CHAPTER 7

1988 Words
THERESE'S POV SA PAGDILAT KO NG MATA ay sumalubong sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa kurtinang nakalimutan isara. Labag sa kalooban kong tumayo para isara iyon at balaking muling makatulog. Nang maging matagumpay sa pagsara ay agad akong sumampa sa aking kama. Ngunit gano'n na lang ang inis ko nang marinig ang sunod-sunod na katok na nagmumula sa pinto. Nais kong sisihin ang pagpupuyat sa harap ng computer para malaman ang ibang detalye tungkol sa aking pakay. Kung bakit ba naman kasi kakaunti lang ang mga nalaman ko tungkol sa kaniya. Gaano ba kapribado ang buhay na mayroon siya? E, kilala namin ang kaniyang ama't ina. "Senyorita. Pinatatawag po kayo ng inyong ama," turan ng isang Ginang na hindi pamilyar sa akin ang boses. "Susunod na ho ako," tugon ko kahit labag sa loob. Napapikit ako sa inis dulot ng kawalan ng tulog. Masama ang loob kong tumayo muli sa aking kama saka nagtungo sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Mabagal at walang kalakas-lakas ang aking naging pagkilos, bagama't alam kong hindi dapat pinaghihintay ng matagal ang Papa. Halos isang oras din ang tinagal ko sa kuwarto bago ko napagpasyahang lumabas na. Pababa na ako ng hagdan nang agad na mapahinto. Dahil kita ang buong sala sa ikalawang palapag ng aming bahay, naabutan ko ang mga kasambahay na palakad-lakad. Ang iba nama'y nagwawalis kahit wala naman akong nakikitang wawalisin. At ang iba ay nagpupunas kahit nangingintab na ang pinupunasan. "Maaari na ho muna kayong magpahinga. Bumalik na lang kayo sa gawain kapag may gagawin na," anunsyo ko sa kanilang lahat na napatigil sa ginagawa. Ramdam ko naman kasing hindi nila gusto ang walang ginagawa. Pero wala na silang magawa dahil nagawa na nila lahat. Kung bakit ba naman kasi ang dami ng katulong namin, e, dadalwa lang kami ni Papa ang nagkakalat. At hindi pa iyon sobrang kalat dahil pareho kaming masinop sa gamit. "Masusunod ho, senyorita," turan ng isang Ginang. "Ikaw po ba ang kumatok sa kuwarto ko kanina?" Yumuko siya saka nagsalita. "Pagpasensyahan mo na po ang pag-istorbo ko ng inyong tulog. Pinatatawag po kayo sa akin kanina ng inyong ama." Pagkasabi niyang iyon ay agad din siyang nag-angat ng tingin. What's wrong with her? Bakit ang lalim niya magsalita? I mean, hindi naman malalim, pero parang sobrang pormal. "Ano hong pangalan mo?" "Caren po, senyorita." Tuluyan na akong bumaba ng hagdan dahil ramdam ko ang pagod ni Ate Caren sa pagtingala sa akin. Kita kong sinundan niya ako ng tingin. Ate lang ang itatawag ko sa kaniya dahil hindi naman sya ganoon katanda tulad ni Mama Rowena. Si Mama Rowena kasi, puti na ang mahaba niyang buhok, pinupusod niya iyon palagi pero kapag gabi, inilulugay niya. Siguro, nasa hanggang puwetan ang haba ng kaniyang buhok. May kaunting kulubot na rin ang kaniyang balat. At ang mga pekas na nagsisimulang tumubo sa mga nagkaka-edad ay makikitaan na rin sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali, nasa seiteinta na siya mahigit. Ngunit nananatiling malakas. Hindi kasi siya kumakain ng karne. Pulos prutas at gulay ang gustong-gusto niyang kinakain. Kung kakain man siya ng karne, patikim-tikim lang. Buhat nang isilang ako ay siya na raw ang nag-alaga sa akin. Ilang buwan matapos akong ipanganak, umalis ang totoo kong Mama. Kaya kahit wala siya, hindi ako masyadong nangulila. Kasi hindi ko naman siya naramdaman noong nagkaroom ako ng isip. Kung sinabi siguro nila na si Mama Rowena ang nanay ko, maniniwala ako. Kasi nararamdaman ko sa kaniya ang dapat na nararamdaman ko sa totoo kong ina. Pero hindi pa rin mawala sa akin ang pag-asang makakasama at makikita ko si Mama. Kahit na iniwan niya ako, kahit na masasabi kong succesful na akong tao, kahit pa sabihin kong nabuhay naman ako nang maayos kahit wala siya, still gusto ko pa rin siyang makilala. Gusto ko pa rin siya mahawakan. Gusto ko pa rin maramdaman ang mga bisig niya na nakayapos sa akin. "S-senyorita? B-bakit po kayo umiiyak? May nasabi po ba akong masama? Ayaw ninyo ho ba sa aking pangalan? Akin ho itong papalitan. Kung nais ninyo po, Ren na lang ang inyong itawag sa akin." Agad kong pinunasan ang aking mukha kung tunay ngang may luhang pumatak. Nadismaya ako sa sarili nang maramdaman ng aking kamay na mayroon nga. Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Iniba ko ang usapan. Ayaw ko kasing nakikita nila akong mahina. "Bago ka lang po ba?" "Opo, senyorita. Ngayon ho ang ika-apat na araw ng aking paninilbihan." "A, okay." Tumango-tango ako. Tinapos ko na ang usapan sa ganoong eksena dahil pakiramdam ko, dudugo na ang ilong ko sa lalim niyang magsalita. "Nasaan ang papa?" pag-iiba ko ng usapan. Ibang kasambahay na ang tinanong ko. At kung hindi ako nagkakamali, Gerra ang pangalan niya. "Nasa opisina niya po, senyorita." Sa paglalakad patungo sa opisina ni Papa ay bumugso ang pag-alon ng kung ano sa aking dibdib. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa kung ano pa man. Pakiramdam ko, hinahatak ako ng aking sarili patungo sa ibang direksyon. Tila ba sinasabi nila na huwag na munang tumuloy at ipagpaliban ang pakikipag-usap kay Papa. Pero hindi maaari, oras na rin ang binilang niya bago ako makarating dahil sa tagal kong kumilos. Nang makaharap sa hindi kalakihang pinto ng opisina ni Papa ay tatlong sunod na katok ang pinakawalan ko. Narinig ko ang boses niya sa loob na nagsasabing pumasok ako kaya iyon ang aking ginawa. I slowly entered the room and close the door gently, para bang ingat na ingat ako makagawa ng ingay. Sige pa rin ang pagragasa ng kakaibang pakiramdam na may halong kaba sa aking dibdib. Nais ko nang malaman ang gustong sabihin ni Papa, dahil baka anomang oras ay mag-walkout ako sa labis na kaba. Ganito siguro ang nangyayari kapag walang sapat na tulog. Nakakabaliw. "Maupo ka, hija," anang Papa na nakatalikod sa akin. He's standing right in front of our bookshelf. Tila may sinisipat sa gawing iyon. Agad naman akong sumunod sa kaniyang sinabi. "First, I won't take so much of your time, anak. At hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa." Humarap siya sa akin nang may seryosong mukha. Kunot ang noo nito't matamang nakatingin sa akin. I'm really sure that what I am feeling earlier is none other than nervous. And that's exactly what I am feeling right now... like, I mean, until now. "W-what is it, Papa?" I want to slap my mouth. "Why nervous, darling?" Nagbaba ako ng tingin. Bakit nga ba ako kinakabahan? E, si Papa lang naman ito. Feeling ko talaga, epekto lang ito ng walang tulog. Hindi ko na ininda pa ang nararamdaman. Huminga ako nang malalim saka itinatak sa isip na wala dapat akong ipag-alala. Umiling ako at muli siyang tiningnan sa mata. "Not really, Papa. So, what is it?" "I'll take you to Batangas Port tomorrow at two o'clock in the morning. Naghihintay sa atin doon ang isang barko na maghahatid sa iyo tungo sa kinaroroonan ng iyong pakay. At huwag ka nang mag-alala, marami kang makakasamang kawal ng bansa." Namilog ang aking mata sa narinig. Hindi na ako masyadong nabigla sa balitang ito dahil alam ko namang isa sa mga araw ng buong linggo, aalis na ako. Hindi ako nagulat tungkol sa pag-alis ko. Ang kinagugulat ko ay iyong may mga makakasama ako. Akala ko kasi, ako lang mag-isa ang hahanap kay Ross. "So you mean..." "Yes, your mission will start tomorrow." "Akala ko, ako lang ang hahanap sa kaniya mag-isa, Papa?" Tumawa siya nang kaunti. "Nahanap na namin siya, anak." Mas nagtaka ako sa tinuran niya. E, kung nahanap na nila, bakit hindi pa nila kunin? Bakit hindi pa nila dakipin, hulihin at ikulong? Atsaka, ang sabi niya, hahanapin ko raw si Ross at ibabalik ng buhay rito. "Papa, hindi ko po maintindihan. Nahanap ninyo na siya pero hindi ninyo pa kinuha? I mean, ano'ng sense ng misyon ko kung nahanap ninyo na siya?" I said hysterically. Muli na naman siyang tumawa. Minsan hindi ko na ma-gets 'to si Papa. Tumatanda na ba siya nang pa-urong? "That's why, I called you here." Sumilay sa kaniya ang isang mapaglarong ngiti. Teka. Parang nahuhulaan ko na. "Change of plans?" I asked. "You got it right, darling!" aniya na may kasaman pang pagturo ng kaniyang hintuturo sa akin. Napangiti ako nang malawak dahil sa tinuruan niya. Hindi nga mapagkaka-ilang, anak ako ng isang Heneral. Ngayon pa lang, gusto ko nang purihin ang sarili ko. Hindi sinabi ni Papa kung ano ang rason at hinayaan niyang maging malaya si Ross sa isla ng Cabgan. Pero nasisiguro kong laging nasa mabuti ang kaniyang simpatya. Idinetalye niya rin ang magiging plano naming dalawa once na iwan na niya ako sa barkong iyon. Makakasama ko pala ang Cheif of Police na si Denver Aquino kaya mas lalong dapat kong pag-igihan ang misyon na ito. At hindi ko rin dapat sayangin ang pagkakataon na ito, dahil kapag nagtagumpay ako, si Mama ang premyo. Napangiti ako nang maalala ang premyong iyon habang tinatahak ang daan patungo sa aking kuwarto. Kailangan ko nang mag-empake nang kaunting dalahin. Kailangan kong mapaghandaan ang lahat. I turned on my phone na ilang araw nang naka-off dahil sa paulit-ulit na pagtawag ng dalawa kong kaibigan. Tatlong araw na rin simula nang hindi ako nagpupunta sa aking botique. Alam ko kasing pupuntahan nila ako roon at ayokong magpakita. Hindi dahil sa nagtatampo pa rin ako sa kanila, kun'di dahil sa... ayoko lang. I mean, they don't need to explain everything. Naiintindihan ko naman kung bakit nila itinago sa akin ang relasyon ni Suzy and Nathan. Siguro kasi, masyado na akong over reacted. Baka kasi masyado akong naging bitter sa break up namin ni Lucas kaya siguro na-aapply ko kay Suzy. I admitted my mistakes at alam kong dapat din na nagso-sorry ako. Pero hindi muna siguro sa ngayon. Marami pa akong dapat na asikasuhin. I dialed Crisha's number at wala pang dalawang ring ay sinagot na nito. "Good morning, Ma'am Therese." "Good morning. How's my botique?" "Everything is fine, Ma'am. Everyday, the sales goes higher and many of our clients wants to have a business with us," excited niyang saad sa kabilang linya. Yeah. I hired a secretary to manage my business kapag wala na ako. Siyempre, ang kinuha ko ay iyong may degree rin sa kursong kinuha ko. Hindi ako kumuha ng fresh graduate dahil wala pa itong experience. Gusto ko kasi iyong mas maabilidad at alam ang ginagawa kahit hindi ko na turuan. Hindi rin ako kumuha ng secretary na may business din ng katulad sa akin. At kung paano ko nakuha si Crisha? Well, she's my schoolmate before... and ofcourse, classmate. Alam kong gusto niya kasi ang pagpa-fashion design pero hindi na iyon ang naging trabaho niya pagkatapos grumaduate. Oh... my mistake. Hindi na siya nagtrabaho pagkatapos naming grumaduate dahil mas natuon ang atensyon niya sa pagtravel at paglustay ng pera. At kung bakit ko siya kinuhang sekretarya? Simple lang, dahil gusto ko. "Any report?" "Hmm..." dinig ko ang matunog niyang pag-iisip. "Dumaan po kagabi rito si Miss Suzette at Miss Ciara." Napangiti ako sa balitang iyon. Sabi ko na nga ba at pupuntahan nila ako kaya hindi ako nagpupunta roon. Nako. Yari 'tong si Crisha kay Suzy kapag narinig siya. Ayaw na ayaw ni Suzy na tinatawag siya sa totoong pangalan niya. And yes, it's Suzette. "Kagabi ba sila dumaan?" "Actually gabi-gabi po simula no'ng hindi ka na po nagpupunta rito." "Okay. Thank you." I end up the call and start preparing myself for the mission. I open my messages on my phone and saw that there's a lot from the two ugly. While composing a little message to Suzy, I just realize, why didn't I just go to them? But on the second thought, mas okay pala na i-text ko na lang sila. Pero mamaya na siguro, kapag paalis na ako. Kasi I'm sure, pipigilan lang ako no'ng dalawa kahit hindi naman ako nagpapapigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD