CHAPTER 4

2643 Words
THERESE'S POV "THANK YOU for accepting this mission, sweety." He kissed me on my forehead before I left the secret room. Ilang minuto na rin mula nang matapos ang meeting. Sinabi nila sa akin kung saan huling nakita ang lalaki maging ang ilang mga dokumento. Hindi rin nawala ang mga ebidensya na siyang nagtuturo kung bakit ito ang main suspect sa pagpatay sa sarili nitong tatay. Tahimik na ang paligid. Kami na lang ni papa at ninong ang naiwan sa kuwartong 'yon. Ipinaliwanag nila sa akin ang mga dapat kong kaharapin. Ang mga dapat kong iwasan at ang mga dapat kong kailanganin. In less than five days, we need to leave the headquarters and search for that Ross The Criminal. I can't really understand the mind of a criminal. Noong pinaplano nila ang pagpatay at habang isinasagawa 'yon, grabe ang tapang sa mga puso nila. Iyong tipong wala nang makakapagpigil sa kanila na gawin iyon. Pero para pagbayaran ang ginawang krimen, daig pa nila ang pinakaduwag na taong nakilala ko. Kung magtago, daig pa ang dagang pinaglalaruan ng pusa. I just don't understand. If you can not face the consequences of your wrong doings then give your best to do nothing wrong. Siguro maiintindihan ko pa iyong mga nagkasala na hindi naman sinasadya. Iyong dala ng emosyon. But still, crime is crime. Kahit ano pa ang dahilan, krimen iyon. And crime should be punished by the law. "Always, papa," nakangiti kong saad saka nagpaalam sa kaniya. I gave him a peck on his cheeks and bid my goodbyes. Nagpaiwan naman ito sa headquarters at sinabing mauna na akong umuwi. Aniya, marami pa raw ang dapat niyang ayusin kaya naman kailangan niyang magpaiwan doon. Kailangan niya raw kasi tapusin ang kaniyang trabaho bago ang umuwi. Hinatid naman ako ni ninong sa lobby ng building kung saan lumalabas at pumapasok ang maaaring pumunta rito. "Mauuna na po ako, ninong," paalam ko sa kaniya nang buong respeto at sumaludo. Malalim na rin ang gabi, ang hangin na yumayakap sa aking balat ay nakakapagpangilabot sa buo kong katawan. Kung bakit ba kasi ako nagsuot ng dress ay hindi ko alam. Nakalimutan ko pang dalhin ang blazer ko. Nasa labas na kami ng building at ramdam ko na ang malamig na simoy ng hangin. Magpapasko na ba? Ang alam ko, malayo pa ang pasko pero grabe, ramdam na ramdam ko na agad iyon. Siguro ay uulan? Hindi kaya? Nakakaasar! Lagi akong nagdadala ng blazer o jacket, pero kamalas-malasang naiwan ko sa sasakyan kakamadali. Lamigin kasi ako, hindi ako sanay masyado sa malamig na panahon. Madali akong tablan ng lamig. Kaya hindi rin masyadong naka-high ang aircon ko kapag nasa kwarto. Kapag umuulan, hindi na ako gumagamit ng aircon. Binubuksan ko na lang nang kaunti ang bintana para doon pumason ang kaunting hangin. "May dala ka bang sasakyan?" Nagulat ako sa boses ni ninong pero hindi ko pinahalata iyon. Hindi ko kasi namalayan na lumilipad na pala ang isip ko. Tumango ako. "Yes po." "Ihahatid na kita sa basement." Hindi na ako nagsalita at hinayaan si ninong na ihatid ako kahit kaya ko naman. Sa tagal kong pabalik-balik dito, alam ko na rin ang pasikot-sikot. Hindi na nga dapat ako nagpapahatid dahil malaki na ako. Hindi na ako batang duwag, 'no! Hindi katulad ng pinakaduwag na taong nakilala kom Speaking of pinakaduwag na taong nakilala ko, here comes the most coward of all. Kung bibigyan nga ng award ang pinakaduwag, malamang siya na ang nakakuha noon. Award winning kasi ang pagkabahag ng buntot niya. Nangangako ng mga bagay na hindi naman kayang panindigan dahil duwag. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagtuloy sa paglalakad na parang hindi siya nakita. Kasalukuyan itong nakikipag-usap sa isang pulis at nang makita kami ay nakita kong agad na nagpaalam ito sa kausap. "Wait!" sigaw niya. Naramdaman ko namang huminto si ninong sa paglalakad na sana ay hindi na niya ginawa. Dahil for sure, magkakaroon na naman kami ng oras para tumigil at makipag-usap sa taong ito. Napairap ako dahil doon. Inis akong napahinto sa paglalakad. Nakakawalang respeto naman kung hindi ko hihintayin si ninong. Kailangan ko pa tuloy na makisama. Imbes na uuwi na lang ako at magpapahinga. Kahit kailan! Buwiset talaga na lalaking ito. "Oh, Aquino, ano ang ginawa mo rito?" tanong sa kaniya ni ninong nang maabutan niya kami. Ano ba kasing tinatakbo-takbo niya? Bakit niya ba kami hinabol? Anong kailangan niya? Mahalaga ba ang sasabihin niya? Siguraduhin niya lang dahil malilintikan talaga siya sa akin kapag nagkataon. Lihim akong umirap, pinagdiskitahan ang mga batong nasa paanan ko. Marahan ko silang pinagsisisipa hanggang sa makuntento ako. Para lang ma-divert ang isip ko at hindi ko sila mapakinggan. Bagaman malapit lang ako sa kanilang pwesto. "Dinaanan ko lang po si Dad, may ibinigay lang po ako. By the way, saan po ang punta ninyo?" tanong ng lalaking duwag. E, ano namang pakialam niya kung saan kami pupunta? Hindi naman siya kasama. Tsaka pwede ba? Lalaki siya, 'no. Kalalaki niyang tao, napakatsismoso niya. Pwede naman siyang huwag nang makialam kung saan kami pupunta. Pakialam niya ba, 'di ba? "Ah, ihahatid ko lang si Costalejo. Galing din siya kay General," mabait na sagot ni ninong. Si ninong talaga, hindi makaintindi ng sitwasyon. Duh. Alam naman niyang hindi maayos ang pakikitungo ko sa lalaking tsismoso na 'to. Pero hindi ko naman masisisi si ninong. Hindi naman siya dapat damay sa kung ano ang mayroon kami ng lalaking humabol sa amin. Labas siya roon. Isa pa, mabait talaga si ninong. Naiinis na talaga ako. Gusto ko nang umuwi at napapagod na ako. Wala akong panahon maghintay hanggang sa matapos sila sa usapan. Huminga ako nang malalim. Hindi naman siguro kabastusan kung mauuna na ako, 'di ba? Magpapaalam naman ako. Sa pangalawang pagkakataon ay huminga ako nang malalim kasunod niyon ay isang paalam. "Mauuna na po ako," paalam ko kay ninong saka mabilis na tumalikod. Nakakabastos man ay hindi ko na hinintay pa na tumanggi siya o sumagot, basta't naglakad ako nang mabilis palayo sa kanila. Hihingi na lang ako ng pasensya sa muli naming pagkikita. "I need to join her. Mag-iingat po kami." Iyon ang huli kong narinig bago ko mas binilisan pa ang paglalakad. Mas binilisan ko pa at naiinis ako dahil feeling ko ay maaabutan ako ng Aquino na ito. Napakalapit lang ng basement pero parang ang layo. Bakit ba ang layo-layo ng basement na ito? "Sandali lang, Therese!" sigaw niya. Letse! Manahimik ka r'yan. Hindi ka nakakatuwa. Huwag mo akong ma-Therese Therese. Baka tirisin kitang animal ka. "Teka, sandali... sandali!" Napahinto ako at halos matapilok nang higitin niya ang braso ko. Halos mawalan din ako ng balanse dahil malakas ang kaniyang pagkakahigit. Mabuti na lang at magaling ako sa pagbabalanse ng katawan. Hindi ako tuluyang nahulog sa taong 'to. "Ano ba?! Nagmamadali ako. Let me go!" Nagpupumiglas ako sa kaniya pero sadya siyang malakas. At naiinis ako kung bakit mas malakas siya. "Hindi mo ba ako bibitawan?!" Hinarap ko siya nang may nanlilisik na mga mata. Nang makita niyang nagagalit na ako, marahan niyang binitiwan ang braso ko. Masakit, a! Sa totoo lang. "Hindi na. Hindi na kita bibitawan pa." Yuck. Kadiri. Coming from this trash talker? Ano ang pinagsasabi ng duwag na 'to? Hindi naman ako bitter kahit ex-boyfriend ko siya. Yes, he's my ex. My one and only ex. At kapag ex, ibig sabihin, mali. Mali siyang tao kaya dapat hindi na pinag-aaksayahan ng panahon. Bago pa siya makapagsalita nang kung ano-ano, mabilis ko ulit siyang tinalikuran saka naglakad. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang bigla ko siyang mabunggo, ihinarang niya ang sarili sa dinaraanan ko. Muli akong napairap saka mabilis na nag-iba ng direksyon. Ayoko sayangin ang oras ko sa kaniya. Nasayang na noon, ayoko nang maulit pa. "Hindi ka ba aalis diyan?" I crossed my arms as I rolled my eyes. Pinakitang bagot na bagot na akong kausap siya. "Hindi na ako aalis pa." Oh, here he is again. Feeling naman niya maniniwala pa ako rito. Wala na ba siyang ibang pakulo? Nakakasawa na iyong mga salita niyang hindi naman nagkakatotoo. Nakakasawa na iyong mga salita niyang hindi naman tinototoo. "Puwede ba tumigil ka na? Gusto ko nang umuwi." Huminga ako nang malalim upang ikalma ang sarili dahil talagang naiinis na ako sa presensya niya. I mean, hindi kasi talaga nakakatuwa, oy. Nakakainis lang. Pinararamdam ko naman sa kaniya iyon pero sobrang kulit ng gago na 'to. "Ihahatid na kita, Therese." Nanlaki ang mga mata ko at agad tumanggi. "No! May dala akong sasakyan." "I insist," pagpipilit niya kaya mas lalo akong nainis. Aba't ayaw pa magpatalo ng maling tao na 'to! "I resist!" I exclaimed. "Pagod na ako, Lucas. Gusto ko nang umuwi." "Kaya nga ihahatid kita." "May sasakyan nga ako. Bingi ka ba?" This time, hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Bakit ba ang kulit ng maling tao na 'to? Hindi niya ba nakikita na ayaw ko siyang kaharap, ayaw ko siyang nakikita, ayaw ko siyang kausap, ayaw ko siyang makasama at ayaw ko ring magpahatid sa kaniya? Baka nakakalimutan ng duwag na 'to na siya itong nang-iwan. Baka nakakalimutan niya rin na naduwag siya kay Papa kaya siya umalis ng bansa ay ipagpalit ako sa iba. Baka nakakalimutan niya rin na umasa ako sa pangako niya nang darating siya pero umasa ako sa wala. Baka rin nakakalimutan niya na iniwan niya ako kaya wala na siyang babalikan pa. "T-Therese..." "Ano?!" bulyaw ko sa kaniya. Ngunit agad ding nakonsensya nang makita ang malulungkot niya mga mata. Tila anumang oras ay babagsak na ang mga luhang pinipigilan. "P-please." Ayoko nang pakiusap. Ayokong makarinig ng pakiusap. Ayokong pinakikiusapan. Ayokong makarinig ng pinakikiusapan. Hindi ako dapat pinakikiusapan. "I you. Please talk to me..." saad niya habang gumagaralgal ang tinig. Bakit ba ang galing-galing niyang magdrama? Bakit ang galing-galing niyang mangonsensya? Huwag. Hindi ako papayag. Kasi kapag pumayag ako, tanga na naman ako nito. Hindi ako papayag kasi sa huli, ako na naman ang talo. Hindi ako papayag, kasi sa huli, masasaktan na naman ako. Ayoko nang torture-in ang sarili ko. "T-Therese..." Ang kulit ng maling tao na 'to. Sinabi nang hindi ako papayag. Kahit anong gawin niya. Kahit maglumpasay siya riyan. Kahit umiyak siya nang dugo. Hindi ako papayag. "Therese—" "Sige na. Sige na!" pagpayag ko. Mamatay na marupok, Therese. Mamatay ka na! Bakit ba nag-aksaya pa ako ng laway kung sa huli, papayag din pala akong magpahatid? Minsan hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Madali akong makosensya sa mga taong dapat hindi na pinag-aaksyahan ng oras. Hinayaan ko siyang sumabay sa akin sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa basement nitong headquarters kung saan naroon ang parking area. Hindi ko rin siya gustong tingnan pero nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa kaniya ay nasaksihan ko ang pag-arko ng maninipis niyang labi. At hindi ako natutukso sa mga ngiti niyang pamatay--- pamatay ng langaw. "Your car or mine?" He asked. Hindi ko napansing nasa harap na pala kami ng kotse ko. At nakakaasar kasi magkatabi ang kotse naming dalawa. "Still your favorite car, huh." Don't mind my car, jerk! "Of course, my car. Maiwan ka na, h'wag lang 'to," pagkasabi kong iyon ay nauna na akong pumasok sa kotse. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko pa siyang pumasok, e, gusto ko nang umuwi. Napakakupad naman kasi ng maling tao na 'to! "I'll drive." Inunahan ko na siya dahil nasa tapat siya ng bintana kung saan ang driver seat. "If you're not okay with that, I'll go ahead. I don't need your permission or whatsoever." "N-no. I mean, I'll go with you." Hindi na ako nagsalita pa, sumakay na siya sa passenger seat katabi ko saka ko mabilis na pinaharurot ang kotse. "You have another mission?" "Looks like you care." "Of course. I do. I always do, you know that." Nanatiling sa daan naka-focus ang mga mata ko ngunit parang may mga sarili itong isip, mabilis itong napatingin sa kaniya. Kitang-kita sa gilid ng mga mata ko na hindi maayos ang pagkakaupo niya, nakaharap sa akin at titig na titig. Siyempre, kahit pasaway ang mata ko, hindi ko pinahalatang nakatingin ako sa kaniya. "Quit staring at me," I said, as cold as ice. "Okay. I remember—" "And quit talking to me." Narinig ko ang isang matunog na buntong hining from this maling tao. "Therese naman. I want to explain. Pakinggan mo naman ako." Hayun na naman ang nagmamakaawa niyang tinig. Ayaw akong tantanan. "Titigil ka o bababa ka? You choose. I'm too kind to let you choose, huh. So better choose wisely." I smirked when I saw him laid his body on the seat. Padabog pa nga 'yon. Halatang hindi niya gusto. At hindi ko rin gusto na kausap ko siya. Binilisan ko pa ang pagmamaneho at ilang sandali lang ay nasa mansyon na kami. Hindi muna ko muna pinasok ang kotse kahit otomatikong bumukas ang malaki naming gate. "Makakaalis ka na. Mag-iingat ka," saad ko saka pinindot ang buton ng kotse upang matanggal ang pagkakalock ng pinto. "Ano ba klaseng hatid 'to. Ikaw ang nagmaneho, tapos ayaw mo pang kausapin kita. Paano tayo makakapag-usap? Paano ako makakapagpaliwanag?" At ang kapal ng mukha ng maling tao na 'to na pagdabugan ako. Nagrereklamo pa ngayon sa harap ko. Sumandal ako saka iniwas ang tingin sa kaniya. "At least pinayagan kitang makasama ako." "Paano ako makakapagpaliwanag sa iyo?" "Sa susunod na 'yon." "I want it now. Gusto ko maklaro ang lahat, Therese." Hindi pa rin ako humaharap sa kaniya. Ayoko na talaga siyang kausap. Bumabalik lang lahat. Bumabalik lang lahat ng sakit. "Pagod ako, Lucas. So please... makisama ka naman." "Gusto ko pang kausap ka." Humarap na ako sa kaniya dahil nakukulitan na talaga ako. "Ayaw kitang kausap!" I shouted. Punong-puno na ako. Kanina niya pa ako kinukulit at naririndi na ang tainga ko. Ano ba ang hindi niya maintindihan sa salitang sa susunod na namin iyon pag-usapan dahil pagod nga ako? Kaya wala na talagang pag-asa sa aming dalawa dahil sobra na. Wala talaga siyang respeto sa desisyon ko. "Gusto kong magpaliwanag." "And I don't f*****g need your explaination! Can't you see? Or you're just blind? I don't even care about it! So what's the purpose of explaining yourself when my ears aren't ready to hear it?" Kung puwede lang mag-walk out sa sarili kong sasakyan, ginawa ko na. Bakit ba mas kumulit siya ngayon? Sumasakit na ang ulo ko. "P-pero gusto ko sanang klaruhin ang lahat, Therese." Naiinis na talaga ako. Kung pwede lang tumawag ng pulis ngayon, ginawa ko na. Pero magmumukha akong katawa-tawa kapag ginawa ko iyon. "Please stop, Lucas! Stop. Hanggang ngayon ba naman, ikaw pa rin ang masusunod?" Kahit ayaw ko, pinakita ko nang naiinis na ako. Pinakita ko na sa kaniyang hindi na talaga ako natutuwa. Pinakita ko na talaga sa kaniyang nauubusan na ako ng pasensya. "Sana sa susunod, handa na ang tainga mo para makinggan ako. Kasi hindi ako susuko hanggang sa bumalik ang dating tayo." Nabigla ako nang maramdaman ang mainit niyang labi sa aking noo. Naging mabilis lang iyon at halos hindi ko maramdaman. Agad din siyang lumabas ng kotse. Ako naman ay nanatiling nakatulala sa pinto ng kotseng nilabasan niya. I could still remember how soft his lips was. Nagulat na lang ako nang maramdaman ang pagtulo ng mainit na likido galing sa aking dalawang mata. Nag-uunahan sa pagpatak at kahit punasan ko'y tila hindi na naubos ang pagragasa. Inis akong napapikit. Ihinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Sinubsob ko ang mukha ko sa manibela saka doon ibinuhos ang lahat. Nanatili ako sa loob ng kotse hanggang sa naramdaman kong may sumakay at tumabi sa akin. "Mamatay na marupok, sis. Pero we're still here." Naramdaman ko ang pagyakap ni Suzy sa akin na mas lalong nakapagpaiyak. "H-hanggang n-ngayon masakit pa rin," sabi ko kasabay ng paghagulgol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD