Chapter three
Apple's
ILANG TAON, na nga ba ang nakalipas simula ng una niyang makainisan si Dashile at dumating sa subdivision nila? Hindi na niya mabilang. Pero kasulukuyang fourth year high school na ito kagaya ng ate niya habang second year pa lamang siya.
Ang bilis lumipas ng panahon. Akalain mong ilang months na lang at hindi na niya makakasama ang ate niya na ipapadala nila Mommy sa ibang bansa para mag-aral. Kay Lola ito titira muna pansamatala. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto ng ate niya na iwan sila kahit pansamantala lang. ang daming universities sa Pinas na magaganda lalo na sa Manila. Pero mas pinili pa din nito mangibang bansa.
I don't get her. Wala naman itong sinasbaing dahilan bukod sa quality of education. Sa tuwing ganuon ang topic ay nayatahimik na lang siya at sinasarili ang lungkot. Hindi niya yata kayang malayo sa magulang kagaya ng gusto ng ate Grapes niya.
"Look at those girls, masyadong pa obvious na dead na dead kay Dash. Kulang na lang ibato nila yung sarili nila tapos mangisay sa harapan ni Dashiele." Puna ni Tiffy sa mga kaklase nila na naka tunghay pa sa corridor dahil katapat ng building nila ang second quadrangle ng school at duon nga kasalukuyang ginaganap ang CAT ng mga fourth year students.
Isa si Dash sa mga may mataas na katungkulan kaya malamang na naduon ito at nag babantay sa mga ibang estudyante na pawang mga fourth year high school na din. Napaisip ako habang pinapanuod ang mga naka pilang students. Mahirap kaya iyan? Parang ayoko mag CAT pagdating ko ng fourth year.
Pero na focus sa nag-iisang lalaki na makisig na makisig sa suot na army uniform. Napa buntong hininga ako ng wala sa oras. "Lahat naman ata ng girls dito dead na dead sa pangit na iyon. Hundi pa ba sila nag sasawa? Apat na taon na siya dito pero ang dami pa din niyang fans club."
"Sabagay, he is so handsome naman kasi. Kaya kahit saan magpunta may naka aligid. Kawawa magiging girlfriend ni Dash. Mapapraning sa selos." Natawa si Tiffy ng irapan niya ito. "Pero mas handsome pa din para sa akin si Larx. You should see him na with his new hair cut. Matatawa ka. He looks so stupid.
"Akala ko ba nagaguwapuhan ka? Bakit mo nilalait?" Minsan nakakapag taka din itong kaibigan niya.
"I love him kahit ano pa siya at tanggap ko ang pagiging mukhang tanga niya sa new hair cut niya."
I rolled my eyes and mumble an 'eeeeew' silently.
Gumanti din ng irap si Tiffy sa kaniya at saka namaywang sa harapan ko na tila handang makipag debate maipanalo lang ang nararamdaman kay Larx. "At least honest ako na crush ko si Larx, hindi gaya ng isa diyan na nag lilihim pa din. Alam ko naman na kaisa ka din ng mga baliw na mga babae dito sa school patungkol kay Dash. Sabagay he is our capus heartthrob kaya imposibleng hindi ka rin makisabay sa mga kiti-kiting mga babae dito."
"Excuse me, I'm not one of them." Bulong ko ng may diin sa tono.
That's true, I am far different from these women. Masyadong malalim ang nararamdaman ko kay Dash. Hindi ko alam kung bakit tila palaging lumilipad ang libu-libing paru-paro sa tiyan niya sa tuwing nasa paligid lang niya ito. Dumating ang panahon kung saan natutunan din niyang manahimik kapag nandiyaan ang binata. Hindi na niya kinakaya pa ang pang-aasar nito dahil tila siya dumudulas ng mabilis sa isang slide at nahuhulog ang loob niya dito.
But after all this time, ate Grapes and Dash remain a good friend. A very close and good one.
"Sinabi mo, eh." Tila napipilitan na lang na kumento ni Tiffy.
Tumayo na lang siya mula sa kinauupuan at saka lumabas ng room. Pupunta na lang muna siya sa library para mag basa. Break time pa naman kaya marami pa siyang oras para gawin ang gusto niya.
"Apple fruit!"
Biglang napabaling ang paningin niya sa lalaking tumawag sa kanya nun. Iisa lang ang kilala niyang nag dudugtong ng 'Fruit' sa pangalan niya. At tama nga siya dahil nakita niyang kinakawayan siya ni Dashiele na kasalukuyang nasa unahan ng mga cadettes at officers nito.
Itinaas lang niya ang kamao niya at saka iniumang dito. Pero flying kiss naman ang iginawad nito sa kanya. Sanay na siya sa galawan nitong iyon, palagi siyang inaasar nito na may crush siya dito pagkatapos ay sasabihin naman nito na si Grapes ang princess nito at ipamumukha paniyon sa kaniya. Nakakasawa na pero yug nararamdaman ko, wala yatang katapusan.
Akala niya nung una naiiinggit lang siya sa mga papuri at pag lalambing na ginagawa nito sa ate niya. But she's wrong, dahil from the start pa lang ay nag seselos na pala siya. Her crush to him grown into love and her envied turns into jealousy. Pero kahit masakit ay nag paubaya siya. Sapat ng nakikita niyang tila wala namang pagtingin dito ang ate niya at sinasakyan lang din ang kakulitan ng binata.
Sana nga...
"Ang sungit mo talaga!"
Ismid lang ang tinugon niya sa parungit ni Dash. I can see different eyes darted on me. Mga babaeng may gusto kay Dash na napapantastikuhan sa kung ano ako para sa binata. Gusto kong isa-isang sabihan ang mga ito na kaibigan lang ako. Walang ipinag kaiba sa kanila na may platonic relationship lang dito.
Pag harap niya sa nilalakaran ng bumalik ang ang atensiyon niya sa paglalajad ay tiyempo namang may nabangga siyang lalaki na naging cause pa ng pagkatapon ng bitbit nitong juice sa damit nito. Nataranta siya bigla sa nangyari kaya agad niyang kinuha ang panyo sa bulsa at saka panay sorry habang pinupunasan ang harapan nito.
"Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya."
"It's okay. May spare uniform pa anman ako sa car." Malamyos ang tinig ng lalaki na tila wala lang dito ang naganap.m na pag tapon ng juice.
Medyo natigilan pa nga siya dahil lumabas ang magkanilang biloy nito sa pisngi ng ngitian siya.
"Sorry talaga, promise hindi na mauulit." Wala siyang maapuhap na eksplenasiyon sa nangyari. Kaya mabuti na lang din at tila mabait ito masyado na nginingitian na lang ang mild accident na naganap sa pagitan nilang dalawaz
"Nah, it's okay kung kasing ganda mo naman ang makaka bangga ko everyday. At tsaka, kaunti lang naman yung juice na dumikit sa uniform ko. Kung tutuusin kahit hindi na ako magpakit ay ayos lang dahil malamang na wala ding makakapansin nito."
Napaangat ang ulo niya sa narinig at saka pinaka titigan ang lalaki. Napaka positive ng aura nito na tila lalo pang na enhance dahil sa napaka tamis na ngiti nito. Pang boy next door type din ang tipo nito na tila walang gagawing masama sa iyo.
In over all, he's cute.
Bigla siyang naasiwa dahil sa papuri nito. Ngunit idinaan na lang niya sa tawa iyon. "Mapag biro ka pala."
"Of course not, you are really beautiful. By the way, my name is Kenji. May I have yours too?"
"Nang pangalan ko?" Tila nag-alinlangan ako bigla sa pagkakaintindi at natawa lang ng maisip na pangalan ko nga ang itinatanong nito.
"Yes, pero kung papalarin baka puwedeng yung puso mo na lang." Ge smiled shipishly.
"Shey Arden pero Apple na lang para mas maiksi." Inabot din niya ang inilahad na kamay ni Kenji sa kaniya bilang shake hands.
"Oh wow, favorit ko ang fruit na apple at mukhang magiging favorite din kita."
Napataas na lang kilay niya dito at saka ngumiti, nakakahiya namang pag tarayan si Kenji kung siya naman ang may nagawang atraso dito. Buti nga ang nice pa nito, eh.
"Una na ako, may gagawin pa kasi ako." Paalam niya sa binata at saka na nagmamadaling iniwan ito.
"Ay, sige lang. Pasensiya na din sa abalang oras. Ingat ka, Apple." Pahabol pa nito na kinawayan na lang niya bilang sagot.
Dashiele's
Sinundan ng tanaw ni Dashiele ang nagmamadaling pag lalakad ni Apple palayo sa lalaking naka banggaan nito kani-kanina lang. Pinigil lang niya ang sariling takbuhin ito ng makitang may naka banggang lalaki ang dalaga. Baka kasi mapaano pa si Apple kapag bully ang na bangga nito. Pero napakunot noo siya ng makitang tila tuwang-tuwa pa ang nabangga nitong lalaki.
Napa tiim bagang siya at kunot noong sinusubaybayan ang bawat pag-uusap ng dalawa.
"Paanong hindi matutuwa, na hawakan ba naman ang kamay ni Apple." Parungit niya sa sarili.
"What a lucky bastard." Lalong nanggigil na saad niya sa dalawa lalo na ng kawayan pa ni Apple ang nabanggang lalaki bilang pamamaalam.
Isa sa pinaka magandang babae si Apple na nakilala niya. Pero totoong mas maganda si Grapes dito kaso mas matutuwa ka kay Apple dahil hindi ito masyadong lady like at cute na cute ito masyado. Mas boyish din ito sa kapatid at takaw atensyon mula sa mga kalalakihan ang hitsura nito.
Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa dmai ng maaaring umaligid ito lalo na kapag nawala na sila ni Grapes sa eskwelahan. Napa buntong hininga siya at naisip na bakit kasi walang kolehiyo sa easkwelahang ito para nababantayan pa din niya ang mansanas na ito.
"Sir, kanina pa namin hinihintay ang command niyo." Bulong sa kanya ng isa sa mga officer at kaklase din niyang si Maxx.
Duon lang siya natauhan at saka napailing sa sarili. Palagi na lang siya nawawala sa huwisyo kapag nakikita ang babaeng iyon. Tila kasi tumatalon ang puso niya kapag kaharap o natatanawan man lang ito. He's like a puppy seeing his owner whenever Apple is near.
"Sorry, Maxx." I cleared my throat and in a hard, big and commanding voice I asked all of the cadets to face forward and marched.