THERESE'S POV NATAPOS ANG PAGHAHALIKAN naming dalawa nang kapwa may ngiti sa mga labi. Nakalapat pa rin ang mga palad ni Ross sa pisngi ko habang magkadikit ang mga noo namin, kapwa habol ang paghinga dahil sa hindi inaasahang paglalalim ng mga halik. Alam kong gulong-gulo pa rin si Ross ngayon ngunit nakikita kong masaya ang mga mata niya, kitang-kita ko rin ang nagpuputian niyang mga ngipin dahil sa laki ng kaniyang pagkakangiti. Humiwalay ako sa magkadikit naming mukha, bahagya siyang nagtaka ngunit nabawi rin iyon nang mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko mapangalanan kung gaano ako kasaya ngayong alam ko nang wala nang hahadlang pa sa amin ni Ross. Oo, masama pa rin ang loob ko kay Rosana pero dahil iyon sa mga ginawa niya. Naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling ang gina

