Chapter four

1595 Words
Chapter four Apple's IMBES na sa library tumungo ay hinayon na lang ni Apple ang daan papunta sa back garden ng school. Nagkalat ang mga nag lalakihang puno sa gawing iyon ng eskwelahan at panay mga upuan din na tila ninakaw pa mula sa mga classroom ang makikita duon. Kahit saan ka sumulyap may mga estudyanteng naka tambay at tila sarap na sarap sa hangin na umiihip sa buong paligid. Tinungo niya ang isa sa paborito niyang puno at saka naupo sa ugat niyon. Napa ngiti siya ng pino ng isayaw ng hangin ang mahaba at medyo kulot niyang buhok. This is haven. Bulong niya sa sarili. Ang lugar na ito ang pinaka magandang parte ng eskwelahan nila at masaya siya na nararanasan niya ang ganitong pakiramdam na dulot ng nature. Bahagyan niyang ipinikit ang mata at dinama ang kaginhawaang hatid ng hangin. Mas gaganahan siyang mag aral dito kaysa sa library na pulos libro ang nasa paligid at ang terror na bantay duon. Mabuti na lang talaga at naisip niyang dumito. "You look so serene when you do that." Napa pitlag siya ng may naupo sa tabi niya at masinuhan ito. Her heart starts to pound as she look at this handsome creature in front of her. Tila siya na batubalani at napatitig na lang sa mga mata nito na tila palaging naka ngiti at nang aayayang titigan ang mga ito ng maigi. She gulp a little when her eyes caught his lips. He's so handsome when he smirks like that. Nakakaakit na lang ang lahat ng bagay na mayroon ito. "So, what's the verdict? Palagi ka na lang talaga natutulala sa kagwapuhan ko, Apple fruit. Ganuon ba talaga ako ka guwapo para bigyan mo ng kakaibang tingin na gaya ng ganyan?" "H-huh?" "Ahhh... How I love to hear it when stammered like that just because of me. Nakaka taas ng ego na maski ikaw ay natutorete sa kagwapuhan ko. So, naaakit ka?" "W-What?!" Namumula na ata maski tuktok ng ulo niya dahil sa pinag sasabi ng mokong na ito. Kahit pulos katotohanan naman ang pinag sasabi niya ay hinding-hindi niya ipapaalam iyon dito. Over her dead body! "Stop denying it my Apple fruit. Masyado ka ng obvious. First day pa nga lang ng pagkikita natin nag declare ka na na crush mo ako, hindi ba?" "Dashiele Quintania, yung totoo nawawala ka na naman ba sa katinuan mo? Ano nanaman bang nasinghot mo at nagkakaganyan ka? At FYI hindi ako nag declare na crush kita noon, at hindi kailanman. Baka ikaw ang may crush sa akin dahil palagi mong ipinipilit ang bagay na iyan simula't sapul pa?" Inis na umusog siya palayo dito lalo pa at nasisinghap niya ang pabango nito na nagdadala ng kilit sa loob niya. Biglang natawa ang hudyo ng malakas dahil malamang sa sinabi niya. "Mas maganda pa din si my princess kaysa sa iyo. Cute mo talaga." He lightly pinched my cheeks. Sapat na ang sinabi nitong iyon para magkaroon na namang muli ng pitak ang puso niya. Pero ikamamatay niya kapag nalaman nitong nasasaktan siya sa bawat oras na sinasabi nito ang lahat ng kalamangan ng ate niya sa kanya. "I don't care. I know that I am beautiful in my own way. Alam kong mas maganda si ate, no doubt about that. Pero ano naman ngayon? Hindi ka rin naman niya crush, kaya nga hanggang lambing ka na lang sa kanya at sa walang katapusan mong kaka 'my princess' mo diyan." Tila hindi naman nito ininda o tinamaan sa sinabi niya dahil todo ngisi pa si Dash habang nakatitig sa kanya. Bigla tuloy siyang na conscious na baka may dumi siya sa mukha. "You're right, maganda ka nga. Pero mas maganda pa din siya." Nanggigigil na hinampas niya ang balikat nito at saka pinitik sa ilong at ng hindi pa makuntento ay iniamba niya sa tapat ng mukha nito ang kamao niya. "Do you really want to taste this part of my body? Nakakapikon ka na, eh!" Tila saglit itong natigilan at maya-maya ay ngumiti na naman sa kaniya ng may kung anong kislap sa mga mata. "Ahmm... How 'bout this part of your body, my fruit?" Gulat akong natigilan ng ipag landas ni Dash ang daliri sa labi niya. Napa nganga siya ng wala sa oras at hindi naka huma. Hindi man lang siya nakapg react at nakapag rebutt dito. Mabilis na natuliro ang isip niya sa dapat isagot. "W-What? Manyak ka talaga!" Handa na siyang paliparin ang kamao niya dito ng bigla nito iyong sinalag at sinalo sabay hatak sa kaniya ng may puwersa kaya napa lapit ang katawan niya sa katawan nito.m at maglapat ang mga labi nila. Parang huminto ang pag-inog ng mundo niya ng marealize ang nangyari. She was dumbfounded when she felt his lips against hers. Akala niya ay hindi totoo ang lahat at nasa panaginip lang siya. Pero napa mulagat siya ng maramdaman ang dahan-dahang pag galaw ng labi ni Dashiele. Tila ilang boltahe ng kuryente ang rumagasa sa katawan niya dahil sa nangyari na naging dahilan para maitulak niya ito ng malakas. Sa nangangatal na daliri ay natutop niya ang labi habang nanlalaki ang mga mata na tinitigan ang binata. "W-Why did you d-do that?" Yung puso niya sasabog na ata sa lakas ng pintig niyon. Nakakaliyo, nakakahilo at nakakaiaba ang nanganap na paglapat ng labi nito sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa iba't-ibang pakiramdam na nabubuhay sa kaniya. Ngunit hindi niya maitatanggi ang kilig at saya na bumabalot sa munting puso niya. Imbes na mag explain dahil sa kapangahasang ginawa ay ngumiti lang ito na nagpalabas ng dimple nito sa pisngi. Napakamot din ito sa batok at saka tumayo. Pinag pagan muna nito ang pang-upo nito at saka siya binalingan. "You really have a soft and nice lips. Don't expect me to say sorry for what I did." Iyon lang at umalis na ito. Iniwan siya nitong parang nahipnotismo at nakanganga pa. Kanina pa din nag-iinit ang buong mukha niya at hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap dito. "Para saan ba iyon?" Bulong niya sa sarili habang nangangapa ng eksplinasiyon sa isip. Maaari na ba siyang umasa ngayon na pareho din ang nararamdaman nila ni Dashiele? Pero imposible, hindi talaga maaari.  Dashiele's Pabalik na sana si Dashiele sa headquarters nila ng makasalubong niya si Grapes na tila nang galing mula sa pag-iyak. Namumula pa ang ilong nito at medyo misty ang eyes kaya agad siyang nag-alala para dito. "What's wrong?" Agad na umahon ang protective instinct niya para sa dalaga na isa sa pinaka malapit niyang kaibigan simula't sapul pa. Imbes na sumagot ay niyakap lang siya nito at saka sumubsob sa dibdib niya. Napa tiim bagang naman siya sa kaisipan na baka binu-bully ito. Pero imposible iyon dahil kilala sa pagiging maimpluwensiya ang pamilya nito sa buong eskwelahan. "What's wrong, my princess. May nangyari bang masama?" Napa tiim bagang siya sa naisip na baka may mga umaaway dito ng lingid sa kaalamanan niya. "H-he doesn't care anymore. B-bakit ang bilis niya akong naipagpalit? I thought he loves me. Alam mo bang ang sakit-sakit na makita siyang may iba na?" Natigilan siya sandali at mas lalong nag-init ang ulo niya ng maisip ang naging secret boyfriend nito. Para siyang sinapian ng kung ano at gusto niyang sugurin ito pero pinigilan lang siya ni Grapes at niyakap ng mahigpit. "N-no, Dash. He doesn't desrve your attention. He is a certified jerk. Don't waste tour time on him." "That's why I need to teach him a lesson that he wouldn't forget even in his death!" "P-please, just let him be. Mangako ka na wala kang ibang gagawin sa kanya." "Siya ba ang dahilan kung bakit mo pinipilit mag-aral sa ibang bansa, huh? Siya nga ba, Grapes?" He asked in a cold voice. "N-no! That's my own decision at walang kahit na sinong involve sa plano kong iyon. So don't jump into a conclusion ng dahil lang dito." "Gaano katagal ka na niyang sinasaktan ng ganito? Baka kailangan ko ng durugin ang pagmumukha niya, sabihin mo lang." "No, Dash. Huwag mo ng pag aksayahan ng galit ang isang gaya niya." Puno ng hinanakit na saad nito. Tila ilang palaso ang tumama sa puso niya sa nakikitang reaksiyon ng matalik niyang kaibigan. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit. "You deserve someone better. Ayokong mababalitaan na isang kagaya lang din niya ang kukunin mong maging boyfriend kapag nasa ibang bansa ka na." "I swear, but promise me na habang wala pa ako ay ikaw muna ang mag-aalaga sa kapatid ko. Please take care my little siste, she's so precious at maraming lalaki ang aaligid sa kanya ilang taon pa mula ngayon." Napa lunok siya sa sinabi ni Grapes. "I promise." "Huwag mong hayaang may ibang lalaki na manakit sa kaniya. Ayokong maranasan niya ang nararanasan ko ngayon." Alam niyang imposibleng hindi masasaktan si Apple because to be hurt is part of falling in love. Ngunit tila hindi niya lubos o makayang isipin na may ibang lalaking makakalapit dito ng higit pa sa kaya niya. Tiim bagang kong sinagot nag dalaga. "I promise." "Thanks, Dash..." Tila may kung anong humahatak sa kaniya para tingnan ang paligid nila. At para siyang natulos sa kinatatayuan ng makita ang bulto ni Apple habang nakatingin sa kanila ni Grapes. Naka balatay sa magandang mukha nito ang sakit habang nakatingin. Maya-maya lang ay tumakbo na ito palayo sa kanila ng kapatid nito. Kahit gusto niyang habulin ito ay hindi niya magawang iwan si Grapes sa ganitong sitwasyon. So he chose to stay, kahit masakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD