THIRD PERSON'S POV "THERESE! THERESE! ANAK!" Humahangos at pawisan si Police General Brandon Costalejo nang magising mula sa masalimuot na bangungot. Napaupo siya mula sa pagkakahiga sa malambot niyang kama habang sapo-sapo ang dibdib dahil sa lakas ng t***k ng kaniyang puso. Lubha siyang kinabahan at pakiramdam niya, hindi iyon isang panaginip lang. Hanggang ngayon ay takot na takot pa rin siya. Pilit niyang sinisiksik sa pag-iisip na panaginip lang ang lahat at walang katotohanan. Ngunit nang makita niyang nasa bingit ng kamatayan ang anak, pakiramdam niya, totoo iyon. Pakiramdam niya, isa iyong senyales na buhay talaga ang kaisa-isa niyang anak at humihingi iyon ng tulong sa kaniya. Huminga siya nang malalim. Ilang ulit niyang ginawa iyon hanggang sa unti-unting lumuwag ang paghinga

