CHAPTER 5

1579 Words
THERESE'S POV WHO SAYS strong women don't cry? If that's the case, why am I crying right now? Hindi ko alam pero sa tagal ng panahon na hindi ko na iniyakan ang lalaking iyon, ngayon, parang isang drum na naipon ang mga luha ko. Hindi ko kayang ihinto na parang sirang gripo, kahit isara, patuloy pa rin ang pagtulo. Ganito pala ang nangyayari kapag kinimkim na lang lahat ng sama ng loob at pinilit ang sariling hindi umiyak. Kapag iiyak na, doon na tutulo ang lahat. "I-fightsung mo ba naman kasi nang bonggacious sa papa mo tapos iiwan ka rin sa huli," that's Ciara while rubbing my back. That is true. Sa buong buhay ko, isang beses pa lang akong nagpasaway sa tatay ko. At iyon ang mahalin ang gagong iyon pero iniwan pa rin ako sa huli. Kakatawa siya masyado. Kaya kung gusto niya ng paliwanag, huwag sa akin dahil hindi ko kailangan n'on. Doon siya magpaliwanag sa tatay niyang siraulo. Napakaduwag nilang tao. Sa totoo lang. Hindi ko na lang masyadong pinapatulan dahil may respeto pa rin ako. Turo sa akin iyon ni papa na hindi ko pwedeng baliin dahil marespetp rin siyang tao. "Sige, ipaalala mo pang bakla ka!" kontra naman ni Suzy na. "Duh, Suzy? Masama bang magsabi ng truthness?" Kahit hindi ako nakatingin sa dalawa, alam kong nag-iirapan na naman sila. Ganyan na ganyan silang dalawa pero mahal na mahal ko ang mga iyan. Sila ang mga nakasama ko sa hirap, sila rin ang makakasama ko kapag naging masarap na ang buhay naming lahat. Iyong tipong successful na at pa-travel travel na lang. "Magtigil ka nga!" "Fine!" Inalis ko ang pagkakasubsob ng aking mukha sa manibela. I wiped my tears and faced the two. "H'wag nga kayong magtalo. Pumasok na tayo sa loob." Hindi ko na hinintay na magsalita silang dalawa, agad kong binuksan ang makina ng kotse saka pinasok sa loob. Nakita ko pang sumaludo pa sa akin ang mga guwardiya namin nang may malulungkot na mata. Nakalimutan kong may mga audience nga pala ang nanonood sa amin kanina. Nakalimutan kong saksi nga pala sila sa pag-iibigan namin ni Lucas. Yuck! Cut that pag-iibigan. That's too cheap. Nakakadiri na talaga 'yon ngayon. Bumaba agad ako sa kotse at ganoon din ang dalawa nang matapos akong mag-park. Mabilis kaming nagtungo sa loob ng mansyon, sumalubong naman sa amin ang ilang mga kasambahay na tila tapos na sa mga gawain. Ang iba naman ay alam kong nagpapahinga na. Iyong iba, alam ko rin na hinihintay ang pagdating namin ni papa. "Paki-akyatan kami ng maiinom at makakain sa itaas, Mama. No rice please. Snacks lang po," saad ko nang sumalubong sa amin si Mama Rowena— siya ang mayordoma ng bahay at nag-alaga pa kay papa noong maliit pa ito. Parang siya na rin ang tumatayong pangalawang nanay ni papa kaya sobrang importante niya sa pamilya namin. Tuloy-tuloy kaming naglakad hanggang sa kwarto ko. Nang makarating doon ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Nanatiling nakasunod sa aking ang dalawa. Grabe, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako samantalang sa headquarters lang naman ako nagpunta. Ang lakas kasi makakuha ng energy ni Lucas. Masyado siyang nakakapanghina. "So, baka gusto mong magkuwento, girl?" Sumampa si Ciara sa kama ko saka kumuha ng unan, inilagay niya iyon sa kaniyang hita at umastang handa nang makinig sa kuwento ko. "I like that!" Sumang-ayon naman si Suzy. "Tsh." Tumayo ako sa kama at dumiretso sa malaking bintana na nandito sa aking kuwarto. Kahit madilim ay binuksan ko ang kurtinang tumatabing dito. "Nagkita kami sa headquarters," umpisa ko. Iyon lang naman ang sinabi ko pero kitang-kita ko na interesado ang dalawang tsismosa. "Anong ginawa mo ro'n? Ba't ka nando'n?" Nag-umpisa ring mag-usisa si Suzy. Ito talaga ang number one tsismosa sa aming tatlo. Medyo lang ako. "Papa told me to go there. And..." I sighed before I continued. "I have another mission." "What?!" That's their normal reaction. Also, they're not agree with this. Kada may misyon ako, dalawa silang kontrabida roon. Ganoon nila ako kamahal. Iyon nga lang, kapag naman napagtagumpayan ko ang misyon, sila ang unang-unang natutuwa sa akin. Natatakot lang talaga sila na mapahamak ako kaya sila ganyan. At kaya sila kumokontra. "Brokenhearted ka lang, girl. Hindi pa katapusan ng mundo." Mas OA pa sa OA kung mag-react si Suzy, akala naman niya dahil doon kaya ko gagawin iyon. "Anong kaso naman daw?" Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa kong kaibigan ang misyon na ginagawa ko. Mas worried pa sila sa puwedeng mangyari sa akin kaysa sa tatay ko. Minsan nga, naiisip ko na baka wala silang tiwala sa akin kaya sila natatakot. Pero siguro nga, baka kasi hindi na ako bumalik ng buhay at iyon ang kinatatakot nila. Pero ako? Never natakot sa magiging takbo ng buhay ko, never akong natakot na mamatay kahit hindi ko pa nakikita ang mama ko. Kasi alam ko namang doon at doon mauuwi ang lahat. Whatever the reason is, I know I will die. "It's Ross case, I need to find that criminal," walang kagana-ganang saad ko saka isinara ang kurtina sa bintana. Dumiretso ako sa aking closet saka kinuha roon ang laptop. Maingat ako sa laptop na ito. Actually, tatlo ang laptop ko pero ito ang pinakaiingatan ko. Kasi ito ang una, ito rin ang pinakamahal sa lahat. "You mean, Mr. Sacueza's son?" I just nodded my head when Suzy asked. "Pero saan mo naman hahanapin 'yon?" "Papa gave me some informations and details about him. At kung ano ang totoong dahilan kaya niya pinatay si Sir. Henry," "E, 'di ba, nambabae nga raw kaya niya pinatay? Baka nasaktan siya para sa mama niya." Hindi ko kinontra ang sinabing iyon ni Ciara dahil isa naman talaga 'yon sa dahilan. "Pero bakit si Mrs. Sacueza ang gustong ipapatay si Ross?" Hindi na kataka-takang nagulat sila sa sinabi ko. Dahil ganoon din ang naging reaksyon ko nang sabihin sa akin ni papa ang lahat. Ikinuwento ko sa dalawa ang napag-usapan namin kanina sa headquarters. Balak ipapatay ni Mrs. Sacueza ang anak niyang si Ross kapalit ng milyon-milyong halaga makita lang niya sa kabaong ang anak. Nakiusap si Mrs. Sacueza kay papa na gawin ang kaniyang inuutos. Tinanggap 'yon ni papa hindi dahil sa gusto niya ang pabuya ni Mrs. Sacueza. Tinanggap niya 'yon para hanapin si Ross... para maituwid nito ang nagawang pagkakamali. Hindi lahat ng pumatay ay dapat na ring mamatay, ika nga ni papa. Kaya may tinatawag na kulungan, para pagbayaran iyon at pagsisihan. Ilang sandali pa ay narinig namin ang mahinang pagkatok na nagmumula sa pinto. "Senyorita. Narito na po ang iniutos mo," dinig kong sigaw ni Mama Rowena sa labas. Agad namang tumayo si Ciara at pinagbuksan ito. "Salamat po, mama. Kumain na po ba kayo?" tanong ni Ciara sa matanda. "Oo, anak. Kung wala na po kayong iuutos, matutulog na po ako at malalim na ang gabi. Hinintay ko lang talagang dumating ang senyorita," "Pasensya na po, Mama. Matulog na po kayo. Ako na pong bahala magbaba ng pinagkainan," nahihiyang tugon ko. Nakalimutan kong madaling araw na at maaga pa gumigising si Mama Rowena para maghanda. Sa edad niyang iyan, hindi na magandang nagpupuyat pa siya. It's my fault. Yumuko lang si Mama Rowena tanda ng paggalang saka marahang umalis. Inilapag naman ni Ciara ang tray na may lamang fries and apple juice sa ibabaw ng kama. Bago ko makalimutan... "Ano nga palang ginagawa ninyong dalawa rito?" tanong ko sa kanila. Hindi naman ako sa nagtataka at nasa iisang village lang kami. Pero anong oras na, ba't pagala-gala pa ang dalawang 'to? Nakita tuloy nila ang hindi dapat makita. Muli ko na namang naalala ang eksena kanina. Tsk. Very dramatic. I hate teleserye, therefore, I hate drama too. Kasalanan talaga 'to ng maling tao na 'yon. "Can't reach your phone, girl. So we decided to go here and there! We saw you and—" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Suzy at agad kong sinubuan ng bagong luto na fries ang bunganga niya. Agad naman napatayo sa init no'n. "Ano? Magsasalita ka pa?" "You're so mean! Look what you did!" Hawak-hawak niya ang labing napaso. Napatawa na lang kami ni Ciara dahil sa pagmamaktol niya. "Ayan napapala ng madadaldal," pang-aasar sa kaniya ni Ciara saka sumubo ng fries. "Tsh. If I know, gusto mo rin namang magtanong about the two!" ganti ni Suzy. "Hoy kayong dalawa! Pumunta ba kayo rito para mag-away sa harap ko?" Tumigil naman sila no'ng sumigaw ako. "So, ano ngang pinunta ninyo?" "Magkakaroon ng party kila Nathan this week. Gusto kong sumama tayo," sagot ni Suzy sa tanong ko saka muling umupo sa kama. "At ano naman magiging ambag natin do'n bukod sa ubusin ang handa nila?" "Yuck, girl, ha! Police General ang tatay mo, patay gutom ka," pang-ookray pa niya. "Sumama ka na. I'll call Lucas para may ka-partner ka—" Isang lumilipad na unan ang tumama sa kaniya nang ibato ko 'yon. Buwiset na babae 'to. Kailan niya ba ako titigilan sa maling tao na 'yon. Ang wrong timing naman kasi na nakita pa nila kami sa ganoong eksena. Buwiset! Mali talaga ang pagkakataon! "Sige na. Sasama na tayo. Para lumigaya ka naman sa paglalandi mo." Iyon na lang ang sinabi ko saka muling iginugol ang atensyon sa laptop. Kailangan kong makakuha ng kaunting impormasyon kay Ross nang hindi umaasa kila Papa. Kailangan kong malaman kung ano ang buhay niya noon para mas makilala ko siya nang lubos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD