CHAPTER 8

1028 Words
THERESE'S POV LAMIG NG SIMOY ng hangin ang tumambad sa akin pagkalabas ko ng kotse. Isama pa ang lamig dulot ng malawak na dagat na nasa aming harap. Maliwanag ang buong paligid dahil sa naglalakasang ilaw ng Batangas Port. Nasa dulong bahagi kami ng Port na ito kung saan, pribadong tao lang ang maaaring pumasok. Sa ibang bahagi kasi, naroon ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya at naghihintay ng tamang oras para makasakay sa barkong maghahatid sa kanila. Isa-isang humarap sa amin ang mga sundalo at pulis nang makitang papalapit kami ni papa. Sabay-sabay nilang itinaas ang kamay hanggang sa kanilang sentido tanda ng pagsaludo sa pinakamataas na opisyal ng pulisya. Ganoon din sa akin dahil isa ako sa gaganap sa pinakamahalagang misyon ngayon. Ngumiti naman ako sa kanila nang bahagya, nagpapaka-pormal. Hindi ko rin naman nais ang makipagngitian sa kanila. Hindi kasi maganda ang mood ko. May pakiramdam ako na parang gusto ko lang magtaray buong araw. Suot ang makapal na jacket na istilong camouflage ay magiliw akong sinalubong ng aking makakasama sa misyon na ito. Hindi nalalayo ang kasuotan ko sa mga sundalong naririto kahit na ang suot ko sa ilalim nitong jacket ay isang puting t-shirt na pinaresan ng itim na pantalon. Hindi rin naging malaya ang aking buhok sa pag-alon dahil maayos ko itong ipinusod saka isunuot ang sumbrerong may istilo rin ng camouflage. Dahil sa nakikita kong ito, bumusulok sa aking dibdib ang labis na excitement. Bigla akong napangiti. Kahit pa hindi ko nais na ngumiti, napapangiti na lang ako. Para akong isang batang pupunta sa field trip na excited na excited sa makikita sa pupuntahan. Pero kabaliktaran naman ang aking mararanasan. Kung sa field trip, puro saya ang puwede kong matutunan, sa misyon na ito, kailangan ko ng talino, diskarte at lubos na dedikasyon. Dahil hindi biro ang tatahakin ko. Hindi magagandang tanawin ang pakay ko. Kung hindi ang misyon na kung saan, buhay ang kapalit nito. "Are you guys ready?" tanong ko sa higit kumulang isang daang sundalo na makakasama ko. Para akong leader ng mga sundalo dahil ganoon ang tingin nila sa akin. Ganoon din nila ako kung ituring kahit na, sila naman talaga itong trained ng mga mahihirap na gawain. Samantalang ako, trained ni papa. "Always ready!" sigaw ng isang lalaki na nasa dulong bahagi, nakasuot ng pansundalong uniporme. Napangiti naman ako nang dahil doon. Nawala ang ngiti ko nang makita ang mga pamilyar na tao sa paningin ko. Tuloy ay gusto kong umirap. Ngayon pa lang, parang nahihirapan na ako sa misyon na ito. Lalo pa't makakasama ko ang maling tao na ito. Walang iba kundi si Lucas Aquino. Ang nag-iisang anak ng Chief Of Police Denver Aquino na ngayo'y nasa tabi niya. Dahan-dahang lumapit sa akin si Lucas nang may ngiti sa kaniyang labi. Hanggang ngayon ba naman ay makakasama ko siya? Huminga ako nang malalim saka pumulupot kay Papa. Mukhang nakuha naman ng Papa ang nais kong iparating kaya't tumikhim ito saka iniutos na sumakay na sa barko ang mga pulis at sundalo. Napahinto rin si Lucas sa paglapit. Nakita kong pasimple siyang binulungan ng kaniyang ama saka sabay silang umakyat sa barko. Nang kami na lang naiwan ni Papa kasama ang ilang bodyguards, nagkaroon kami ng munting paalam sa isa't isa. "Mag-iingat ka, Therese. Aasahan kong sa pagbabalik mo'y malulutas na ang kasong ito." May kung anong sakit sa dibdib ang nagdulot sa akin upang magtubig ang aking dalawang mata. Ito ang unang misyon na mawawalay ako kay Papa ng ilang araw, linggo o buwan. Wala kaming ideya sa maaari kong sapitin sa misyon na ito pero alam kong nagtitiwala sa akin si Papa na malalampasan ko ito. Ang kailangan ko lang gawin ay hingin ang katotohanan kay Ross at ibalik siya rito sa Maynila. Siya lang kasi ang makakapagsabi ng totoong nangyari. Siya lang ang susi para matapos na ito. Dahil patagal nang patagal, mas lalong siyang gustong ipapatay ng sariling ina. At iyon ang hindi ko dapat hayaang mangyari. "Sana makabalik ako agad. Sana magawa ko ang misyon na ito nang tama," saad ko habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa aking mata. "Send my love to Ciara and Suzy, ha?" "I will, anak. Nagtitiwala ako sa iyo." Nagsimula na ring mamasa ang mata ni Papa kaya agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti sa kaniya. "Sumakay ka na. Tatanawin kita mula rito hanggang makalayo ang barko." Patuloy sa pagsikip ang dibdib ko. At kung hindi ko ito mailalabas ngayon, paniguradong pag-iyak lang ang magagawa ko sa loob ng barko. Kaya habang hindi pa ako sumasampa roon, agad kong niyakap si Papa nang sobrang higpit na animo'y siya ang aalis. Sa kaniyang dibdib ay ibinuhos ko ang pag-iyak at doon humagulgol nang may kalakasan. "Shh..." paulit-ulit ang pagpapatahan niya sa akin gamit ang paghimas ng aking likuran. Ngunit mas naging masindhi ang aking pag-iyak nang maramdaman ang pangyugyog ng katawan ni Papa. Mas napaluha ako nang makumpirmang umiiyak din siya. Tila ayoko nang ituloy ang misyon. Parang ayoko nang umalis. Parang hindi ko kayang malayo kay Papa na walang kasiguraduhan kung ako'y makakabalik pa. "I l-love y-you always, P-papa..." turan ko sa gitna ng mga hikbi. Bahagya akong inilayo ni Papa sa kaniya at iniangat niya ang aking ulo hanggang sa magpatama ang aming paningin. Doon ko nakita kung gaano kapula ang mata ni Papa dahil sa pag-iyak. Inilagay niya ang dalawang palad sa aking makabilang pisngi saka hinalikan ako sa aking noo. "M-mag-iingat ka, a-anak... mag-iingat ka." Iyon lang ang sinabi niya saka marahan akong itinulak. Senyales na gusto na niya akong sumampa ng barko upang makaaalis na. Paatras ang ginawa kong paglakad habang tinitingnan si Papa na papalayo ang distansya mula sa akin. Ako naman ay unti-unting paatras na lumalakad papunta sa barkong aking sasakyan. Bago ko tuluyang talikuran ang papa at tahakin ang daan patungo sa barko ay isang saludo ang iniwan niya sa akin. Sumaludo rin ako pabalik nang may mapait na ngiti. Sa pagtungtong ko sa barkong ito, mas matapang na Therese ang makikilala na lahat. Mas matalino at mas determinado. 'I won't give up no matter what will happen next. I will succeed. I promise.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD