THERESE'S POV HINDI AKO MAKAPANIWALA sa narinig ko kay Rosana. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito nang dahil sa pagmamahal. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Hindi ko maiwasang hindi sumama ang loob sa kaniya. Paano niya nagawang paikutin ang isang tao nang dahil sa pagmamahal? Paano niya nagawang baguhin ang takbo ng tadhana nang dahil lang sa pagiging makasarili niya? Naiintindihan kong bata pa siya at hindi pa siya kasing edad namin para mag-isip ng tulad sa pag-iisip namin. Pero hindi ako makapaniwalang twenty two years old na siya pero ganito pa rin ang paraan niya para makuha ang lalaking iniibig? Ang pagbantaan itong makalapit sa akin? At siya lang ang samahan? Natapos na ang pag-uusap namin ni Rosana pero hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya. Ginamit ni

