Chapter nine

1664 Words
Chapter nine Apple's BAKIT nga ba napaka bilis lumipas ng oras at araw? Kasalukuyang nakasakay ang buong pamilya namin para sa one week vacation nila sa resort ng mommy niya. Nasa Manila kasi yung resort kaya minsan lang silang makapamasyal duon at kapag may special occasion lang, tulad ngayon. Katatapos lang ganapin ng graduation ceremony ng ate niya maging nila Dashiele at ilang araw na lang ay pareho ng aalis ang dalawa. Ang isa ay papuntang ibang bansa habang ang isa naman ay sa Manila. Pagdating sa resort ay agad na naglakad-lakad ako sa may dalampasigan. Napakunot-noo pa siya ng sa paglingon niya ay namataan niyang patakbong lumulusong sa dagat sila Micro, Tiffy, Lexie, at Larx. "Hoy! Anogn ginagawa ninyo dito?" Puno ng pagtatakang tanong niya sa grupo. Bakit hindi kung walang nabanggit ang parents niya na nandito din pala sa resort ang mga ito. "Nag rerelax." Maarteng sagot ni Lexie habang hawak-hawak ang wide brim hat nito na pilit tinatangay ng hangin. "Kelan pa kayo dumating dito?" "Just a while ago. Nauna lang kami ng mga three hours sa inyo." Tiffy said while grinning and staring maliciously to Larx. Napataas na lang ang kilay niya sa asal ng dalaga. "Sinong mga kasama ninyo?" "Our parents, at nandito din ang whole barkadahan ng mga tatay natin." Larx answered on my question. "R-really?" "Makiki celebrate kami sa pagtatapos nila ate Grapes at Dashiele." Napangiti siya sa narinig. So, hindi naman pala niya ikababagot ang isang linggong bakasyon nila lalo na at nandidito din ang mga taong ito. "I heard even your friend is invited to stay here." "Friend?" Puno ng pagtatakang tinapunan niya ng tingin si Micro habang nag fo-floating na sa tubig at hindi na nahintay pa ang mga kasamahan. "Yeah. Kenji, right? Nandito rin kasi yung ibang classmates nila Dashiele. Bakit ba hindi ka updated? Nawawala ka na naman ba sa huwisyo, Apple?" Nakataas na ang kilay ni Lexie sa kaniya. Oo nga? Bakit hindi niya alam ang mga bagay na iyon? Dahil siguro sa malimit lang siyang nakakulong sa kuwarto niya habang nagdadamdam. Nagulat na nga lang siya ng sabihin ng ate niya na pupunta sila sa resort ngayong araw na ito. Akala niya ay gugugulin lang niya ang buog araw na malungkot dahil sa pag alis ng ate niya. I thoughtthis trip is unplanned. But it seems like she is the only one who is not aware in this. Lahat ay preperado maliban sa kaniya. Akala pa nga niya ay magiging mag-isa pa din siya pag dating dito. But I'm really glad that every one is here to enjoy and to celebrate with us. "I-I'm just a little bit busy lately." Pagdadahilan na lang niya s amga kaibigan. "Oohh... Kiyeme, busy daw siya." Tiffy exaggeratedly rolled her eye balls. Imbes na patulan ang kaabnormalan nito ay pumasok na lang ulit siya sa loob ng lobby ng resort para alamin kung sinu-sino ang mga nandidito. Pero hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay may mga kamay ng tumakip sa mata niya na nakapag pahinto sa lakad niya. Hindi pa man niya inaalam kung sino ito ay naaamoy na niya ang panilyar na pabango ng kaibigan. "Guess who?"Tanong ng salarin sa pinalalim na boses. She just smirked . "Kilala na kita kaya tantanan mo na iyang kamay mo sa mata ko Kenji." "Jeez! How did you know that it's me? Madaya ka, ah..." "Magaling ata ako." Excited na hinarap ni Apple ang kaibigan para lang mapantastikuhan sa hitsura nito. Kenji is currently wearing only a Hawaiian short and loafers. Napalunok siya ng makita ang katawan nito na kahit sabihin mong bata pa ay may muscles na at malamang na takaw atensyon na din sa iba. Ang gwapo din nito dahil sa bagong hair cut. "U-uhmmm... Congrats nga pala sa graduation ninyo." Bati na lang niya dito dahil wala siyang mahagilap na sabihin kay Kenji. "Thank you. Thanks din sa pag invite ng parents mo sa akin dito. Ang ganda pala ng resort ng pamilya niyo. Mukhang dayuhin ito at mahal dito. Ang dami kong nakikitang turista at mga dayo." "Yeah. Pinaayos lang din naman nila mom at dad ito kaya naging ganito kaganda. Patok dito lalo na kapag summer." "Tara letts, mag libot-libot naman muna tayo. Excited na kasi akong libutin ito. Dahil kayo naman ang may-ari malamang na alam mo ang pasikot sikot dito. Ang laki kasi pakiramdam ko maliligaw ako kapag ako lang ang mag-isa." "Sure, ako ang bahal sa iyo." Ipinasyal niya sa buong resort si Kenji maghapon. Iba't-ibang water activities din ang ginawa nila pero ang pinaka enjoy ay ng puntahan nila ang medyo matarik na parte sa dulo ng resort. Pulos mga naglalakihang bato ang mamamataan mo duon habang pilit na inihahampas ng alon ang katawan nito sa dalampasigan. "Whoah! Picture tayo dito!" Sabay turo ng binata sa itaas ng batuhan. "Aww... Wala tayong dalang camera, remember?" Puno ng panghihinayang na sagot niya dito. Sayang, ang ganda pa naman ng lugar na ito. "Then let me take a picture on it with you in my memories." He said while smiling and looking at her intently, to the point na mapapantastikuhan ka sa ginagawa nito. "You have nice eyes, don't you know that?" she said while staring back at him. "Really? Kasi sa huling pagkakatanda ko ay nilalait mo yung mata ko nung nakaraan lang." Sabay silang natawa sa sinabi nito. "I'm just kidding last time. Ano nga palang plano mo? Saan ka mag-aaral?" Sabay muna silang dalawa naupo sa buhanginan habang pumupulot naman siya ng mga maliliit na bato sa tabi niya at saka iyon ibinabato sa tubig. "I don't know, I'm still thinking about that. Gusto ng parents ko na sumunod na ako sa kanila, kaso may ayaw akong iwan pa sa bansang ito." "Really? Sino?" He shrugged his shoulder and smile with her. "Yung destiny ko." "Destiny? In love ka ba hindi halata ah." "I think so. Alam mo bang pareho kami sa ilang bagay? At willing pa sana akong alamin ang maraming bagay tungkol sa kanya kung hindi ko lang talaga kailangang mag-aral at umalis sa lugar na ito." "Pag pareho kayo sa ilang bagay, destiny na kayo kaagad?" Naisip tuloy ni Apple na ni katiting ay parang wala man lang sila pagkakapareho ni Dashiele. So, hindi sila destiny, ganun? "Baka naman coincidence lang iyon." Pagtutol pa niya. Maging ang puso niya ay tila ayaw pumayag sa tinuran nito. "Wala nga kasing coincidence, ang kulit ng bata. Destiny at faith lang ang meron tayo sa mundong ito." Napalingon siya kay Kenji at pinaka titigan ito. "How can you be so sure about that?" "I don't know, siguro dahil gusto ko magkaroon ng kahulugan ang lahat ng bagay. O dahil sa naniniwala ako na nakasulat na sa librong ginagawa ng Diyos ang mangyayari sa pang-araw-araw na buhay ko." "Sana nga." She sighed with that thought. "So, what happen na sa destiny na sinasabi mo?" "Ayon, hanggang friendship pa din ako." He said in low voice. "Alam mo, kung totoo iyang sinasabi mo. walang mali kung gagawa ka ng paraan para hindi lang kayo ma-stuck sa pagiging friendship. Make a move, Kenji. Walang babae ang hindi mahuhulog sa iyo." Sinamahan pa niya ng matamis na ngiti ang sinabi sa binata. She want to lift his spirit. Tumango tango pa siya at saka pinanuod ang pag-alon ng tubig sa paanan niya. "T-talaga? Kahit ikaw?" Duon siya biglang napahinto at napaking ang tingin sa binata. Natigilan muna siya at saka napaisip. "Siguro, kung hindi ko pa sana nakikilala ang destiny ko din." Hindi niya alam kung bakit ngunit tila may lungkot na nagdaan sa mga mata nito pero hindi siya sigurado kung totoo ang nakita niya sapagkat dagli ding napuno ulit ng excitement iyon. "Naku, mag swimming na lang ulit tayo. Hayaan na muna natin iyang destiny-destiny na iyan." Bigla siyang hinatak ni Kenji patayo at saka siya nito binuhat na parang sa sako ng bigas. Nagpapasag siya sa likuran nito habang tawa ng tawa. Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang paghagis nito sa kanya sa dagat. Pagkalubog niya sa ilalim ay agad siyang sumisid at lumangoy palayo sa binata na kasalukuyan ding lumalangoy habang hinahabol siya. Sobrang linaw ng tubig sa beach na ito. Kitang-kita mo na din ang buhangin sa ilalim ng tubig at mga maliliit na corral reef na pinupugaran ng mga isda. Natutuwang binaybay at sinundan pa niya ang marahang paglangoy ng isang kulay orange na isda na kahawig ni nemo sa palabas na finding nemo. Nang mawala na ito sa paningin niya ay saka lang siya umahon para hanapin si Kenji na sa pagkakaalam niya ay sinusundan lang siya kani-kanina. "Kenji! Yohoo!" Kahit saang dako siya tumingin ay wala siyang makitang bakas na nagsasabi kung nasaan ang binata. Sinulyapan niya ang baybayin nyunit wala ni anino nito sa lugar na inupuan nila kanina. Medyo kinabahan na siya dahil ilang Segundo na ang nakalipas ay wala pa rin ito. "Kenji!" Marahan siyang lumalangoy habang tinatawag ang pangalan nito. Isang pares ng kamay ang bigla na lang humila sa paanan ni Apple na naging sanhi para ikalubog niya sa tubig. At duon ay nakita niya ang hinahanap habang hawak-hawak siya sa bewang. Pinilit niyang makawala dito dahil medyo nauubusan na siya ng oxygen. Nang lubayan na siya nito ay umahon siya at lumanhoy na papunta sa buhanginan. Nang makaahon sa pangpang ay sumunod na din ito sa kanya. "I hate you! Pinakaba mo ako. Akala ko nalunod ka na!" Bulyaw niya kay Kenji na ngiting ngiti lang s akaniya na tila ba wala itong ginawang kasalanan. "Sorry my dear but I'm a good swimmer. Hindi ako malulunod dito." "Saan ka bang dako napunta at ang tagal mong nawala?'' "Secret. Tara na nga sa hotel at medyo papalubog na din ang araw. Baka hinahanap ka na ng parents mo." "Sure, pero karera tayo hanggang sa lobby. Ang mahuli panget!" "Hoy! Ang daya mo! Apple!" Hindi na niya pinansin ito at patuloy lang sa pag takbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD