DEAR STRANGER CHAPTER 13: Being with a stranger “ANO’NG binabasa mo?” pag-agaw ko sa atensiyon ni Mr. Stranger. Busy siya sa pagbabasa ng librong hawak-hawak niya. Napangiti ako dahil kagaya no’ng una ko siyang nakita sa café ay nagbabasa rin ang lalaki. He must really love to read books. “Miracle In December,” sagot niya at saka ibinaba ang hawak na libro sa ibabaw ng table. He turns his gaze at me and I start to have that strange feeling again. Iba ang epekto sa akin ng lalaking ito sa harapan ko. “Mukhang maganda ang binabasa mong iyan, ah,” ani ko. Binawi ko ang aking tingin at saka ko marahan na inilapag ang inumin niya sa ibabaw ng table malapit sa kanya. “Here’s your matcha latte po.” Nararamdaman ko pa rin ang mga mata niya na nananatiling nakatingin sa akin kaya napalunok a

