THERESE'S POV HANGGANG NGAYON AY hindi ko pa rin lubos maisip na umiiyak si Ross sa likuran ko. Hindi ko magawang lumingon kahit gusto ko dahil natatakot akong makita ang lumuluha niyang mata. Hindi ko kayang maawa sa kaniya. Ayokong makita ang sarili ko sa kaniya. "Mclin…" tawag ko sa kaniya. "Do not leave me like this, Yvonne." Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Oo, aalis ako at iyon naman ang totoo. Pero paano niya nalaman iyon? Did Ciara tell him about our plans? Maski sarili ko ay hindi naniniwala sa iniisip ko. I know Ciara too well. She will not do this to me. She will not betray me. Alam niya kung gaano ako nasasaktan ngayon kay Ross. Alam niya kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon. Kaya sigurado akong hindi siya ang magsasabi sa lalaki tungkol

