worry, Mommy, because Kenji is a really nice person. You must meet him, Mom. Mas mabait pa siya kaysa kay Dash."
"Sure. Next time ipakilala mo sa akin ang new friend mo."
Ang pagkukwentuhan nila ng ina ay agad na naputol ng mamataan nila ang papasok na bulto ng ama. Sinalubong ito ng halik ng ina bago naupo sa katapat ng sofa na kinauupuan niya. nagmano siya dito at saka naupong muli sa orihinal na puwesto.
"Hello, dad."
"Hello too, baby. How's your day?"
This is what she likes about her dad. Kahit pagod na ito sa trabaho ay hindi ito kailanman pumaltos sa pakikipag kuwentuhan sa kanila para alamin ang mga ginagawa nila sa araw-araw. "Fine, daddy."
"Guess what- may nakipag date sa baby natin kanina, honey." Ngiting-ngiti na ikinuwento ng ina ang lahat ng ikinuwento niya dito kani-kanina lamang. Napa iling na lang siya dahil kasasabi lang niyang ayaw niyang makarating ito sa ama at baka ano pa isipin nito.
"And who is this guy?" Tila nag dududang tanong nito pagkatapos.
"A new friend."
"Really? Just only a friend?"
"Daddy! Of course. Ano namang iniisip niyo? Bata pa ako, nuh."
"Bakit ka defensive? Alam ko naman na bata ka pa, alam na alam ko din ata kung gaano kana katagal nagbibigay ng kaligayahan sa amin ng mommy mo mula ng ipanganak ka."
She just rolled her eyes. "You're being mushy na again, dad."
"I'm always being mushy and sweet to all of you since the day I vowed infront of God to love and cherish each one of our family members."
"I know, I know. That's why we all love you." She said in full of sincerity.
Gareth is right, he never failed to show how much he love us. Devoted husband din ito sa mommy nila at nakikita naman nila na masayang-masaya ang ina dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito kay Phannie.