DEAR STRANGER CHAPTER 12: Stranger in a café “NAAKSIDENTE ka?” eksaheradang sigaw ni Claire habang ikinukuwento ko ang nangyaring ekesana sa amin ni Mr. Stranger no’ng nakaraang araw. Naikuwento ko na kay lola ang pagpayag ni Mr. Stranger na magkakilala kami at katulad ni Claire ay masaya rin ito para sa akin. “Muntik lang dahil sinagip naman ako ni Mr. Stranger. Buti na lang ay nakita niya ako kaya naman nahila niya ako agad sa kabilang kalsada.” “Mabuti na nga lang talaga at nandoon siya, Sis! Siya na talaga si Mr. Savior mo at hindi na si Mr. Stranger. Tapos ngayon, pumayag na rin siya na magkakilala kayo. Oh, ‘di ba? One step closer ka na sa goal mo na magkaibigan kayo!” bulalas niya na idiniin pa ang sinabi niyang ‘magkaibigan’ na ang ibig niyang ipahiwatig ay magkagustuhan. “Lok

