Chapter twelve

1293 Words
Chapter twelve Dashiele's 8 YEARS AGO... "I'M SURE na magugustuhan mo ang bago nating bahay. Marami ka ding magiging kaibigan dun." His father said while driving. "I don't think so, dad." He sighed in frustration. Who wouldve thought that he will be needing to move at this age? His life is already perfect back at US but something came up. His parents decided to fly back here in the Philippines and stay here for good. Ngayon pa lang ay sumasama na ang loob niya sa nangyayari. Bakit hindi kung malalayo na siya sa mga naging kaibigan niya duon? Nasa ibang bansa pati ang comfort zone niya. Hindi dito sa maliit na probinsiya. His dad sighed and touched his head. "Dash, napag usapan na natin ito, hindi ba?" "Why do we have to move in this country for good? How bout mom? Why is she still in Manhattan?" He still couldn't take it. It's so hard to absorb everything. Why life have to be so unfair? "Maraming business ang nakaatang sa balikat ng mommy mo, Dash. Hindi niya pwedeng basta-bastang iwan na lang iyon." Lalo lamang siyangnairita sa eksplinasiyon ng ama. "What about us? She cannot leave the company but she can do that with us?" "Stop saying that, son. Don't worry uuwi rin dito si Graciella. But for the mean time, tayo muna dito sa Pilipinas. You'll love it here. Just give it a try. Makakasanayan mo din ang buhay dito, anak." Natahimik na lang siya ng mapansin ang front gate ng subdivision na nilikuan ng ama. And as usual pulos naglalakihang kabahayan ang nadaanan nila. Maingat niyang isinara ang librong hawak pa din na binabasa niya kanina bago sila mag-usap. At saka siya nag focus sa dinaraanan.  Na baling sa mapunong parte ng subdivision ang mga mata niya. It's a huge park at mukang masarap magpa hinga duon. Bigla niyang naalala ang mga parke sa ibang bansa. Tila ganuon ang lugar na ito. He was tempted to go out and visit it. "There's a park." Untag niya sa ama. "Gusto mong pasyalan muna iyan?" Yeah, sure if I can do that now. Just pick me up later once you are done with everything, dad. I need to relax for the mean time." "Sure. Mag-ingat ka." Pagkababa niya sa sasakyan ng ama ay dumiretso na siya sa loob ng park. Namataan niya ang isang puno duon na maaaring upuan nino man ang ugat. Nagmamadali siyang pumwesto at saka ipinag patuloy ang pagbabasa sa naturang puno. Gusto niyang matuwa dahil hindi naman ganuon kasama ang lugar na ito. He's glad that there is a place where he can rest and visit whenever he missed Manhattan. "Apple! Where are you?" Nalipat ang atensyon niya sa boses na iyon ng isang babae na may ibang pangalang isinisigaw habang palinga-linga sa paligid. Pagtingin niya sa gawing entrance ng park ay isang cute na kaedaran niya ang namataan niyang nakapamewang habang tila may pilit na hinahanap. "Apple! I know you're just hiding from me! Magagalit si Mommy kapag siya pa ang sumundo sa iyo dito!" Dahil sa curiousity ay nakihanap din ang mata niya para makita kung sino ba ang tinutukoy nito. At duon nga niya napansin ang isang batang babae na nakatalikod sa gawi niya habang pilit na itinatago ang sarili. Ibinalik niyang muli ang pansin sa naghahanap.  Tinitigan niya ng maigi ang babae na para bang ngayon lang siya nakakita ng ganito kaganda samantalang usual na sa ibang bansa ang ganitong hitsura. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang may kung anong magneto ang humahatak sa kanya para pakatitigan ito. Nang mapatingin sa gawi niya ito ay isang kiming ngiti ang gumuhit sa labi nito na tila mas apologetic ang tingin dahil siguro sa ginawang pag-ingay. Tinanguan lang niya ito bilang acknowledgement. Mayapos niyan ay tumalikod na ito at nag bike na papasok sa subdivision. Nang makalayo na nga ito sakay ng violet na bike ay napasandal siya sa katawan ng puno. He sighed dreamily. Pero ang paghanga na dagling sumibol sa dibdib niya para sa batang naghahanap kanina ay tila lobo na agad ding pumutok ng mamataan naman niya ang dahilan ng paghahanap nito. He was dumbfounded when he saw how beautiful this little girl is. Humarap ang bata sa gawi niya ngunit tila hindi naman siya nito napapansin. She is a lil bit busy minding her own world. Marahang tinatangay ng hangin ang may pagka kulot na buhok nito na natural na nagiging kulay brown kapag natatapat sa sinag ng araw. Ang mga mata nito ay tila sa isang laruang manyika na pinagkakaguluhan sa Paris dahil sa taglay na kagandahan. Ang labi at pisngi naman niya ay natural na pink dahil sa kaputian. Para siyang na batobalani sa nakikita ngayon. "W-what the hell..." Mariin niyang ipinikit ang mga mata at saka ipinaalala sa sarili na mukang limang taon nga lang ang batang ito. Sa kaisipang iyon ay biglang dumagundong sa lakas ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam ang gagawin kaya hinayaan na lang niya ulit ang sariling pagmasdan ang batang iyon. Nang mapansin naman niya na paalis na ito ay tila nag panic ang buong sistema niya kaya ng may bato siyang mamataan ay agad niyang ibinato iyon sa nilalaro nitong buhangin na hindi naman niya maintindihan kung anong form lalo na at may flag pa sa taas. Pagtama ng bato sa buhangin ay agad na gumuho iyon. Pero ang hindi niya inaasahan ay ng sugudin siya ng batang manyika na galit na galit. Hinugot nito mula sa kamay niya ang makapal na libro na kanina pa niya binabasa saka itinapon sa kung saan. Gulat na napatingin siya sa lugar kung saan nag landing ang libro niya. "W-why did you do that?" He said with amusement. She's really freaking cute! "Quits na tayo! At dahil iyan sa pagsira mo sa pinaghirapan kong castle." Castle pala iyon akala niya kung ano lamang na shape. Natatawa niyang bulong sa sarili. Hinarap na niya ang bata at saka pinakatitigan. Well, mas maganda siya sa malapitan at parang tila dumoble pa nga ang t***k ng puso niya dahil nasa harapan na niya ito ngayon. Ngunit sa halip na mailang ay nginitian na lang niya ang bata ng matamis. "A-are you an angel?" Wala sa loob na bulalas ng batang babae na ikinamula ng mukha nito. Malamang na nagulat ito dahil sa ginawa niyang pag ngiti. "Crush mo na ba ako kaagad kaya ganyan ang reaksiyon mo sa akin? Well, you should not. And by the way, sorry for ruining your castle." Iyon lang ang sinabi niya at saka tila tinatamad na umalis na para puntahan sa entrance ng gate ang kotse ng ama na kanina pa naka park duon at tila hindi naman siya iniwan para tapusin ang mga dapat na gawin. Pagkasakay niya sa kotse ay taka niyang nilingon ang ama. "You didn't left don't you?" "How's the park? Did you like it?" Agad na tanong ni Recka sa anak. Hindi man lang nita sinagot ang tanong niya. "Sort of. Tumawag na ba si Mommy?" Ang kakaibang pakiramdam na naramdaman niya kanina ay agad na naglaho ng maalala ang ina na naiwan sa ibang bansa. "Yeah. She keeps on asking about you. Just call her up later if you want." "Fine." Hindi niya alam kung anong mararamdaman lalo na at ito ang unang pagkakataon na nawalay siya sa ina. Hindi niya gustong magtanim ng galit sa lolo at lola niya pero iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Bakit ba kasi kahit wala na ang mga ito ay naigagapos pa din nila ang ina sa negosyo nito? Maraming bagay ang hindi maiwan ng ina sa ibang bansa at kahit anong pilit niya ay hindi niya maiwasang hindi malungkot at ma-miss ito ng sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD