THIRD PERSON'S POV BATID NI CIARA na hindi na niya mapipigilan ang matalik na kaibigan na umalis kung talagang desidido na itong iwan ang lugar na iyon. As a matter of fact, she can help her best friend to leave. She can ask their Tatay Elon para ihatid ang babae sa isla kung saan, maraming tao ang naninirahan. O hindi naman kaya, sa bayan kung saan, pwede itong manawagan. Kung gugustuhin lang naman na umalis ng babae, marami naman talagang paraan. Hindi nauubusan ng paraan ang isang tao kung gusto na talaga nitong lumayo. Pero malakas ang paniniwala ni Ciara na maaari pang magbago ang desisyon ng dalawa at nananalig din siya na sana ay hindi na nito piliin pa ang umalis. Sa totoo lang, ayaw naman talaga ni Ciara na umalis si Therese. Sino bang gugustuhin na maiwan ng taong tinuturing n

