THERESE'S POV PAGKATAPOS NG LARONG iyon ay hindi na kami sumali muna ni Ross sa paglalaro. Dalawang laro ang pwede naming i-skip at nakiusap ako na gagamitin ko na ang karapatan ko na i-skip ang magkasunod na laro. Hindi na kasi kami pwedeng umatras sa mga susunod pang mga laro. Kami na talaga ni Ross ang magkapareha hanggang sa matapos at makapunta kami sa pinakadulo ng laro, wala ring elimination round. Nangako naman ako na maglalaro ulit kapag natapos na ang dalawang magkasunod na laro and I am glad, they understand that. Gusto ko lang sana magpahinga. Grabe! Hindi naman nakakapagod ang larong ginawa namin. Kung tutuusin, bibig nga lang ang gumagalaw pero pakiramdam ko, gamit na gamit ang buong katawan ko. Pagod na pagod ako. At iyong pagod na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi ma

