CHAPTER 6

4055 Words
THERESE'S POV          "WHERE AND WHEN?" Papa seems curious about the party. As well as I can see that he is just worried that something might happen. My strict papa's reaction is a typical reaction of a worried parent, right? And me? I looked like a highschool student trying to convince my dad to allow me join the fieldtrip. Ghad! I'm not a teen anymore. Hindi ko naman masabing ngayon na ang party na 'yon at hinihintay na lang nila Suzy ang signal ko para makaalis na kami. Medyo nakakatakot talaga magpaalam kay papa kapag ganitong mukha siyang seryoso. Hindi ko alam kung busy siya o mainit ang ulo. Hindi ko rin alam kung nasa mood ba siya o wala. Hindi ko naman na mahintay na maging good mood siya bago magpaalam kasi matatagalan pa bago ako makaalis kung ganoon. So, I need to have the courage to ask permission. Kung bakit ba naman kasi ang tanda-tanda ko na pero kailangan ko pang magpaalam bago umalis ng mansyon. I call it respect. I do respect my father, that is why. Pero ang laki ko na kasi. Ang balak kasi namin ay magsabay-sabay na papunta roon. And of course, we are going to use Suzy's car. Sa aming tatlo, ako lang ang disiplinado sa pagmamaneho. Iyong isa, kaskasera. Iyong isa naman, mainitin ang ulo. Ayaw nang inuunahan ng mga sasakyan. Naiinis siya. Mga hindi sila pwedeng mag-drive. Ayaw naman naming magpahatid sa driver dahil maiinip lang ang iyon sa amim at isa pa, pwedeng tawagan iyon ng mga tatay namin para itanong kung nasaan kami. Hindi naman sa aalis kami sa lugar kung saan namin pinaalam. Ayaw lang namin na laging may nakamata sa amin. So, I decided to drive. Gamit nga lang ang kotse ni Suzy. "Where is it, daughter?" "Uhm—Nathan is Suzy's suitor. He invites us to a party... I didn't know exactly what kind of party is that."  I can't look directly in his eyes. He is looking at me and I know what is he doing. He is reading my mind and I hate it. Para siyang mindreader. Pero hindi ko naman sinasabing nagsisinungaling ako. Ganoon siguro talaga kapag anak, nababasa na agad sa ekspresyon ng mukha kung nagsasabi nang totoo o hindi. Wala pa akong anak, so wala pa akong isip na babasahin. I fake a laugh and bow my head so he won't see my real reaction. "My bad, I didn't ask for the details." Napapikit ako dulot ng kaba.  "Is he Nathan Del Luna?"  My eyes widely open. "How did you know?" Bumulusok ang excitement sa puso ko nang may halong kaba. So, kilala ni papa si Nathan, there is a ninety five percent na papayagan niya akong sumama. "I just know. Go ahead and take care." Iyon lang ang sinabi niya saka ako tinalikuran, papaakyat na sana siya ng hagdan nang magsalita ako. "Uhmm... thanks, Papa. P-pero ngayon po—" Lumingon lang siya sa akin, ngumiti saka marahang tumango. Napangiti na lang din ako. Bakit kaya alam na agad ni lapa? Hindi ko na inalam pa ang dahilan. Agad akong tumakbo sa kuwarto ko upang magpalit ng damit. Mabuti na lang at nag-ayos na ako bago nagpaalam kay Papa. Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan sila Suzy. "Ano? Aalis na kami. Hindi ka naman pinayagan!" bungad sa akin ni Suzy nang sagutin niya ang tawag. "Dream on, girl. Baka nagbibihis na ako?" tugon ko habang tumatawa. Inilagay ko sa pagitan ng tainga at balikat ang cellphone saka nagsuot ng rubber shoes. "Okay. We'll wait you here." "Sure! I'll be there in ten minutes." And I ended the call. It's already five in the afternoon. Dalawang oras kaming advance bago mag-start ang party. Gusto ni Suzy na dumaan muna kami sa salon nila para doon magpaayos ng mukha at buhok. Napakadaming arte talaga ng babaeng 'yon. Hindi na lang namin kinontra ni Ciara dahil para hindi naman siya kahiya-hiya sa magulang ni Nathan. Baka sabihin, pangit iyong nililigawan ng anak nila. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa opisina ni papa para muling magpaalam. Nang makarating sa pinto ay marahan akong kumatok ng tatlong beses. Agad naman akong nakarinig ng isang pagtikhim. "Come in," mahinang saad ni Papa.  Dahan-dahan akong pumasok saka isinara ang pinto. "Aalis na po ako, papa," malumanay kong pagpapaalam. Tiningnan niya pa ang kabuuan ng suot ko. Isa sa ayaw ni papa ay ang malaswang damit. Ayos lang sa kaniya kung maikli ang damit, huwag lang iyong tipong pati kaluluwa, makikita na. Ayaw niya iyon dahil gusto niya akong maging disente. Ganoon din naman ako. Ayoko rin ng masyadong maiksi. Uncomfortable masyado. "Call me when you're already there and update me when you leave, okay?" I nodded with a sweet smile. "Yes, papa. I will." "Take care, sweety." Lumapit ako kay papa para yumakap nang mahigpit. Gaya ng dati ay hinalikan niya ako sa noo. Kumaway pa ako sa kaniya bago tuluyang isara ang pinto at lumisan. Pababa ako nang hagdan nang matanawan sa hindi kalayuan si Mang Cesar... ang driver ni papa.  "Mang Cesar! Sandali lang po," tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin at yumuko tanda ng paggalang. "Senyorita." "Samahan ninyo po ako kila Suzy, maglalakad lang po tayo." Hindi naman sa takot akong mag-isa. Hindi lang talaga ako kumportable sa suot kong dress bagaman hindi kataasan ang heels na suot ko ngayon. Saka isa pa, dapit-hapon na, papalapit na rin ang takipsilim, mas gusto kong may kasama kung maglalakad. Malapit lang naman kami ang bahay nila Suzy kaya hindi na ako nagpahatid pa gamit ang sasakyan. Nang tuluyang makababa sa hagdan ay sabay kaming lumabas ni Mang Cesar sa mansyon. "Senyorita, p'wede po kitang ihatid hanggang kila Ma'am Suzy nang hindi po tayo naglalakad," magalang na saad ni Mang Cesar. Bahagya akong nalungkot dahil trip kong maglakad sana ngayon, iniisip ko tuloy, tinatamad siyang maglakad ngayon. Hays. Pero hindi naman siguro. Kilala ko si Mang Cesar. Ayaw niyang napapagod ako or nasusugatan. Ganoon siya kaalaga sa akin dahil mahal na mahal niya raw ang pamilya namin. "Sige po, pakihatid na lang ako."  Sa huli ay sumakay ako sa sasakyan at nagpahatid kay Mang Cesar. Hindi pa nag-iinit ang puwetan ko sa upuan ay nakarating agad nami sa bahay nila Suzy.  "Omg, girl! What took you so long? Akala namin binawi na ni Tito Bran ang pagpayag niya sa 'yo." I rolled my eyes as an answer. Hindi ko na sila sinagot pa dahil magsasayang lang ako ng laway. Agad akong kumaway kay Mang Cesar bilang paalam. Ngumiti naman ito sa akin at naghabilin na mag-iingat kami. Bagay na siyang nagpasaya ng puso namin.           MAKINANG na gabi para sa isang selebrasyon ang namamayagpag sa oras na ito. Singningning ng mga iba't ibang hugis ng chandelier ang suot ng bawat tao. Ang iba sa kanila'y tila mga negosyante, nakasuot ng pormal na damit gaya ng business suit, tuxedo, long gown at cocktail dress. Mukhang engrande ang kasiyahang nagaganap. Sumisigaw ang yaman ng mga bawat bisita. Imposible namang hindi, eh, mayaman ang pamilya ni Nathan. Kung hindi ako nagkakamali, nasa linya ng pag-aartista ang pamilya nito, siya lang talaga ang nasa business dahil hindi niya gusto ang pagharap sa kamera at pag-akting. Pero base sa research ko, kapag may commercial or pagmo-model, rumaraket din siya. Hindi lang talaga iyong mga teleseryes, pelikula at mga T.V shows.  "Mukhang pagsisisihan ko ang pagpunta rito," ani Ciara na nagtaas ng kamay para mapansin ng waiter na pagala-gala bitbit ang tray na may wine. Nang makalapit sa amin kumuha kami ng tag-iisang baso. "Same here," I agreed.  "Ako, mukhang hindi. I saw Nathan coming." Muling umikot ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Suzy. Hinanap ko naman ang sinasabi niyang si Nathan na papalapit sa amin, and she's right. Ang gwapo ni Nathan ngayon sa suot niyang tuxedo. Halatang sumisigaw ang karangyaan. Parang hindi totoo iyong balat sa sobrang kinis niyon, namumula-mula pa. "Thank you for coming. Let's go inside. I'll introduce you all to my family," anito nang makalapit. Ngumiti ako sa kaniya nang pilit saka sumabay sa paglalakad. Hindi naman sa masama pa rin ang timpla sa akin ni Nathan. Gusto ko naman siya para kay Suzy, iyon nga lang, hindi siya pumapasa sa standard ko. Pakiramdam ko kasi, may something sa kaniya na hindi maganda. Hindi ko lang alam kung ano iyon pero hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko, sasaktan niya lang ang kaibigan ko. Well, I know naman na lahat ng tao, may tinatagong baho. Pero iba talaga ang nasi-sense ko kay Nathan. Sana magkakamali lang ako dahil mukha naman siyang mabait. At dahil engrande nga ang party na ito, hindi kami nakatikim ng kahit sulyap man lang sa mga taong naririto. Kapwa sila mga abala sa kani-kanilang ginagawa. Well, pabor sa akin dahil ayoko ng atensyon. I am just thankful na hindi kami ganoon ka-center of attraction despite that our beauty is really attracting.  Kidding. "Hi, Mom. This is Therese Costalejo."  Napukaw ang aking atensyon nang marinig ang pangalan ko. Kung saan-saan kasi ako nakatingin. Tumunghay naman ako sa mom ni Nathan and she's really gorgeous. Siguro, beauty queen siya no'ng kabataan. Well, hindi naman siya ganoon katanda tingnan. Siguro nasa fourty lang ang edad. Kitang-kita sa kaniya ang karangyaan dahil napapalibutan siya ng mamahaling alahas. Hindi na kataka-takang paborito niya ang mga alahas. Nakapusod nang marangya ang buhok nito, parang iyong buhok ng dating First Lady ng Pilipinas. Ganoon ang istula ng buhok nito, habang naka-Filipiniana naman ito ng isang long beidge crystal gown. "Good evening, Madame." Lumapit ako sa kaniya at nakipagbeso. Good thing, hindi siya maarte sa bisita. She welcomed me with open arms and I loved that. Nang matapos ang beso-beso ay hinawakan niya ako sa magkabila kong kamay at ngumiti sa akin nang matamis. Nagulat pa ito nang bahagya nang may mapagtanto. "Oh, you're a Costalejo. How are you related to our Police General?"  Ngumiti ako sa kaniya. "He is my dad, Madame." She looks so amazed nang sabihin kong tatay ko ang Police General. Sanay na rin akong nagugulat sila.  Hindi ko nga alam kung ano pa ang nakakagulat do'n, e, minsan din naman akong lumalabas sa television at ipinapakilalang anak ng Heneral. Dahil minsan, in-acknowledge naman ng government ang mga tulong ko sa misyon. May mga misyon kasi na alam ng lahat, may mga misyon na tago. At kami nila papa lang ang nakakaalam. "That's good, that's good. So how about this gorgeous woman?" And now she's referring to Ciara but I'm not agree with the word 'gorgeous.' I rolled my eyes when I saw Ciara's smile. Grabe. Talagang pinangangatawanan niyang gorgeous siya, eh, hindi naman? Si Ciara na ang lumapit at nagpakilala sa sarili niya.  "Ciara Vienne Arillio po, Ma'am." Nakipagbeso sa kaniya ang mommy ni Nathan saka yinakap siya nang mahigpit. Napatakip sa bibig si Mrs. Del Luna. "I know you. You're Franco's daughter, right? "Yes po," "I'm glad to meet you, hija." "Same thing, ma'am." I rolled my eyes once again. Palihim lang naman iyon dahil parang ang bait-bait naman kausap ng babaeng ito. E, hindi naman talaga. Sa aming tatlo, siya ang pinaka-kengkoy. Kaya hindi ko makita kung saan banda siya naging mabait. Lagi nga silang magkaaway ni Suzy, remember? Parang ang paplastik ng nangyayari pero hindi ko magawang magsalita. Lihim na napaikot ang paningin ko sa mga kaganapan. Tumalikod ako sa kanila nang pasimple saka sumulyap sa lahat ng taong madaanan ng aking paningin. Natutuwa kasi ako na may kaniya-kaniya silang pinagkaka-busy-han. Walang media. Purong kasiyahan. Kitang-kita ko kasi sa kanila ang pagsasaya.  "And mom, this is Suzette…" Muli akong napairap dahil ang hinhin ng pagkakalakad ni Suzy habang inaakay ni Nathan sa harap ng mommy niya. Ang arte ng baklang 'to. "...my girlfriend."  Napamura ako sa isip nang marinig ang sinabing iyon ni Nathan. Nanlaki ang mga mata ko habang kunot ang noong nakatingin ako sa kanilang dalawa. Ano'ng sabi ng hinayupak na 'to? Tama ba ang narinig ko? O baka mag-iilusyon lang ako? Duh. Hindi sila pwedeng maglihim sa akin. We are best friends for f*****g sake! Bakit wala akong alam? Bakit ngayon nila ako gugulatin? 'What the f**k?' "What the fck did you just say?" Hindi na napigilan ng bibig ko ang magsalita. Masama kong tiningnan si Suzy na napayuko lang at si Nathan na kampante ang mukhang nakatingin sa akin.  Nakangiti ito ngunit bakas sa mukha na hindi ito nagugulat sa reaksyon ko. Para ngang tuwang-tuwa pa siya na naiinis ako. What the hell? "Do you have problem with that, young lady?" dinig kong tanong ng daddy ni Nathan na may karga-kargang sanggol. "Oh, this is Natelle, my grandchild." Gusto kong mag-hi sa baby kasi sobrang cute niya, namumula ang matambok na pisngi at parang mansanas ang pulang labi pero gulat pa rin ako sa narinig ko kanina lang. "Totoo ba 'yon, Suzy?" Puno ng tapang ang pagkakatanong ko. Maski ang magalit sila dahil sa pagkakatanong ko ay wala akong pakialam. "Therese..." tawag sa akin ni Ciara at pilit akong pinakakalma. "Ano?" "Huwag ka mag-iskandalo rito, girl. Hindi ka maganda." Bakas sa boses ni Ciara ang pangamba pero hindi ako nagpapigil. Hindi naman ako nag-iiskandalo dahil hindi iyon tinuro sa akin ng ama ko pero hindi naman tama na ganituhin nila ako, 'di ba? So, alam na ba 'to ni Ciara at ako na lang ang hindi? If yes, then it is great! It is f*****g really great! "Puwede ba, Ciara?" Inismiran ko siya saka ibinaling ang atensyon kay Suzy. "Well, congrats!" Iyon lang ang sinabi ko sa kaniya at umalis. Sinadya ko pang banggain ang magsyota para mas dama nila ang inis ko. Narinig ko pang tinawag ako ni Ciara pero hindi na ako lumingon pa. Magsama-sama sila.  Ang ganda ng pagpapaalam ko kay papa para lang maranasan 'to. Naiinis ako... sobra. Call me mababaw pero hindi ba't karapatan ko rin naman malaman? No'ng isang araw lang magkasama kami buong gabi. Naabutan nila akong kausap si Lucas. Tuwing gabi, nag-uusap din kami kahit pare-parehas kaming busy sa kaniya-kaniya naming botique.  We have group chat on messenger! They can easily talk to me there! They can just send message to inform me. Pero bakit, hindi? Surprise? For what? Wala akong nakikitang rason para i-surprise nila ako nang ganito. Dahil hindi naman kasurpa-surprise iyon. Sabihin na lang sana na sila na. Iyon lang naman.  Tatlong araw lang kami hindi nagkita buhat no'ng linggo, tapos parang wala na akong alam sa nangyayari. Hindi ko gustong kuwestyonin ang pagkakaibigan namin. Pero naging kaibigan nga ba ako sa kanila? Naiinis ako. Ang ganda-ganda ng suot ko tapos saglit ko lang magagamit. Hays. Tuloy-tuloy lang ang sa paglalakad hanggang sa kung saan kami pumasok kanina. Tatawagan ko na lang si papa at magpapasundo ako dahil hindi ko na kakayanin ang tumagal pa rito. I want to leave this s**t place right now. Mabuti na lang talaga at mararangya ang taong nandito. Hindi naman nila napansin na nag-walk out ako. Dahil kung napansin nila, siguradong sasabihin nila iyon kay papa. They have connections. Lumingon ako saglit sa gawing likuran para tingnan kung sumusunod sila sa akin ngunit nainis lang ako dahil talagang hindi nila ako sinundan. Ang bagal ko na nga maglakad kanina. Nakakainis talaga iyong dalawang 'yon. Hindi man lang mag-sorry. I was about to dial Papa's number when suddenly, I heard a sound of a footstep coming near me. It was familiar. Ewan ko pa pero kilala ko na agad kung kanino nanggagaling iyon. Masama na nga iyong hangin, pinasasama niya pa. "Uuwi ka na?"  Napapikit ako sa inis dahil sa kamalasan sa araw na ito. Ano bang petsa ngayon at sinusubok ang pasensya ko? Hindi ko siya sinagot at isinuksok ang cellphone sa aking slingbag.  "Ano na naman ba ang kailangan mo, Lucas?" Iritable kong tanong habang naglalakad palayo sa kaniya. Siya naman ay sinasabayan ang lakad ko. Papalabas kami ng isang madilim na village kung saan dinaos ang party. Siguro mansyon 'yon nila Nathan. Bakit walang dumadaang taxi rito? Hindi na pwede ang taxi rito? Sabagay, sa amin din naman, wala. Sa labas lang ng village mayroon at hindi ko alam kung ilang oras ang itatagal ng paglalakad ko bago makarating sa labas ng village na 'to. Wala ba silang service cab? For those kasambahay na lalabas sa village na ito? Sa amin, mayroong ganoon.  "Hindi pa tayo nakakapag-usap, Therese." Ano na naman bang drama 'to ni Lucas?  Hindi niya ba nakikita na wala ako sa mood para makipagkulitan sa kaniya ngayon? "May dapat ba tayong pag-usapan? Parang wala naman."  Wala naman talaga kaming dapat pag-usapan. Dahil dati, nakiusap ako sa kaniyang mag-usap kaming dalawa. Pero ano ang ginawa niya? Iniwasan ako, 'di ba? So, bakit ko siya pagbibigyan na mag-usap kaming dalawa, eh, hindi niya nga ako pinagbigyan noon? Gumaganti ako, oo. Kasi gusto kong maranasan niya iyong naranasan ko noon. Ilang beses akong nagmakaawa sa kaniya na pakinggan ako, na kausapin ako at huwag gawin sa akin iyon. Pero nakinig ba siya? Kinausap niya ba ako? Hindi.  Kaya anong dahilan para kausapin ko siya at pakinggan? Wala. At kung mahal ko pa siya? Hindi na ako sigurado. Ilang taon na rin ang nakalipas. Nasasaktan na lang siguro ako sa naging aksyon ko noon. Kung bakit ba kasi hinabol-habol ko pa siya, eh, maling tao naman. "Marami. Bakit kasi hindi mo ako bigyan ng pagkakataong magpaliwanag?" Tinaasan ko siya ng kilay habang naglalakad nang saglit ko siyang sulyapan. "Bakit ka magpapaliwanag? Hindi na mahalaga 'yon." "Mahalaga 'yon, Therese. Dahil alam kong galit ka sakin." Tumigil ako sa paglalakad at masama siyang nilingon. "At sino may sabing galit ako sa iyo?" Tinaasan ko siya nang kilay saktong pagharap ko sa kaniya. Humalukipkip ako habang hinihintay siyang magsalita.  "Therese. Bakit ba ang tigas ng puso mo?" Nagsisimula na siyang mainis. Iyan kasi ang ayaw niya sa lahat, iyong napapahiya at nababara siya. "Tss. Sisihin daw ba ang puso ko. E, kapag dinukot mo 'to at hinawakan, hindi 'to matigas. H'wag ka ngang tanga. Hindi ka ba nag-aral ng science?" I smirked when I saw his unexplained irritated face. Kung puwede nga lang humalakhak sa harap ng mukha niya habang naiinis siya, ginawa ko na. "Tsk."  Tumalikod na ako sa kaniya saka nagsimula muling maglakad. I grab my phone inside my slingbag. Magbu-book na lang ako ng kotse since parang walang naliligaw na taxi rito. Hindi naman ako natatakot dahil madilim at walang katao-tao sa paligid. Gaya nga ng sinabi ko, well-trained ako ni papa. Handa ako sa lahat.  Nakangiti ako habang naglalakad. Nainis si Lucas dahil sa akin. Masayang-masaya na ako. Buti nga sa kaniya at siya naman itong nakakaramdam ng ganoong pakiramdam.  I enjoyed walking kahit na nagtatampo ako sa dalawang kaibigan ko. Hindi ko na ininda kung malayo na ba ang nakalakad namin ni Lucas kanina o hindi pa. Hindi ko nga rin alam kung nakasunod pa ba siya at wala na akong balak na lumungon pa. Buti na lang at hindi mataas ang heels na suot ko kahit nakasuot ako ng isang silver crystal cocktail dress. I put my earpods on both ears and turn on the music using my phone. I'm not againts to kpop music but I switched it when I heard Jungkook voice singing Euphoria. Mas prefer ko ngayon ang mga kanta ni Taylor Swift.  Tumawa ako sa isip habang pinanonood ang madilim na paligid. Yeah, it's plain. But do I love it's plain.  Pangiti-ngiti ako habang naglalakad nang biglang mamatay ang tugtog. What's wrong? Agad kong dinukot sa slingbag ang phone ko para lang madismaya nang makitang empty battery na ito. Napairap ako sa muling sinuksok iyon. Hindi pa ako masyado nag-eenjoy sa kanta ni Taylor Swift na We Are Never Ever Getting Back Together, namatay na agad ang phone ko. Napabuntong-hininga ako saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Ngayon, naiinis na naman ako at sinisisi ang driver ng mga taxi kung bakit hindi sila napapadpad sa gawing ito. Madilim ang kaliwa't kanan ng lugar. Nananatili naming maliwanag ang sementong dinaraanan ko dahil sa ilang mga street lights na nasa magkabilang gilid ng kalsada. At sa ilang minuto kong paglalakad, wala pa akong nadadaanan na maski isang bahay, mansyon o kubo manlang. Pakiramdam ko tuloy, kila Nathan ang village na ito at sila lang ang puwedeng magpatayo ng bahay rito. Kung ganoon, sobrang yaman nga nila. Pero nakakainis pa rin siya... sila. Nakakainis ang lahat. Hindi na ako nagulat nang may biglang kotse ang huminto sa gilid ko at nag-alok. "Need a ride?" Pero nagulay ako nang makita kung sino ang nasa loob. Tangina nito. Iniwanan na pala ako. Plastik akong ngumiti sa kaniya. "No, thanks. I can manage." "Ang maglakad mag-isa sa madilim na lugar?" Pagak siyang napatawa. "Ano'ng akala mo sa akin? Singduwag mo? Alam mo, Lucas, kung hindi ka napapagod makipagtalo sa akin, ako, matagal nang pagod sa iyo." Naglakad ako nang mas mabilis pa at halos tumakbo na pero dahil kotse ang gamit niya, naaabutan niya pa rin ako. At ang maling tao na ito, hindi talaga nagsasawang asarin ako. "Okay. Fine. Ihahatid lang kita tapos hindi na kakausapin pa," aniya. Napahinto ako sa paglalakad at mabilis siyang nilingon. Lumapit ako sa kotse saka humalukipkip sa harap niya. "Mabilis akong kausap kung mangangako kang tutuparin mo iyang kakasabi mo lang." "Na alin?" Maang-maangan niyang tanong. "Na ihahatid mo ako tapos hindi mo na ako kakausapin pa."  Kunwari siyang nag-iisip saka nagsalita. "May sinabi ba akong ganoon?" "Ah, wala ba? Okay, bye." Akmang tatalikod na muli ako nang mabilis niyang higitin ang braso ko kahit nasa loob siya ng kotse. Hindi naman kasi ako kalayuan sa bintana ng kotse niya. "Teka, Therese. Oo na!" "So, ihahatid mo ako tapos hindi na kakausapin?" Napakamot siya sa batok habang nakayuko. Halatang napipilitan. "O-oo na." "Good. Tuparin mo 'yon?" Inis siyang ibinaba ang kamay mula sa batok. "Tsk. Nangako na nga ako, gusto mo tuparin pa?" Nagdadabog siyang lumabas ng kotse saka binuksan ang kabilang pinto nito kung saan ako sasakay. "Ba't parang galit ka pa? Hoy, Lucas na maling tao! Baka nakakalimutan mong sa lahat ng pangako mo, e, ito lang ang matutupad mo kung sakali." Humaba ang nguso niya dahil sa inis. "Tsk. Sakay na. Ayoko lang talagang sumakit ang paa mo sa paglalakad." "K." Pagkasabi kong 'yon ay padabog din akong pumasok sa loob ng kotse, pasalampak na umupo saka ibinaling ang paningin sa labas ng bintana pagkasarado nito ng pinto. Natuwa naman ako nang hindi nga siya mag-open ng topic para hindi ako mairita. Kita mo nga naman. Marunong naman pala tumupad sa salitang binitawan, ba't hindi pa ginawa noon? Ilang minuto rin ang naging byahe namin bago nakarating sa mansyon. Pagkahinto niya ng kotse, inalis ko ang seatbelt saka lumabas.  "Thank you," nagmamadali kong saad saka agad na tumungo sa doorbell at pinindot iyon ng ilang ulit. Doon ay bumukas ang maliit na pinto. Sumalubong sa akin si Mang Cesar na may hawak na tasa ng kape. Ayoko nang makipag-usap pa kay Lucas at gusto ko nang magpahinga. Hindi siya makakatulong para ako'y kumalma. "Oh, Manong. Bakit hindi pa po kayo natutulog?" puna ko sa kaniya. Itinaas naman niya ang hawak na tasa saka ngumiti. "Heto nga po't may dala-dala akong pampatulog ko, senyorita." "Kape?" "Mas nakakatulog ho ako sa kape." Tumango-tango na lang ako kahit nawiwirduhan sa kaniya. "Sige, manong. Aakyat na po ako. Si Papa po pala?" "Mukhang tulog na po ang Senyor." "Okay, sige po." Pagkapasok ko sa maindoor ay nakita kong gising pa ang ibang kasambahay. Agad naman silang yumuko sa akin bilang paggalang. Ngumiti lang ako sa kanila saka umakyat na sa taas. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako. Tumungo na ako sa aking kuwarto saka mabilis na nagpalit ng damit. Hindi na ako nag-abalang maglinis ng katawan dahil hindi naman ako masyadong pinagpawisan. Saglit na saglit lang ang eksena ko sa party na 'yon. Bukas, kailangan ko na talagang mag-asikaso ng mga dapat kong gawin. Ilang araw na lang, aalis na ako sa lugar na ito. Magagawa ko ang misyon ko. At kapag nagtagumpay ako, makakasama ko na ang mama ko. Iniisip ko kung ano ba ang ugali ng Ross na 'yon? Kailangan kong makuha ang kaniyang tiwala para malinis na ang kaso niya. 'Sana hindi mo ako pahirapan sa misyon na 'to. Kailangan ko 'to. At kailangan mo rin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD