Chapter thirteen
Apple's
HINDI niya malaman ang sasabihin o mararamdaman. Pakiramdam niya ay tila siya naka lutang sa ulap at nanaginip. She was torn in believing Dashiele's story or not. Pero taksil ang puso niya at pilit na pinaniniwalaan ito. Napailing na lang siya at saka niyakap ang lalaking matagal ng minamahal. Agad naman siyang sinalo din ng mahigpit na yakap nito.
It feels like home. Ganito pala ang pakiramdam ng tila isang taong matagal ng nawala sa kanlungan niya at ngayon ay nagbabalik na. Hinayaan lang ni Apple na umagos ang luhang kanina pa niya tinitimpi. Akala niya ay hindi na darating sa kanya ang araw na ito. Akala lang pala niya...
"Hindi porket ikaw ang pinili ni Apple ngayon ay panalo ka na, Dashiele . Dahil sa oras na saktan mo siya ay ako ang unang makakalaban mo. Alagaan mo sana siya." Iyon lang at umalis na din sa Kenji pabalik ng resort.
"Finally, he's gone now." She heard him uttering that.
"What are we now?" hindi napigilang hindi maitanong ni Apple. Naguguluhan siya sa estado ng relasyon nila at maraming bagay ang dapat na isaalang-alang.
"Of course, you're officially my girl now. At ganun din ako sa iyo."
Marahan niyang itinulak si Dashiele at saka pinasadahan ng tingin ang mukha nito. "Can we keep it as secret?"
"What? Of course not! I've been waiting this day since immemorial and now you will just ask me to keep it as a secret?"
"B-but, Dashiele . I'm still young, and you're going to Manila to study. Ayokong malaman muna ni Daddy ang tungkol sa atin coz' he will surely get mad."
"So what? Malinis ang intension ko sa iyo at alam iyan ng ate mo at ng lahat ng nakapaligid sa ating dalawa."
"Don't be so stupid! Long distance relationship is not easy. At sa paanong paraan ko maipipilit na mag-aral din sa Manila kung malalaman ng parents ko na may relasyon tayo? They will keep us apart."
Marahas na napabuntong-hininga ang binata at saka nakapamulsa na humarap sa madilim na karagatan. Agad niyang pinadausdos ang braso sa katawan ng binata mula sa likuran at saka isinandal ang pisngi duon.
"Just wait me there. Two more years is not that long. Specially now that we already understand each other. Thank you for confessing to me on time. I thought you're just going to leave without saying anything to me."
Marahang tinanggal ni Dashile ang pagkakayakap ng braso niya dito at saka siya hinarap para yakapin din ulit. "Okay, if that's what you want. Mag hihintay ako, basta para sa iyo. And this cofession is not planned. Remember that my plan is to wait more? You're right, we're still you g. But I love you, and your love is already enough assurance that this will work if we keep this as a secret."
Napapikit siya ng mariin dahil sa nag-uumapaw na kilig sa dibdib at kaligayahan. "Thank you."
She intently stare at her man's eyes as his face slowly drawing near to hers. Ang halik na noon pa nag papagulo sa sistema niya ay nararamdaman niyang muli ngayon. But this time it's different. The kiss was breath taking and long. Sapat para maramdaman niya na tila tinatangay siya sa cloud nine.
"I love you, my Apple." He said in the middle of his kiss.
"I love you too, Dashiele ."
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw at wala namang naka pansin ng lihim na pagkakaunawaan nilang dalawa ni Dashiele maliban kay Kenji na medyo naging aloof ng una pero kalaunan ay bumalik din ito sa pagiging kaibigan niya na palaging nariyan lang para sa kaniya.
Ito ang araw kung kailan ay pareho ng aalis ang ate niya at si Dash. Hindi pinayagan ni Grapes na may maghatid dito na sa kahit sino man sa pamilya nila sa airport dahil mas lalo lang daw itong malulungkot sa pag-alis. Pero hinayaan nitong makasabay papunta ng Manila si Dashiele dahil duon din naman ang tungo nito.
Parang nilalapirot ang puso niya ng pareho mg mawala sa paningin niya ang dalawa sa pinaka importanteng tao sa buhay niya. Wala siyang ibang inisip maghapon ng araw na iyon kundi kung kamusta na kaya sila? Nakasakay na kaya sa eroplano si Grapes? Nasa condo na kaya nito si Dash? Para siyang mababaliw sa kaiisip at s atuwina ay naiiyak siya sa sobrang lungkot.
Hindi siya sanay na wala ang dalawa buong buhay niya lalo na ang ate niya. Hindi ko talaga maisip kung bakit nakaya nitong iwan sipa para lang mag-aral abroad.
"Hoy!"
Napalingon siya sa pagtawag na iyon sa kanya ni Tiffy na kasalukuyang kunakaway sa labas ng gate nil. Agad naman niyang pinagbuksan ng gate ang kaibigan at pinapasok ito. "What?"
"Tara sa pool ninyo. Feel ko mag swimming ngayon." Dire-diretso itong pumunta sa back garden kung nasaan ang swimming pool nila.
Napapailing na lang na sinundan niya si Tiffy na agad na naghubad ng kasuotan. Mukang pinaghandaan nito ang pagligo dahil may suot na itong bathing suit sa ilalim ng kamiseta. "Come on, Apple. Let's swim."
Sinundan na lang niya ito at saka naghubad rin ng pantaas. Tanging naiwan lang ang shorts niya at panloob. Nag dive siya sa tabi ni Tiffy at ng makaahon ay ang naka kunot noong mukha nito ang nasilayan niya. Pareho silang nasa gilid lang ng pool at pinapanuod ang isa't-isa.
"What's wrong with you? Muka kang pinag sakluban ng langit at lupa. Hindi bagay sa ganda mo iyan."
Nilangoy muna niya ang pagitan nila ng kaibigan bago ito sinagot. "Wala naman. Bakit parang ang bilis naman lumipas ng araw? Hindi ko napansin kailangan na palang umalis ng mga taong mahalaga sa akin."
"Ayaw mo nun? Para kaunting oras na lang at magkakasama na ulit kayo ni fafa Dash mo."
"What?!" Natatawang sagot niya dito kahit totoo naman iyon. Sinabuyan niya ng tibig si Toffy na inilagan lang nito.
"Iyang pagsinta mo sa taong iyon burong-buro na. Masyado ng maasim iyan my friend kaya pakawalan mo na, por dios!"
Napa buntong hininga na lang siya at saka ag float sa ibabaw ng tubig. "Nami miss ko na sila ni ate."
"Ows? Eh, sino ang mas na mimiss mo? Si ate Grapes o si Dash?"
"Both."
Winisikan siya bigla ni Tiffy ng tubig sa mukha bilang ganti kaya bigla siyang lumubog sa tubig. Pag kaahon ay ang nakangising mukha nito ang nabungaran niya. "What?!!"
"Corny mo, napaka in-denial mo bruha. If I know mas na mimiss mo si Dash dahil hindi mo na masisilayan pa ang gwapo niyang mukha, mapipintog na muscles, mabangong amoy, at ang mapipilantik niyang mga mata."
Agad na sumang-ayon ang puso niya sa tinuran ng kaibigan. "Stalker ka ba niya? Bakit alam mong mabango siya?"
"Duh! Hindi lang ikaw ang nayayakap niya paminsan-minsan, siyempre kami ding mga friends niya! Sakim nito."
"Ano nga palang naisip mo at nakikiligo ka dito sa amin?"
"Maliit kasi masyado yung pool namin kaya dito ako sa inyo muna."
"Are you sure? Baka gusto mo lang may makausap? What's wrong?"
"How did you know that there is something wrong when actually I am perfectly fine? Ang perfect ko kaya masyado."
"Baliw."
"Haaayyy... Oo nga pala. I heard na may darating na mga pinsan si Micro galing sa Manila. Tingin mo may gwapo dun?"
"As if I care."
"Porke't gwapo irog mo."
"Just shut up, Tiffy! Bakit ba ang daldal mo?"
"Ewan din. Pero kasi isipin mo yun, tingin mo magkaka girlfriend na si Dash sa Manila? Maramin magagandang manilenya duon! Dito kasi panay pang babakod ginagawa niya sa sarili niya pati sa inyo ni ate Grapes. Pero duon iba na, college na siya at marami ng girls duon."
Natigilan siya sa narinig. Parang dahan-dahang pinapatay ang puso niya sa mga pinapasok na idea ni Tiffy sa kaisipan niya. "You're right. Pero choice niya iyon. Hindi natin hawak ang buhay niya para pigilan siya sa mga ganuong bagay."
"Taray! May pag pigil na naiisip! Magiging chickboy na si Dash, woohooo!"
Lumubog siya sa tubig at lumangoy. Gusto din niyang lunurin sana sa ilalim ng tubig ang naiisip na baka may iba na itong makilala sa Manila ngunit tila iyon linta na nakadikit sa utak niya at unti-hnting sinisipsip ang katinuan niya.
Galit siyang umahon at lumanghap ng hangin sa baga. Her mind is getting hazy. Umahon na siya at naupo sa lounge chair. Nag-utos din siya ng tuwalya sa namataang katulong sa paligid. Napa jngos siya ng lumangoy sa gawi niya papalapit si Tiffy.
"Ano, affected ka naman masiyado sa sinabi ko. Nag bibiro lang ako. Parang hindi naman natin kilala yung ultimate crush mo. He will definitely remain a good boy there. That I am sure of."
"Nakarating na kaya sila sa Manila?" I asked out of nowhere.
"Siguro naman nuh? I am going to miss them both terribly."
"I feel the same way."
"This place is slowly changing. It doesn't feel the same again since they both left."
Napa hangad siya ng tingin at hinayon ang kalangitan ng may mamataang eroplano duon. I wonder is her sister is in there already.
c