THIRD PERSON'S POV "YVONNE! YVONNE!" Halos mapugto ang paghinga ni Ross habang sinisigaw ang pangalan ng babae, kasabay niyon ay ang pagtakbo niya. Kahit hingal na hingal na siya ay hindi siya tumigil sa pagtakbo at pagsigaw. Nagkasundo silang maghiwa-hiwalay upang mas mabilis na mahanap ang dalaga. At kapag lumalim na ang gabi, doon lang sila titigil sa kani-kaniyang paghahanap upang magtungo sa pinagkasunduan nilang lugar. Mahanap man ang babae o hindi, tutungo sila roon. Bilang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang paghahanap. At kapag nahanap ang kanilang hinahanap, doon din sila magkikita-kita. Wala naman kasi silang cellphone upang ma-kontak ang isa't isa sakaling mahanap ang babae. Ang tanging magagawa lang nila ay sabihan ang isa't isa at magkita sa napagkasunduang luga

