Chapter ten

1548 Words
Chapter ten Apple's  "SAAN KAYO nagpunta ni Kenji?" tanong ni Grapes sa kapatid na kasalukuyang nag-aayos ng buhok. Katatapos lang nitong maligo. "Sa buong resort. In fairness, ang saya niya kasama, ate. He is nice and funny. No dull moments with him." Napangiti na lang si Grapes sa kapatid na halata ang kasiyahan. Medyo mamula-mula na din ang balat niya dahil sa maghapong paglalaro sa ilalim malamang ng araw at talagang bumagay dito ang kulay nito ngayon. "Baka naman may magka developan, huh?" Natawa itong lalo ng sumimangot siya "What? I'm just kidding okay?" Grapes said defensively. "We're just friends, ate." And that is true. I can only see hin as a friend and nothing more. "I know. And I know why." "Tabi tayo sa pagtulog, huh?" Nakangiti kong paalala sa kapatid habang hinahayon ang tingin sa harapan ng salamin. Napansin niyang mamuoa mula ang balat niya at tumitingkad ang iilang freckles sa mukha niya lalo na sa bridge ng ilong. "Sure. Pero, maglaro daw muna tayo sa kuwarto ng kambal. Mukhang may kalokohan nanaman silang ginagawa ngyon." Patukoy nito kay Larx at Lexie. Napataas na lang ang kilay nito sa narinig at saka ngumisi. "Mukhang magugustuhan ko itong gabing ito." "Ikaw talaga." "What?" Pa cute na niyapos niya ang kapatid na si Grapes. "Wala naman." "Mukhang mag-eenjoy tayo dito talaga, ate..." Ako ang huling dumating sa kuwarto ng kambal dahil nag-ayos pa siya ng gamit niya sa kuwarto nila ng ate niya. Samantalang si Grapes naman ay nauna na dahil sinundo ito ng mga kaklase nitong babae. "Ang aga mo para bukas, ahh?" pang-aasar ni Tiffy sa kanya ng tabihan niya ito. "Ang corny mo. Ang dami ko pa kasing kinailangang ayusin. Parang basurahan yung kuwarto namin dahil sa kalat ko. Kapag nasilip ng mommy yun ay mapapalo ako kahit malaki na ako." "Nakakatakot si tita Phannie." Natawa siya sa kumento ni Tiffy. Tinapunan din muna niya ng tingin ang mga tao sa buong kuwarto. Nakaupo ng pabilog ang lahat including ate Grapes' classmates. Nanduon din si Kenji na todo ngisi sa kanya. Nginitian na lang niya ito bilang acknowledgement. Sunod namang hinanap ng mga mata niya ang lalaking kanina pa niya gustong makita. Nang makita ang hinahanap ay napa buntong hininga siya dahil kasalukuyang katabi ni Dashiele ang ate niya at sa kabilang parte naman ay mga kaklaseng lalaki nito. "Selos ka?" bulong ni Tiffy sa kanya ng mapansin siguro kung saan siya nakatingin. She is munching some chips and it irritates her. "No." Dumakot ako sa kinakain nito at paunting isinusubo ang chips. " Pa kiyeme ka naman diyan. Obvious ka masyado, Apple." "Just shut up, Tiffy. Si Larx na lang ang guluhin mo at huwag ako. Para naman mapansin ka na niya at magka pag-asa ka dun." "Aww... I don't like. Ayokong dumikit sa biwisit na iyon na kasalukuyang lumalandi sa classmate ng ate mo." Tiningnan niya ang sinasabi nito. At totoo nga, dahil katabi ni Larx ang classmate ng ate niya. Napailing na lang siya kapagkuwan. "Selos ka din?" Balik pang-aasar niya sa kaibigan. "As if! Hindi siya papayulan ng mga iyan. He's just a boy for them. Too young for their taste. But f**k, he's too handsome to resist." Watch your words young lady." Panggagaya pa niya sa karaniwan ng sinasabi ng Daddy nito na si Uncle Hayden. "Yes, dad." Napa bunghalit na lang sila ng tawa kapagkuwan. Natigil lang sila ng tumayo na si Lexie at pumuwesto sa gitna ng bilog na napapalibutan ng mga alak at junk foods. Kada isang baso din ay may mga iba't-ibang kulay ng alak na mukhang hindi niya gugustuhing tikman man lang. "Okay guys, listen carefully! Nakikita niyo ba itong hawak ko na cup? May lamang mga Popsicle stick ito at bawa't isa ay may naka indicate na number. Pero, pero, pero, sa mga posicle sticks na ito ay may isang nakasulat na 'KING' at kung sino man ang makakuha ng king ay magsasabi ng two numbers. At ang malas na matatawag ay kailangang sundin ang ipapagawa ng king." Sabay-sabay na nag-angalan ang lahat. "QUIET! Pero kung ayaw niyo namang sumunod sa utos ay nakikita niyo ba ang mga cups na ito? Kailangan niyong inumin ang laman nito. Understand?" Isa-isang pinabunot ni Lexie ang lahat paikot at ng siya na ang bubunot ay medyo kinabahan pa siya. Grabe nama kasi yung twist ng larong ito. "Dalian mong bumunot, Apple."  Tila naiinip nang bulong ni Lexie sa kaniya. "Heto na nga, eh. Ang excited mo naman masyado." Pikit matang kumuha siya ng isa sa mga popsicle sticks na iyon at saka dahan-dahang tiningnan ang nabunot. Anong number mo?" bulong ni Tiffy habang pilit na sinisilip ang kapit niyang popsicle stick. "Eh, ikaw muna?" "Two." "Twelve, eh." "Nice, medyo safe iyang number mo. Hindi kagaya ng akin. Naku naman kapag sinisuwerte ka talaga." "Who knows?" "Only the King knows." Bulong niya. Nang makabunot na ang lahat ay pinataas ni Lexie ng kamay kung sino ang nakabunot ng King. Tuwang-tuwa namang ipinakita sa lahat ni Micro na ito ang nagwagi. Hmmm... Dahil ako ang king ay gusto kong mag kiss si number ten at five!" "Who is number ten and five?" tanong ni Lexie sa lahat. Inis namang tumayo mula sa pagkakaupo nito si Larx at isang lalaki din na mukhang kaklase ni Dashiele. Nagtawanan ng malakas ang lahat at umugong ang sulsulan at pang-aasar sa dalawa. Some even cheered 'kiss'. Pero dahil ayaw naman gawin ng dalawa ang gusto ni Micro ay ipinainom na lang nito dito ang kulay pulang likido na nasa cup. "s**t! Ano ito, lason?" tanong ni Larx sa kapatid na si Lexie. Sobrang sama ng mukha at tingin nito sa kakambal." "No, that's not a poison but it can kill you in no time." "In fairness, you're such a good mixer, Lexie. I like it." Puri naman ni number ten dito. "Thanks." Ilang oras pa silang naglaro ng naglaro ng ganuon. Meron pa ngang pinakanta, pina sayaw, pina tula, pinag kiss, at kung anu-ano pa. Karamihan sa mga nasa bilog ay medyo tipsy na dahil mas marami ang hindi gumagawa ng quest. Pero in fairness naman dahil parang siya na lang ang hindi pa natatawag. Maging si Tiffy, Ate Grapes, Dashiele , at Kenji kasi ay mga natawag na at medyo tipsy na din kasi paulit-ulit lang nilang iniinom yung alak na hindi niya malaman kung saan nagmumula at hindi maubos-ubos ang stock ni Lexie. "Okay guys, I'm the king!" medyo inaantok na itinaas ni Tiffy yung stick niya at saka siya nginisihan. Tila pinagpawisan ng malamig ang likod ni Apple ng marealize na alam ni Tiffy ang number niya pero di naman kasi niya ineexpect na ito pala ang magiging king. "T-tiffy... " "I chose number Three and-" Parang pinag sakluban ng langit at lupa si Apple ng marinig ang number niya. Siraulo talaga itong babaeng ito. "Eight... and I want you to kiss infront of us!" Nanlalaki ang mga mata na tinitigan niya ang babae. Nahihibang na ba ito?! "So, who is the number eight?" "Me!" Tila tinatamad na tumayo mula sa pagkakaupo si Dashiele at saka pumuwesto sa gitna. Wala naman siyang nagawa kundi ang tumayo na lang din dahil ipinag sigawan na ng baliw na si Tiffy na siya si number three. "W-we won't do it, right?" Dadamputin na sana niya yung kulay pink na cup na may blue na lamang likido ngunit pinigilan siya ni Dashiele . I'm already a little bit drunk at ayoko ng malasing pa. So, let's just do it." Gusto ng lumuwa ng puso ni Apple sa sobrang kaba dahil sa narinig. Tila din hindi na niya maikurap ang mga mata niya ng maramdaman ang kamay ni Dashiele sa batok niya at ang isa ay sa pisngi naman niya. Bukod sa lakas ng t***k ng puso niya ay naririnig din niya ang pag tsi-cheer ng grupo sa kanila habang sumisigaw ng 'KISS-KISS-KISS'. "A-are you s-sure?" "Yeah." He said while moving closer his face into hers. Napapikit na lang siya ng mariin habang hinihintay ang paglapat ng labi nito sa kanya ng biglang matahimik ang lahat at may marinig siyang nagsalita. "Ako na ang iinom ng alak para sa inyo." Kunot-noong tiningnan ni Apple ang nagsalita para lang magulat ng tunggain ni Kenji ang dalawang baso ng alak sa harapan ng lahat. Tila disappointed namang nag angapan ang ibang nanunuod at naghihintay sa gagawin nila ni Dashiele. "K-Kenji?" Gulat niyang usal sa kaibigan na may masmaang tingin kay Dash. What is going on? "WHOOOH ANG KJ MO KENJI!!" naririnig pa niyang hiyawan ng ilan. "Bitiwan mo na si Apple, pare." Inis na sita ni Kenji kay Dash nang makitang nakalapat padin sa pisngi at bewang niya ang kamay nito. Tinitigan muna ni Dashiele si Kenji bago nagsalita. "Who told you to drink that?" "Wala namang rules na nagbabawal na sumalo para sa iba." "What if I say no?" Nalilitong pinalipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. Baka mag-away pa ang mga ito! "Nainom ko na, kaya bitiwan mo na siya." Imbes na sundin ang gusto ni Kenji ay ipinaling lang ni Dashiele ang ulo nito at saka sinakop ang labi niya. Parang naumid ang dila niya sa nangyari. Parang gaya nuon ay huminto na naman ang mundo niya sa ginawa nito. "GO DASH!!" sigawan ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD