TRENTA Y TRES Nasa hospital na ako. Agad akong nilapitan ni Nikee nang magmulat ako. Hawak-hawak niya ang aking kamay. Pag-aalala ang makikita sa kanyang mga mata. "Hon, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" "Yung baby? Kumusta si baby?" Gumaan ang pakiramdam ko nang mapangiti siya. Hinaplos niya ako sa pisngi. "You're both okay hon. Pero kailangan mo munang mag-stay dito ng ilang araw." "Si Prey? Kumusta siya? Si Shanika?" "Okay na siya. Magfafile sila ng kaso ni Shanika. Hindi ko na gustong guluhin ka pa ulit ni Mathew." Natahimik ako. "Hon?" Nag-angat ako ng tingin. "Gawin mo na ang nararapat. Alam na ba nina nanay?" Tumango siya. "Pero sinabihan kong okay ka naman na." "Thank you. Ayokong mag-alala pa sila. Sabihin mo huwag na akong dalawin ha? Please?" "Chloe na

