THERESE'S POV HUMINGA AKO NANG malalim nang magtama ang paningin namin dahil pakiramdam ko, hinahatak ako ng mga tingin na iyon. Pakiramdam ko, hinihigop ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. At nakakainis dahil ganito ang epekto ko pero para sa kaniya, parang wala lang. Hindi ko pa rin talaga matanggap na nagkakaganito ako nang dahil sa kaniya. Wala naman sa plano ko ang mahalin siya at kung kaya nga lang pigilan ang nararamdaman, siguro matagal ko nang ginawa. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan naming dalawa, sana pala hindi ko na lang siya ginusto. Sana pala, hindi ko na lang siya kinibo. Sana pinili ko na lang na umuwi ng Maynila kahit hindi na magawa ang misyon ko. Sana pinili ko na lang na manahimik at hindi na sinubukan pang kunin ang loob niya… dahil sa huli, puso ko an

