Chapter eleven

1494 Words
Chapter eleven Apple's  "HI." Untag ni Kenji ng makalapit ito sa kinauupuan niya. She's currently sitting  alone outside, in the sand and under of million stars above. "Oh? Anong ginagawa mo dito?" "Wala, nakita kasi kitang lumabas kanina kaya sinundan na kita. Alam mo na, medyo gabi na kaya delikado para sa isang magandang dilag na gaya mo ang umupo sa tabing dagat ng mag-isa." "Grabe ka, maganda talaga?" Naka tawang sagot niya dito. "Oo naman, bakit? Hindi mo alam?" "H-huh?" "Maganda ka, Apple. And everybody around us knows about that." "Thanks." She said in full of sincerity. Tho she's much more used to hear that Her sister is much more beautiful. Not that she cares, but it's refreshing to gear compliments like this. "Apple, can I ask you a question?" "Sure." Sabay kibit balikat. "Do you really like him?" Napatingin si Apple kay Kenji dahil sa narinig. Ang inaasahan niyang pangasar na expression nito dahil ang akala niya ay tutuksuhin siya nito tungkol sa ginawa ni Dashiele na paghalik at sa pag wo-walk out niya after nun. But she was wrong. Dahil seryosong nakatingin sa kanya ang kaibigan. "H-huh? Anong ibig mong sabihin?" "Si Dashiele .Gusto mo ba siya?" "A-ano bang klaseng tanong iyan?" Ipinaling niya sa dagat ang paningin at pilit na pinatahan ang puso niyang tila dumoble sa bilis ang t***k. Narinig pa niya ang pag buntong hininga ni Kenji bago ito nagpatuloy sa nais sabihin. "I don't think na bagay para sa isang babaeng kagaya mo si Dashiele ." Biglang nasaktan ang puso niya sa narinig. "W-what did you mean?" She asked in a stern voice. "Don't get me wrong, Apple. I know that you like him, but you don't deserve a man like him. Hindi sa tingin ko ang tipo ni Dashiele ang mag seseryoso sa babae. And I think that he really like your sister. Itinatago niya lang." Duon lalong sumama ang pakiramdam niya. "Anong gusto mong palabasin? Na kahit sa lalaking pipiliin ay si ate pa rin ba dapat ang nakalalamang? And take note, she doesn't have any slightest feelings for him. Iba ang mahal ni ate." "Eh, si Dashiele ? sinong mahal niya?" "Stop it!" Ani niya sa mababa ngunit madiing tono. Biglang namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Pero kalaunan ay bumigay din siya. Dahil tao lang siya, marunogn din masaktan. "S-so what if he can't return my feelings for him? And so what if he didn't see me as a woman? S-so what, i-if he loves my sister? And so what if I'm in love with him?" "Apple, look at me." Marahang hinawakan ni Kenji ang pisngi niya at saka pinunasan ang luha niya gamit ang thumb nito. "I know what you feel right now, and I don't have any intention to hurt you. I just wanted you to open your eyes. Maraming lalaki ang gugustuhin ka. Pero huwag mo naman sanang ipilit sa isang lalaking ni hindi kayang suklian ang nararamdaman mo iyang puso mo. maraming lalaki, Apple. Marami." "Gaya mo?" Sagot ng baritonong boses na nagmumula sa likod nila ni Kenji. Parang huminto ang pag inog ng mundo niya ng makilala ang nag salita. Si Dashiele . Hindi niya makita ang expression nito dahil medyo madilim na. but one thing is for sure, he is mad. She can feel it. Hindi niya napansin ang paglapit nito sa puwesto namin ni Kenji and I am wondering if he heard what she said. Pero paano kung narinig nga niya? Bigla akong nalito at kinabahan. Marahang tumayo mula sa pagkakaupo si Kenji at hinarap si Dash. They are just the same age and with the same built. I don't think Kenji will back out on him. "Eh, kung sabihin kong, oo?" May angas na sagot nito kay Dash. But her eyes widened in shock when she heard his friend's answer. Gusto niyang magtanong, pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. "Really?!" Galit na sagot ni Dash kay Kenji na tila hindi makapaniwala sa sinagot ng kaibigan niya. Napatili si Apple ng bigla na lang sugudin ni Dashiele si Kenji at saka hatakin ang kuwelyo nito. Isang sapak din ang pinadapo nito sa pisngi ni Kenji na naging dahilan para mawalan ng balanse ang kaibigan niya at sumadsad sa buhanginan. "Kenji! Oh my god! Dashiele , what the hell are you doing?" Iniharang niya ang katawan sa pagitan ng dalawa para hindi na magkasakitan ang mga ito. "He keeps on saying lies in front of you para lang bumango siya. Loko pala ito, eh! Ang lakas manira, yun pala may hidden agenda din! I didn't know that you like this kind of games, Kenji." "What?! He didn't do that on purpose. At wala ring kasinungalingan sa sinabi niya!" Lakas loob na sagot niya dito. Kahit sobrang sakit, sobra! "Alin ba dun ang totoo, Apple?" Yila naman nanghahamon na tanong sa kaniya ni Dash. Ang mga mata nito ay kuryoso at puno ng galit na hinihintay ang magiging sagot niya na tila ba kapag nagkamali siya ay lalo lamang itog sasabog sa galit. "T-that, t-hat you're head over heels in love with ate Grapes, right? Totoo naman hindi ba?" Muling bumalong ang luha sa pisngi niya dahil sa sinabi. Ang sakit-sakit magmahal ng isang taong iba naman ang minamahal. "W-what?" "Back off, pare. Huwag mo na sana pang palalain ang mga pangyayari." Inakbayan siya ni Kenji kapag kuwan. And she was glad that he had him in times like this. Tila mas lalo lang dumilim ang ekspresyon ni Dashiele dahil sa ginawa ni Kenji. "Eh, kung ikaw kaya ang lumayo, Suzura? Ayokong nakikita na nasa balikat ni Apple ni isang daliri mo, lintik ka!" Susugurin na naman sana nito si Kenji kung hindi lang naiharang niya ang katawan dito. Niyakap niya si Dashile so she can stop him from hurting Kenji. "Please, tama na!" "Naniniwala ka ba sa gagong ito?!" "O-oo." "My god, Apple! I don't love your sister. She's just my best friend, that's all! At alam ng lahat iyon." "H-huwag ka ng magkaila pa. h-hindi naman ako galit." "Anong ikakaila ko? Ano bang dapat kong itago? Na ikaw yung mahal ko? Yes, you heard me right! I'm in love with you too. Im f*****g in love with you but I don't have the guts to confess because we're still young!" Napatanga siya sa narinig. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi rin niya alam ang sasabihin. Hindi din niya alam kung bakit pero nadudurog ang puso niya. Nagpatuloy sa pagbalong ang luha niya, dahil sa sakit na nararamdaman niya. "Y-you don't have to say that to sugar coat your lies. Alam ko ang totoo. And I didn't expect na magagawa mo akong lokohin para lang pagtakpan ang kalokohan mo. This is already too much, Dashiele ." "Damn! Alin ang sobra? Mali bang magtapat ako sa iyo? Mali ba iyon? Bakit, dahil ba sa tarantadong ito? Tell me!" Dinuro pa nito si Kenji na tahimik pang ding nakikiramdam. Dahil malamang na babanatan na naman ito ni Dash kapag nagsalita pa. "I don't want to hear anything from you again, Dashiele . And I so f*****g hate you for doing this to me!" Aalis na sana siya para dumiretso sa kuwarto niya ng hatakin ni Dashiele ang kamay niya at saka siya ikinulong sa bisig nito. Her eyes widened in disbelief. "Why is it so hard for you to believe me? Then, just try to listen to my heartbeat. Para malaman mo na ikaw lang ang itinitibok niyan." Puno ng pagmamakaawa na sambit nito. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Walang pumapasok sa utak niya kundi ang katotohanan na nasa loob lang siya ng bisig ng lalaking pinakamamahal niya at pinakikinggan ang malakas na pagtibok ng puso nito. Habang nasa isang sulok si Kenji nakatingin sa kanila at tila handa ding makipag agawan kay Dashile. "W-why are you doing this to me?" nahihirapang tanong niya dito. "Because I won't let anyone take you away from me. I love you, Apple. At alam ng ate mo iyon or rather alam ng lahat. I bet even our own parents know this. Hindi siya ang sinasadya ko sa araw-araw na pagpunta ko sa bahay ninyo kundi ikaw. Hindi rin siya ang dahilan kung bakit natutong magmahal ang puso ko kundi ikaw. Hindi rin siya ang babaeng matagal ko ng mahal kundi ikaw. Ikaw lang. At bakit ba hindi mo makita iyon?" "W-what?" Napa nganga siya sa sinasabi nito. Wala siyang maapuhap na maaaring sabihin. Tila nag uumapaw ang pakiramdam sa puso niya ngunit lahat iyon iisa lang ang nararamdaman. Happiness... She is beyond so happy for hearing all of this. Dashiele's confession is out of the plan but this is the best thing she heard in her entire existence. He hugged me more tightly and caressed my hair to stop me from crying. God, who would've thought that he could be this sweet? She's dying in so much happiness! "Remember the first time we met?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD